Aiyanna's POV
Sunday, maaga palang ay nandito na sa bahay namin ang mga pinsan ko. Dala ang mga gamit nilang susuotin mamaya sa party. Masyadong daw kasing busy ang mga tao 'don kaya dito nila naisipang mag stay muna at mag ayos para mamaya.Ang arte ng dalawang 'to.
"Guys, nandito na yung mga stylist niyo." Ani Yoshua na galing sa labas.
"Good afternoon ladies."
Bati ni mamsh Jaya, friend ni mama. Siya palagi ang tinatawagan ni mama pag nag papaayos kami. "Si Martha pala. Say hi gurl." Ipinakilala niya yung kasama niya."Oh nandito na pala kayo." Biglang sulpot ni mama na galing sa kwarto nila.
"Haler dear."
Nagkumustahan naman yung dalawa.
"Sorry nga pala naging busy ako last week, hindi tuloy kita naayusan." Sabi niya sakin.
"Naku, yung bestfriend ko may kakilala naman, siya yung nag ayos samin." Sabi ko.
"Bongga ba?"
"Pwede na hahaha"
Pinag meryenda naman sila sa kusina habang naligo naman ako, pati yung mga pinsan at mga kapatid ko.
Matapos ay agad ko namang pinatuyo ang buhok ko. Agad naman akong lumabas ng kwarto at pinuntahan sa kabilang kwarto yung kambal.
"Tapos ka na? Si Yosh?"
"Naliligo pa."
Agad naman kami bumaba para maayusan na. Makalipas ang ilang oras na pag me'make up ay pinagpalit naman kami ng mga susuotin namin.
I just wear simple white cocktail dress na masyadong maikli para sakin, tch!
"Ma, di ba masyadong maikli 'to?" Tanong ko habang nakaharap sa salamin.
"Ano ka ba 'coz! Hindi 'no. Ang ganda nga eh, diba auntie?" Sabi ni Rhea. Naka cocktail dress din siya pero red at iba yung design nong sakin.
Tiningnan lang ako ni mama mula ulo hanggang paa tsaka tumango.
Makalipas ilang sandali, ay ready na ang lahat umalis.
"Ahh~~ ang cute ni Eyah." Kiniss ko siya sa cheeks.
Naka pink dress siya, si Ace naman naka blue polo.
"Enjoy the night everyone. Mauna na kami." Nagpaalam naman yung dalawa nag ayos sa amin.
"Hoy! Bilis na 6:30 na oh." Sabi ni Yoshua.
"Sandali lang, excited lang?" Sabi naman ni Rhea na nag aayos pa ng kaniyang mga kagamitan.
"Mauuna na kami sa inyo. Aiyanna, sa kanila ka na sumabay. Yoshua, ingat sa pag mamaneho." Bilin ni mama.
"Opo auntie." Sagot niya naman
"Ace, Eyah let's go." Sabi ni mama tsaka sila lumabas ng bahay.
"Tapos kana ba?" Tanong ni Yoshua sa kapatid.
"Oo, pakilagay naman ng bag ko sa sasakyan."
Kinuha naman ito ni Yosh at naunang lumabas."Tiya Mey, alis na po kami." Paalam ko, at agad naman lumabas at sumakay sa kotse.
Habang nasa byahe, panay naman daldal si Rhea sa harap, at panay naman kami sa pagsuway sa kaniya.
Daldal talaga nito.
Makalipas ang ilang minuto ay nakadating din kami.
"Ang dami ng tao." Sabi ni Rhe na naka silip sa bintana ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
WE AREN'T FIT (COMPLETED)
Ficção GeralWhat will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? Secrets will be unfold! Be clever 'cause I am Aiyanna Angeli Marcos Suarez. The precious gem of Macr...