Greacey's POV
"Yanny? Okay ka lang?" Tanong ko sa katabi ko.Simula kasi kanina, pagkadating nila ni Xyllo sa table namin, naging tahimik na siya.
Ngumiti lang siya at tumango.
Ano kayang nangyari kanina nong lumabas siya
Napatingin naman ako kay Vince na inihatid si Trisha sa table namin. Sumayaw kasi ang dalawa.
Ako? Kanina pa ako nakipag sayaw kay Vince at sa ibang friends ko nong nandun sa labas si Aiyanna. Si Dianna naman biglang lumabas pagkadating nina Aiyanna kasi may biglang tumawag sa cellphone niya, at hanggang ngayon hindi pa bumabalik.
"Haler." Speaking of..
"Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Xyllo.
"Eh, tumawag si papa. Susunduin niya na daw ako." Nakapout niyang sabi.
"Mag e'eleven palang ah." Sabi ko sa kaniya.
"Kaya nga! Kainis!" Pinag cross niya naman ang dalawang kamay sa dibdib.
"Tapos tinawag pa ako kanina ni Kuya John, nag text daw si mama. Pinapag excuse na ako. Tsk! Ang k-kj ng parents ko.""Eh asan na si Uncle?" Tanong naman ni Xyllo sa kaniya.
"Tatawag nalang daw pag naka dating na siya." Inis na sagot ni Dianna.
Ang strict naman ng parents niya. Buti nalang hindi ganon sina mama sakin.
Bigla kaming napatingin kay Aiyanna na biglang tumayo at kaharap niya si Luis Jem. Nagpunta sila sa gitna at sumayaw.
"Hoy Xyllo, anong nangyari kay Aiyanna?" Kanina ko pa yan gustong itanong kaso baka magalit si Yanny, ngayon lang naka ron ng pagkakataon.
"Hindi ko alam. Nakita ko lang siya sa may bench."
"Pano? I mean anong ginagawa niya sa may bench?" I asked again. Nakatingin lang naman yung dalawa sa amin.
"I don't know, may kausap siya sa phone 'non eh."
Napatango nalang ako. Nagkatinginan naman kami ni Trisha and she just shrugged her shoulders, then tumingin na sa dance floor.
Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang nangyari.
Nakatingin lang ako kay Yanny na sumasayaw kasama si Jem. Bumalik sila sa table namin pagkatapos ng kanta.
Niyaya naman ni Jem si Dianna kaya sila naman ang nasa dance floor.
Now playing : Perfect by Ed Sheeran
Nakatingin lang ako sa mga mag papartner sa sumasayaw. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na ganon din lang ang ginagawa.
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine
Ininom ko nalang yung wine na nasa table namin. Buti nalang hindi 'to nakakalasing. Tch.
Matapos ang kanta ay bumalik na sila sa mga upuan nila. Bigla naman nag ring ang phone ni Dianna.
"Aish! Guys alis na 'ko. Nandiyan na si papa sa labas."
Wala kaming magawa kaya tumango nalang kami at nagpaalam sa kaniya.
Inihatid naman siya ng pinsan niya sa labas kaya kami nalang tatlo ang naiwan.
Dumating naman si Vincent kasama ang lolo niya.
BINABASA MO ANG
WE AREN'T FIT (COMPLETED)
General FictionWhat will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? Secrets will be unfold! Be clever 'cause I am Aiyanna Angeli Marcos Suarez. The precious gem of Macr...