CHAPTER 33: COMEBACK

4K 99 2
                                    

ZORELS POV:

ang akala ko ay makakatulog ako ngunit akala ko lang pala yun.

nagmadali naman akong mag-ayos dahil panigurado kapag hindi ako nauna kay miss ria ay ipapasabay nya nanaman ako sa kanya.

hindi naman sa ayaw ko ngunit miss ko na ang ducati ko. lagi kase akong pinapagalitan ni miss ria na sa kanya nalang daw sumakay at wag na sa aking big bike dahil delikado.

ibang sakay sa kanya ang gusto ko eh.

charot.

saka nilalagnat pa siya ayaw ko siyang mabinat man kung sakali. kaya ipapaleave ko muna sya ngayong araw.

dahil sa hindi din ako nakatulog nag prepare nalang ako ng breakfast neto saka naglagay ng note para naman mas lalong gumanda ang umaga niya diba.

masaya ko namang tinahak ang daan papuntang university. at hanggang ngayon hindi ko maialis ang ngiti ko kaya naninibago ang mga studyante ngayon.

"aba aba iba ngiti natin ngayon zozo ah"

"venice!" agad ko naman itong niyakap ng mahigpit. kahit na gusto ko na tong ipa-drop out.

"kailan kapa umuwi?" saad ko rito habang hindi ko padin binibitawan ito sa pagkakaakap.

"kahapon lang" tumango-tango naman ako.

"buti nalang naisipan mo pang umuwi ibabagsak kana sana ni miss.suarez." pang-tukso ko dito ngunit nagiba naman ang itsura neto ng binanggit ko si miss.suarez.

"o bat naman nangasim mukha mo" umupo na kami ng tuluyan saaming mga upuan ngunit wala pang professor kaya dito muna sya sa tabi ko.

hindi naman ako neto sinagot dahil din sa may tumawag sa kanya through phone.

naweiweirdohan naman ako sa ikinikilos ni venice nung may kausap sya through phone. hindi ito mapakali gusto ko mang lapitan ngunit privacy nya na ito.

i dont want to invade someones privacy. its not my thing.

"boo!"

"aray!"

sinamaan ko naman ng tingin si kath matapos ko itong makurot. sapagkat bigla-bigla nalang manggugulat sa likod ko parang tanga e!

"ano ba kath!" pagiinarte ko rito sapagkat kitang busy ako sa pag-iisip e.

"mukha kang pagod ah" tuluyan na itong umupo sa tabi ko. natuwa-tuwa naman ako sa loob-loob ko sapagkat alam kong may bitbit itong chismis.

"pano ba naman huling matinong tulog ko yata nung nanaginip akong inaagawan kita ng chips sa penthouse ni hux"

pinanglakihan naman ako neto ng mata. problema neto?

"anong nanaginip? pumunta ka talaga don saka inagawan mo talaga ako no! fav chips ko pa naman yun"

ako naman ang lumaki ang mata ngayon. so totoo yun?! walang halong echos? pano?!

"oo totoo ang balita bestie. nakakainis ngalang kase habang inaagawan moko sa chips bigla kanalang nakatulog kaya natapon nanng tuluyan ang chips ko." bigla naman itong sumimangot dahil sa namatay nyang chips.

"dont worry kath pupunuin ko bahay nyo ng chips tamo" nagningning naman ang mga mata neto. kailan pa 'to nahilig sa chips really?!

"thanks zozo kahit hindi totoo" pang-aasar neto saka sumandig saaking balikat.

"anong hindi?!"

"oo na oo na"

"saka alam mo ba dumating si miss ria nung nakatulog ka." pag-singit neto saaming usapang chips kaya nanlaki ang mata ko.

𝐀 𝐃𝐀𝐑𝐄 𝐎𝐅 𝐀 𝐋𝐈𝐅𝐄𝐓𝐈𝐌𝐄 (PROFXSTUD • WLW) - EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon