"Oh my gosh! You're finally here! I miss you!" Parang teenager kung makasigaw 'tong si Clara. Pero aaminin kong na-miss ko ang kakulitan niya.
"Wala akong hug?" Nakangusong sabi ni Terrence. Nagkatinginan naman kami ni Clara. Please lang, ang dugyot!
"Pasalamat ka at kaibigan kita. Tsaka gwapo ka." Kung ako, nahihiya na sabihin kay Terrence na gwapo siya. Si Clara ay hindi! Talagang magka-ugali ang dalawang 'to kaya siguro naging close sila.
"Matagal na akong gwapo, Clara Zamora." Pabiro namang sinuntok ng babae si Terrence. Bago pa sila magbangayan ulit ay pinangunahan ko na sila.
"Mamaya na 'yang bardagulan ninyo. 26 years old na kayo pero kung mag-away kayo para kayong 6 years old." Nagtinginan ang dalawa. Alam ko na ang susunod dito.
"Sige nay/Opo nay." Tangina. Hindi sa santo ako kaya nagmumura ako. At matagal na rin akong hindi nagmumura pero kapag kasama ko ang dalawang 'to, napapamura talaga ako!
"Eh kung pagbuhulin ko kayong dalawa?" Agad naman silang umangkla sa braso. Magkabilaan silang dalawa. Si Terrence ay sa kaliwa po habang si Clara ay sa kanan. Teenagers lang?
"Saan tayo?" Pagtatanong ko sa dalawa. I'm looking forward sa isang masayang bonding kasama ang dalawang 'to. Matagal kong hindi nakasama si Clara. Iba talaga kapag personal mong makasama ang taong mahalaga sa'yo. We've been talking and seeing each other on video calls only. Sobrang rare nang magkita kami. We never saw each other after I left the Philippines. And when I lived at Massachusetts, hindi na rin kami nagkita. That's why I can't blame her if she's too excited and hyper. Pero gosh! Ayokong magmukhang nanay ng dalawang 'to.
"Are you thinking what I'm thinking?" Sabi ni Clara. Tiningnan ko si Terrence at nakangisi rin ito. Iisa lang ang utak nila kaya hindi na ako magtataka kung pareho sila ng sasabihin ngayon.
"Mcdo/Jollibee." Napatahimik sila saglit at nagtinginan. Masama pareho ang titig sa isa't isa. Hay nako ito na naman sila.
Bago pa sila mag-away ay ako na lang ang nag-decide at naisip kong mag Mang Inasal na lang kami. Kuripot ako kaya dito ko pinili dahil mura rin dito ang pagkain. Unli pa. Alam ko namang mga patay-gutom ang kasama ko. At syempre kasama na rin ako roon. Minsan lang naman e. Sulitin na.
"Ako na ang bibili. Hanap kayo ng upuan." Napagkasunduan naming si Terrence na ang mago-order at hahanap kami ni Clara ng mauupuan. Medyo crowded ngayon kahit Miyerkules at hindi naman weekend.
Nang makahanap kami ng upuan ay tumabi agad sa'kin si Clara at niyakap ako. Yumakap naman ako pabalik sa kaniya.
"Na-miss talaga kita, Phina. May pa Massachusetts ka pa kasi! Sana ay nag New York ka na lang para magkasama tayo." Sa New York kasi siya nag-aral. She's now a lawyer. Parang dati lang ay kaklase ko siya noong senior high school kami. Tapos same school pa rin kami nang mag-college although political science ang kinuha niya habang social work naman ang akin.
"Alam mong nandoon ang gusto ko e. Wala naman sa New York." That's true. May isang state university sa Massachusetts ang nago-offer ng masteral for social work kaya doon ko naisipang mag-aral. And that's when I met Terrence. He also studied there and we're classmates. Although funny because we had seen each other before we met at Massachusetts. It's a long story.
"Ewan ko sa'yo." Nagtatampo kunwaring saad niya. I just chuckled and hugged her again.
"Super na-miss din kita." At humarap na siya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Embracing The Sun (Not Edited)
JugendliteraturSeraphina Rei Ferrer is a brave, independent woman. She thought that being with Lucas Aiden Silva will always be rainbows and sunshine. Not until she found out something about him. Years passed and she is back. After all the struggles she faced, sh...