So this is it, huh? I'm finally letting myself to be with him again? But we will just talk. Wala naman sigurong masama roon?
Paano kung may ibang mangyari? Eh ano naman? For sure naman ay sasabihin niya lang naman na masaya na siya. Eh bakit need pa namin magkita?
"You want closure, stupid." Nababaliw na yata ako dahil sumasagot ako sa sarili kong tanong. Pero ayun nga ang gusto kong mangyari. I want a closure from him. Alam kong ako 'yung umalis dahil hindi ko kayang harapin lahat noon. Siguro ito na 'yung panahon para maka move on na ako?
Sana nga ay tama ito at sana ay ganoon nga ang mangyari.
Naghanda na ako sa pagpasok. Sinuot ko ang isang purple classic dress at pares ng white heels. Naglagay din ako ng light make-up at trinintas ang buhok ko. Medyo humahaba na rin pala ang buhok ko.
I saw myself at the mirror. Bakit parang may pinaghahandaan ako? Papasok lang naman ako at makikipag-kita sa ex ko. Nothing special right?
HInayaan ko na ang ayos ko at lumabas na ng unit nang makasigurado akong wala akong naiwan. Paglabas ko ay nakakapagtaka na wala si Terrence and instead, a very familiarm man is standing in front of me. What is he doing here?! At paano niya nalaman na dito ako nakatira?
"Good morning, Rei." Nakangiting bati ni Lucas sa akin. Hindi ko naman siya sinagot at mas lalong hindi ko siya nginitian. Pero aaminin kong kahit nagulat ako ay may parte sa akin na natuwa na nandito siya. Sabi na e, rurupok na naman ako!
"Bakit ka nandito?" Mataray na tanong ko sa kaniya at sinimulan ang paglalakad. Sumabay naman ito sa akin.
"Syempre ihahatid ka sa trabaho mo." Napahinto ako at tumingin sa kaniya. Nakangiti pa rin ito. Bwisit na ngiti 'yan! Bakit ang gwapo niya pa rin?!
"Baka matunaw ako, Rei." Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kapal ng mukha!
"No need. Kaya kong mag bus." Pero humarang ito sa daraanan ko. Sinubukan kong dumaan pero humaharang ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"delikado, Rei. Kaya hayaan mo na ako." I sighed. Hindi pa rin pala nagbabago ang isang 'to?
"Hindi ba magagalit ang asawa mo? O kung sino man?" Kumunot naman ang noo nito.
"What are you--"
"You know what? Nevermind. Sasabay na ako para matapos na 'to." Lumawak naman ang ngiti niya at naglakad na siya kaya sinundan ko na ito.
Namangha ako nang makita ko ang sasakyan na nasa harapan namin. It's a freaking Audi R8! Sobrang mahal nito! Hindi rin ito ang ginamit niya kahapon nang ihatid niya ako sa office. Although alam kong mahal din iyon dahil Lexus LC 500 yata iyon. Pero this Audi R8? Wow.
"Sakay na." Binuksan niya ang pinto. At first I was hesitant to go inside, pero pumasok na rin ako. Umikot naman ito at sumakay na rin.
Nagulat ako nang lumapit siya. Pakiramdam ko ay ssabog ang puso ko sa kaba! Kinuha niya ang seatbelt at nang matauhan ay bigla ko siyang naitulak ng mahina. Mukhang nagulat ito sa biglaan kong pagtulak sa kaniya kaya napaayos ito ng upo at nag-iwas ng tingin. Inayos ko naman ang seatbelt ko.
"I'm sorry." He said. Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. Hindi ko na siya pinansin kaya in-start na niya ang makina at pinaandar ang sasakyan.
Habang nasa byahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Paminsan-minsan ay nararamdaman kong tumitingin ito sa gawi ko pero hindi ko siya tinitingnan pabalik at tanging sa bintana lang ako nakatitig. Mas magiging awkward kapag nagkatinginan pa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Embracing The Sun (Not Edited)
Teen FictionSeraphina Rei Ferrer is a brave, independent woman. She thought that being with Lucas Aiden Silva will always be rainbows and sunshine. Not until she found out something about him. Years passed and she is back. After all the struggles she faced, sh...