Special Chapter

34 11 0
                                    

"Love! Are you done? Baka ma-late tayo." 



I heard Lucas and for the 3rd time, ayan na naman and tanong niya!



"Wait okay?! Inaayusan ko pa ang anak natin!" Naiinis kong sagot. 



Paano ba naman kasi? Nakaka-ilang tanong na siya niyan. Inaayusan ko pa si Kyra e!



Pumasok ito ng kwarto at naabutan niya akong tinitrintas ang buhok ni Kyra. 



"Maganda na kayo pareho." Inirapan ko naman ito. 



"Doon ka na maghintay sa baba. Patapos na kami." 



"Bye papa!" Walang nagawa si Lucas kundi ang lumabas. 



"Okay ba?" Tanong ko kay Kyra nang matapos kong ayusin ang buhok niya. 



"Opo mama! Para po akong disney princess!" 



"Sinong disney princess ba?" 



"Si Barbie po!" Agad naman akong natawa sa sagot niya. Confident pa ito nang sumagot. 



"Halika na nga."



Humawak siya sa akin at sabay kaming lumabas ng kwarto. Pagbaba namin ay naroon si Lucas at mukhang naiinip na. 



"Wow. Ang ganda naman ng asawa at anak ko!" Aba at nambola pa! 



Pumasok na kami ng sasakyan ni Lucas at dumiretso kami sa paboritong fast food chain ni Kyra. Ano pa ba? Edi Jollibee!



Nakarating na kami sa Jollibee at pagpasok namin ay umakyat na kami sa second floor nito. Pagdating namin sa taas ay nandoon na ang mga kaibigan at kamag-anak namin. 



"Happy Birthday Kyra!" Sigaw naming lahat. 



"Thank you po!" Magalang at magiliw na sagot nito. 



Umupo na kami at may mga palaro pa na ganap. nakakatuwa nga dahil kahit kami-kami lang ay game naman silang sumali. 



Pagtapos ay binigay na ang mga pagkain. Habang kumakain ay lumapit ako kay Clara. 



"Phina!" Excited nitong saad. 



"Kumusta naman ang date niyo sa Korea?" Pagtatanong ko rito. 



"Masaya! Ang daming gwapo!" Tumawa naman ako. 



"Lagot ka sa boyfriend mo niyan!" Pang-aasar ko rito. 



"Hayaan mo siya! Tagal mag-propose e!" Panggatong niya sa asar ko kaya lalong lumakas ang tawa namin. 



"I heard that." Nilingon namin ang nagsalita. 



"Tse! Doon ka nga." Tinulak-tulak ni Clara si Caeden. 



"Babe. Stop pushing me. Paano ako magpo-propose kung tinutulak mo ako?" 



Sa gulat ni Clara ay nahinto siya sa pagtulak ka Caeden at parang naging tuod na nakaupo lang. 



Finally!



"Clara Zamora, will you marry me?" Kita ko ang pagtulo ng mga luha ni Clara at sumagot ito ng oo. Niyakap siya ni Caeden at naghiyawan naman kami. 



I know Caeden's plan. Ipinaalam niya ito sa akin at mukhang sakto naman ang timing. 



"Baliw ka! Inagawan mo pa ng eksena 'yung bata!" Natawa naman kami.



Sinulyapan ko si kuya Seandrei. Bahagya itong nakangiti. 



Pinuntahan ko ito nang bigla siyang lumabas. 



"Hey kuya. Are you okay?" Nilingon niya ako. 



"Yes." 



"Bakit ka umalis?"



"I just... I can't watch that." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni kuya. 



"Don't get me wrong. I am happy that finally they are going to be married. I'm happy that she's happy with him." 



"But?" 



"But... I'm sometimes wishing that I am the man she loves. That I am the man she'll marry." 



"Ako sana 'yung kayakap niya ngayon. Ako sana 'yung taong papakasalan niya. But that will never happen. Kasi nahuli ako. Kasi noong nakarating na ako, nakaalis na siya. At may natagpuan na siyang tao na sasama sa kaniya, habang-buhay." 



I hugged him. Gano'n niya ka-mahal ang bestfriend ko. 



"But at least I know that she's in the right person." 



Matapos ang usapan namin ni kuya ay pumasok na rin kami. I congratulated Caeden and Clara. Then we spend more time in that place. 



Makalipas ang ilang oras ay pauwi na rin kami. 



"Ang saya po ni ninang Clara ano? Gano'n din po kayo noong si papa ang gumawa noon e!" Ang dami na talagang nalalaman ng batang 'to. 



Sasagot na sana ako nang bigla akong makaramdam ng hilo. Para akong nasusuka. 



"Ayos ka lang ba, love?" 



HIndi na ako nakasagot kay Lucas at dali-dali akong pumunta ng banyo para dumuwal. naramdaman ko naman ang presensya niya sa likuran k. 



Nang matapos ay tiningnan ako ni Lucas. Nakangiti ito. 



"Bakit?" 



"Naduduwal ka at nahihilo?" 



"Oo." 



"Maybe you're..." 



At tsaka ko lang na-realize ang gusto niyang sabihin. Posible nga ba?

Embracing The Sun (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon