Chapter 23

26 11 0
                                    

"Seph! Long time no see a? Wow! Lalo kang gumanda." 


"Terrence... You're here..." He smiled at me. How I miss that smile. 



"Of course I'm here, Seph. Sabi ko sa'yo nandito lang ako palagi sa tabi mo hindi ba?" Tumango naman ako. 



"Huwag mo na akong iiwanan ulit ha? Huwag mo na kaming iiwanan ulit. Hindi ko kaya, Rence." Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko. 



"Basta tandaan mo, nasa tabi mo lang ako. Babantayan pa rin kita, Seph." Unti-unti ay parang lumalayo angt agwat namin. Hindi pwede!



"Rence!" Pagtawag ko rito.



"See you soon, Seph. Pero huwag sana tayong magkita agad, okay? Because you deserve to be happy." Kumakaway ito habang palayo nang palayo ang agwat namin sa isa't isa. 



"Rei!" Agad akong napabalikwas nang marinig ko ang boses ni Lucas. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita kong nasa kwarto ako ng unit ko habang nasa tabi ko si Lucas at bakas sa mukha ang pag-aalala. 



"Are you okay? Stop crying, love." Nag-aalalang tanong nito nang makita akong umiiyak. 



"I saw him in my dreams, Lucas. I saw Terrence. Ngayon ko na lang siya nakita ulit..." 



It's been almost a month since the accident happen. It's been almost a month since Terrence died. At sa mga araw na lumipas, hindi pa rin naaalis sa akin 'yung sakit. Sakit na mawalan ng isang tunay na kaibigan at parang pamilya. 



"I'm sure he's happy now, Rei. And I'm sure Terrence doesn't want you to be sad." Niyakap niya ako habang tahimik akong umiyak sa kaniya. 



Alam kong maski siya ay nasasaktan pa rin. Kahit ang ibang mga kaibigan namin. Sobrang sakit na bigla na lang siyang nawala sa amin na parang bula. We're not ready for it. I'm not ready. Pero hindi ko kailanman masasabing magiging handa ako. Kaya ganito ka-sakit. Dahil hindi ko matanggap. 



"You should get up. We will visit him, right?" I nodded. 



Tumayo na si Lucas at nagsabing ihahanda lang niya ang pagkain para sa umagahan namin. Tumayo na rin ako para maligo at mag-ayos. 



Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa dining area. Naroon si Lucas at nakaupo na kaya umupo na rin ako sa tapat niya. 



Tahimik lang kaming kumakain. Wala rin akong ganang magsalita dahil hindi nawawala sa isip ko si Terrence. 



Mula nang mawala siya ay parang hindi na kami kumpleto. Kada papasok ako ng opisina ay napapatingin ako sa lugar ng opisina niya at makikita ko na lang ito na sarado. Umaasa ako na isang araw ay bubukas iyon at makikita ko siya pero hanggang ngayon ay hindi iyon nangyayari. 



Kapag sa umaga ay minsan naiisip kong baka naghihintay siya sa akin sa tapat ng unit ko pero hindi na 'yon naulit. 



Maraming bagay ang nagpapaalala sa akin kay Terrence. Sa dami nito ay nahihirapan akong kalimutan ang mga nangyari. 



Tiningnan ko si Lucas at bakas din dito ang lungkot lalo sa kaniyang mga mata. Matalik niyang kaibigan si Terrence. At ang malungkot dito ay kung kailan sila nagkaayos at tsaka pa nawala ang lalaki. 



Natapos na kami sa pag-kain kaya nagligpit lang kami at pagkatapos ay nag-ayos. Dito rin pansamantalang tumitira si Lucas dahil ayaw niyang iwanan ako. 



Embracing The Sun (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon