After I've talked to dad yesterday, I decided to call it a day. Hindi na nga ako makapag-paalam kay Terrence dahil masyado akong napagod sa usapan namin ni daddy. Umuwi na ako at nagbihis pagkatapos ay nakatulog na ako.
Now that I'm awake, I opened my phone and to my surprise, Terrence has 5 missed calls and 10 texts. Karamihan sa text ay nasaan daw ba ako at kumusta ako.
I decided to give him a call. Akala ko ay hindi niya sasagutin but nakaka-dalawang ring pa lang ay sumagot na ito. At bumungad sa akin ang hysterical niyang boses.
"Seph! Thank God you decided to give me a call. What the hell happened to you? Are you okay? I heard pinuntahan ka raw ng dad mo. May nangyari ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Dahil sa rami ng ibinato niyang tanong ay hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Please talk to me." Gosh, how can I talk to you if you're not letting me?!
"What if hayaan mo akong magsalita saglit? Hindi ako makasagot e."
"Ay sorry. Sige ikaw na."
"I'm okay. I'm sorry hindi na ako nakapag-paalam kahapon. Umuwi na kasi ako agad after ko makipag-usap kay daddy."
"Oh okay. How was it? The talk? Okay naman ba?" I sighed. Okay ba 'yon?
"Kind of. He asked me to go back to our house." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si daddy mismo ang nag-alok sa'kin na bumalik ako.
"Is that a good news?"
"Sabi ko ayaw ko. He's not with mom. And I think mom doesn't know that daddy wants me to go back. Kaya hindi ako pumayag. Baka mas lalo lang kaming mag-away. And you know what's crazier than that?"
"There's crazier than that?" He asked while chuckling.
"Yes. He said sorry. Like damn! I never imagined that. In my entire life, never nag-sorry si mom sa'kin. Si daddy kahit naman ganoon siya ay mabait naman siya. Pero he also never said sorry to me. Tapos all of a sudden nag-sorry siya. That's crazy." I'm still shocked. Pero masaya ako. Not totally though. I'm still hoping na soon ay pati si mommy ay okay na sa'kin.
"Yeah it's crazy. And it's really early in the morning for a mind-blowing news." Napatingin ako sa orasan ko at shit! 7 am lang pala?
"I'm sorry. Hindi ko napansin kanina paggising ko kung anong oras na. Nataranta kasi ako sa messages at missed calls mo." Sumbat ko sa kaniya. Kasalanan niya dahil masyadong OA!
"So kasalanan ko pa na nag-aalala ako sa'yo? Dapat nga magpasalamat ka at may gwapong nag-aalala sa'yo e." And here goes the Terrence I know. 'Yung mahangin.
"Umagang-umaga rin para sa fakes news mo."
"Hey it's Wednesday today. Tuloy ba tayo with Clara?" Shoot! Oo nga pala. May lakad kaming tatlo ngayon. Hindi pa nagpaparamdam si Clara sa akin e.
"I guess so. Tanong ko muna kay Clara. I'll tell you later." I said goodbye and ended the call. Pagtapos ay hinanap ko ang number ni Clara at tinawagan ito. Hindi rin naman nagtagal at sumagot siya.
BINABASA MO ANG
Embracing The Sun (Not Edited)
Novela JuvenilSeraphina Rei Ferrer is a brave, independent woman. She thought that being with Lucas Aiden Silva will always be rainbows and sunshine. Not until she found out something about him. Years passed and she is back. After all the struggles she faced, sh...