"Are you ready?" Nakita kong nakasilip si kuya sa pintuan ko. Kuya Seandrei will accompany me later for my graduation along with my parents.
"Wait kuya malapit na! Just a second." Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. My parents are waiting downstairs. I am wearing a purple dress with sleeves. Then a black sandals. My hair is also curled a little and braided.
"Wow my sister is so pretty." Pagpuri ni kuya habang bumababa kami ng hagdan. Tumawa naman ako sa pang-bobola niya sa akin.
"Mana ako sa'yo e." Paggatong ko sa puri niya.
"Aba, syempre. Gwapo ako e." Kunwari naman ay umirap ako. Napaka-hangin talaga niya. Pero sabagay may maipagmamalaki naman talaga si kuya. Simula pagkabata namin ay marami nang nagkaka-crush sa kaniya e.
"Ang tagal mo naman." Bungad ni mommy nang makababa kami ni kuya. Napayuko ako dahil mukhang magagalit na naman siya sa akin.
"Sorry po." She just glared at me. Habang nag-aya naman na si daddy na umalis na kami.
While we're at the car, my heart sank when I heard what my mom said.
"Bakit pa kasi namin kailangang pumunta riyan? What a waste of time."
"Mom. Don't start." Kuya held my hand after he warned mom. Ganito pala ang nararamdaman niya ngayon. Na sayang lang ang oras niya ngayon sa graduation ko.
"Ayan lang ang kaya mo, Seraphina? With honors? Daig ka pa ng kaibigan mong si Clara? How come she can do it while you can't?" Kung pwede lang mag-teleport ngayon ginawa ko na. Now she's comparing me to my best friend? You really know how to ruin a moment mom.
"Let's just go para matapos na 'tong walang kwentang graduation na 'to. Mag-uusap la tayo mamaya." Sinamaan niya ulit ako ng tingin kaya umiwas na lang ako at tumingin sa bintana.
Kahit nasasaktan ay nakita kong maganda ang kalangitan at maaraw ngayon. Napangiti ako.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa school. Nagpaalam muna ako sa kanila na hahanapin si Clara. Sinabi naman ni kuya na maghahanap na sila ng upuan nina daddy.
Gusto ko rin muna kasing lumayo kina mom. I'm so hurt earlier and up until now, naaapektuhan pa rin ako sa sinabi niya. This should be my happiest time. I am graduating, I am with honor, I am having a good grades, I survived the school year. But it took her a couple of minutes to ruin it for me.
"Phina!" Someone called me from behind. Paglingon ko ay nakita ko ang isa sa dahilan kung bakit ako naka-graduate. Ang best friend ko.
"Clara!" Whe she came, she hugged me tightly. I hugged her also. Ang tagal na naming magkaibigan. Tingin ko nga mapagkakamalan na kaming magkapatid e. Although I'm taller than her.
"Where's your family?"
"Ah. Kuya said he'll find them seats. E sina tita nasaan?" I'm referring to her mom. Tinuro naman niya ang mga ito at nakatingin sila sa amin kaya kumaway ako. I'm close to them. They treat me as their daughter as well. Nakakatawa ngang mas naramdaman ko pang tanggap ako ng mga magulang ni Clara kaysa sa sarili kong magulang.
"Let's take a picture!" Sabi nito at inilabas ang phone niya. We posed to the camera and took a few shots bago siya mapagod sa kakakuha ng litrato.
Pinapaupo na kami kaya sabay na kaming naghanap sa mga upuan namin. Hindi kami magkatabi dahil alphabetical order ang upuan at nasa dulo siya habang nasa bandang gitna ako.
BINABASA MO ANG
Embracing The Sun (Not Edited)
Teen FictionSeraphina Rei Ferrer is a brave, independent woman. She thought that being with Lucas Aiden Silva will always be rainbows and sunshine. Not until she found out something about him. Years passed and she is back. After all the struggles she faced, sh...