Chapter 17

73 22 0
                                    

TW: Suicide attempt 


"Aiden, kailangan mo siyang hiwalayan!" 


Para akong nabingi nang marinig ko ito mula sa babaeng kausap ni Lucas. Sino ba ang babaeng 'to? Bakit niya inuutusan at sinasabihan si Lucas ng ganito?



Hinayaan ko ang sarili ko na nakatayo sa pwesto ko mula kanina. HIndi ako nag-iingay at hindi naman nila ako napapansin dahil hindi ako halos makagalaw.



"What are you saying. Astrid? Are you out of your mind?!" galit na sabi ni Lucas. So that's the girl's name. Astrid? I never heard it from Lucas. 



"You need to, Aiden. Magkakaanak tayo! At kailangan mo akong panindigan! How sure are you na tatanggapin ka niya?! Syempre hindi! Dahil nakabuntis ka ng iba!" Napahawak ako sa bibig ko. Nabuntis siya ni Lucas? Habang kami ay may nabuntis siyang iba? 



Unti-unti akong tumalikod at naglakad papalayo sa kinaroroonan nila. 



Lakad at takbo ang ginawa ko. Wala na akong pakialam kung naka high heels pa ako dahil ang nasa isip ko lang ay makalayo sa kanilang dalawa. Lalo na kay Lucas. 



Nakarating ulit ako kina kuya Seandrei. Nagtataka pa ito kung bakit ako hinihingal. 



Gustong-gusto ko nang umiyak sa harapan niya. Gusto ko nang sabihin ang lahat ng narinig at nalaman ko. Gusto ko nang magsumbong pero alam kong hindi pa pwede. 



"Are you okay, Seraphina?" Tanging tango lang ang nagawa ko at hindi na nakapag-salita pa dahil pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak.



"By the way, si dad ang sasama sa'yo. I'll take pictures."



"HIndi naman na kailangan ng pictures." Mataray na sambit ni mommy pero sinaway lang siya ni kuya Seandrei. Wala akong energy na sagutin si mommy dahil sa iba lumilipad ang isipan ko. 



"Punta ka na roon. Nandito lang ako." Kuya smiled at me so I smiled at him too while fighting the urge to cry in front of him. I can do this. 



Pero sadyang traydor ang mga mata ko dahil simula nang maglakad ako papunta sa upuan ko ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Goddamn it!



Naupo na ako sa upuan na itinuro sa amin. Medyo nasa gitna ako dahil letter F ang simula ng surname ko. 



Nagsimula na ang program at maya-maya lang ay naupo na kami dahil tatawagin na kami. Cinongrats pa ako ng mga kaklase ko at binati ko na lang ang mga ito pabalik. Nagtataka siguro ang mga ito kung bakit ako umiiyak pero hindi naman nila ako tinanong at hinayaan lang ako. 



"Ferrer, Seraphina Rei C. Magna Cum Laude." Narinig ko ang mga palakpakan. Tumayo ako at hinintay si daddy na lumapit sa akin bago kami sabay na umakyat ng stage. Sinabit ang medal sa akin at kinuha ko ang certificate tsaka nag-bow bago kami sabay na bumaba. Bago kami maghiwalay ni daddy ay may sinabi muna ito sa akin. 



"I'm happy for you, anak. Keep it up." 



Kahit anong lungkot at sakit ang nararamdaman ko ay naging masaya pa rin ako sa narinig ko mula kay daddy. He is not showy towards me. Madalas ay kung ano lang din ang gusto ni mom ay sinusunod niya. But sometimes, he is vocal to me. It feels like deja vu dahil parang ganito rin ang nangyari at sinabi niya noong graduation ko nang grade 12. How I wish na pati si mommy ay sabihin ito sa akin. Maybe it's too much to ask. para man lang mapawi ang sakit na nararamdaman ko.



Nagtuloy-tuloy ang pagtatawag sa batch namin at ito na ang hinihintay kong tawagin. Ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon. 



"Silva, Lucas Aiden D. Magna Cum Laude." Nagpalakpakan ang mga tao. Nakita ko si Lucas na umakyat ng stage kasama ang mama niya. Nakangiti sila pareho at halata sa mukha ng mama niya na proud siya sa anak niya. Halata rin na masaya si Lucas dahil nakatapos na siya at Magna Cum laude pa. 



Embracing The Sun (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon