Chapter 15

24 21 0
                                    

If I learned something, it's about me being considerate all the time. Sometimes it's good, being kind and understanding. But sometimes it's hard knowing you're hurt but can't be really mad at someone.


"Ms. Ferrer, are you listening?" Nanumbalik ang tingin ko sa prof namin nang tawagin ako nito. Agad naman akong humingi ng pasensya at tsaka nito ipinagpatuloy ang pagtuturo.


Kung kailan huling year na ay tsaka kami nagkahiwalay ni Lucas kaya hindi kami magkaklase ngayong fourth year. Kaya medyo nalungkot din ako dahil siya lang naman ang halos kasama ko palagi kahit may mga nakakausap naman ako rito.


"Class, you should listen to our topics. Fourth year na kayo. Malapit na kayong matapos. Kailangan niyo rin mag ojt. Paano kung sa discussion pa lang ay nakatanga na kayo?" Ani ni Mr. Samson at tumingin bahagya sa akin na para bang pinatama talaga ito para sa akin.


"Class dismissed. Ms. Ferrer maiwan ka saglit." Kinuha ko ang bag ko at pinuntahan si Mr. Samson.


"Lately you're being distracted. What's the reason? Are you sick? But I really don't care about your reasons. But you should know that you're responsible for your marks. Sana ay maging okay ka na. You're good at my class. And I know you're a consistent Dean's Lister. Sayang ang pinaghirapan mo kung ngayon ka pa babagsak. You may go."


"Sorry po sir. I'll do better po. Thank you." Yumuko muna ako rito bago tuluyang umalis.


I was so frustrated. I know I'm not in myself lately. Ever since the vacation, puro problema na lang ako sa bahay. Kuya was there, but he's always busy kaya ako lang rin ang nandoon sa bahay. Syempre hindi ako makakaligtas sa mga magulang ko na hindi ako tinigilan.


But the worst part is that, they don't let me go back to the condo! I was mad. I mean, they promised that I'm just going back until my vacation. Tapos biglang hindi nila ako papabalikin?


That's unfair.


I already told kuya Sean about it but I don't know why he's not responding to me. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumira roon.


Naglalakad ako papuntang convenience store inside the campus when I bumped into someone.


"Hey. Papunta pa lang sana ako sa room mo. Shit! Are you alright?" It's Lucas. I fight the urge of crying in front of him so I smiled.


"Yeah I'm okay. Tara?" Since nandito na rin lang siya ay inaya ko na siyang sumama sa akin. He held my hand kaya napatingin ako rito. I miss him being my seatmate.


"Rei, we're going to have our ojt. Saan ka?" He asked. Napaisip naman ako dahil wala pa akong naiisip. Sa sobrang dami kong problema, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Damn it.


"Maghahanap pa lang ako."


"Gusto mo magkasama tayo?"


I think of it while walking back to my room. Agad din kaming nagpaalam sa isa't isa dahil may kailangan pa silang gawin. Gusto man niyang mag-stay pa, I said to him that it's okay.

Embracing The Sun (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon