Alam ko na agada kung saan ako balak dalhin ni Lucas. Sa dami ng lugar na pwede puntahan bakit dito pa sa dati naming university?
Naghanap siya ng lugar kung saan niya pwede i-park ang sasakyan niya. Pagkatapos nito ay bumaba kami at naglakad papunta sa oval. Sari-saring mga alaala ang nanumbalik sa akin habang naglalakad. Mula sa kung paano kami nagkakilala, kung paano ako mapahiya sa harapan niya ng ilang beses, kung kailan niya ako niligawan, at kung kailan ko siya sinagot.
Nakarating na kami sa oval at pumunta siya sa paborito naming spot kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya at maupo sa tabi niyta. Ngunit nag-iwan ako ng maliit na espasyo sa pagitan namin dahil ayokong maging awkward sa kaniya.
"Na-miss ko rito." Saad nito. Nakatanaw ito ngayon sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Oo nga, na-miss ko rin dito.
"Hindi ka na ba bumalik dito?" Napatingin ito sa akin. Marahil ay nagulat siya at kaswal ko siyang tinanong at walang halong galit o pagiging sarkastiko.
"Bumabalik. Na-miss ko lang na nandito ako kasama ka. kada balik ko rito ay mag-isa lang ako. Palagi kong naiisip na sana bigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na makasama ka ulit dito. At hindi naman ako binigo ng tadhana kasi nandito ka na sa tabi ko at kasama na kita."
Nag-iwas ako ng tingin dahil naapektuhan ako sa mga sinabi niya.
"Isang beses lang akong bumalik dito. Hindi na rin ako nagpunta rito sa lugar na 'to dahil nasaaktan lang ako." Hahawakan sana niya ang kamay ko pero iniwas ko ito sa kaniya. Napayuko na lamang siya.
"Sorry pala sa mga sinabi ng magulang ko. Lalo na't hinusgahan ka na naman nila." Iniba ko na ang topic dahil nararamdaman ko sa sarili ko na bumibigat na naman ang dibdib ko kapag tungkol sa nakaraan namin ang pinag-uusapan.
"It's nothing, Rei. You know what makes me mad? Them treating you like that. You don't deserve that, Rei."
"But you hurt me also." I whispered. Takot na marinig nito na hindi pa rin ako okay.
"Rei, tell me. Sinaktan ka ba nila?" HIndi ako kumibo. Mukhang nakuha naman nito ang sagot dahil sa katahimikan ko.
"Bullshit." Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya at ang pagkunot ng noo niya na halatang galit na ito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-galit.
"I'm fine, Lucas. Thanks for being concened though. Pero sanay naman na ako. Nandiyan naman si kuya Seandrei. Siya ang kakampi ko."
"You also have me, Rei." Mahinang tugon nito na tila puno ng kalungkutan.
"Did I really have you, Lucas? For the entire time that we were together, did I really have you? Or were you never mine in the first place?" My voice cracked after telling it to him. SIgn that I'll break down any time soon.
"Of course you have me ever since the day we met, Rei! Sa'yo lang naman ako mula noon hanggang ngayon..." I closed my eyes. His voice is like a music to my ears. Like a song that has always been my favorite. But also a song I ought to tell myself not to love again.
"You're really good at words, ano? Magaling kang magpaniwala gamit ang mga salita mo. Napaniwala mo na ako noon. Gusto mo ulit akong maniwala ngayon?"
"I'm not lying, Rei. You're refusing to listen. You didn't give me the chance to explain to you what happened that day." Kita kong nasasaktan siya ngayon at hindi ko kayang makita ito. Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tangina naman e! Sabing hindi na ako iiyak lalo sa harapan niya. Bakit ba palagi akong tinatraydor ng sarili ko?
BINABASA MO ANG
Embracing The Sun (Not Edited)
Teen FictionSeraphina Rei Ferrer is a brave, independent woman. She thought that being with Lucas Aiden Silva will always be rainbows and sunshine. Not until she found out something about him. Years passed and she is back. After all the struggles she faced, sh...