Ang hirapppppp.
Ang hirap magpanggap na okay lang ang lahat!
Patawa-tawa lang ako pero pinapatay ko na sila sa isip ko. Sino ba namang hindi magagalit kung ang long time boyfriend mo ay nagtaksil sayo?
Alangan namang tumatawa tawa ako habang masayang naglalampungan ang mga buset sa harap ko!
Tangina!
Hindi ko naimagine na sa ganitong paraan magtatapos ang unang relasyon ko. Sobra naman ata to lord! Ang hiniling ko lang naman banayad at walang sabit na hiwalayan pero bakit ganito binigay mo? Huhu.
Isa itong malaking kasalanan. Hindi maaari! Masisira ang reputasyon ng pamilya dahil sa pangyayaring ito. Magagalit ang Tita kapag nalaman niyang inahas ng anak niya ang nobyo ng kaniyang pamangkin. Masyadong eskandalo sa pamilya ang ganon! Kaya bago pa man malaman ni Tita ang lahat, lakas loob akong lumapit sa mga buset na hanggang ngayon hindi pa rin napapansin ang presensiya ko. Mga manhid!
"E-ehem!"
Sabay lumingon ang dalawa sa gawi ko. Nakita ko kung paano ngumiwi ang mukha ni Shanaya pagkakita sa akin. Matuluyan ka sana, buset ka!
"Zarinah, anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Totoy sa akin. Pati pangalan ang jejemon 'di nalalayo sa mukha.
Nagsisisi na ako ba't ko sinagot ang gunggong na 'to.
Ang jejemon mo rin kasi noon Zarinah!
"Gusto ko lang malaman bakit mo nagawa sa akin ito, Totoy?! At sa- sa kaniya pa talaga?"
Agad pinulupot ni Totoy ang braso nito sa maliit na bewang ni Shanaya nang akmang susugurin ako ng babae.
Wow! Edi sana all.
"Ikaw naman babae, hindi ka ba nag iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?! Ha? Hindi mo na naisip ang Mama mo? Ano ang mararamdaman niya na ang anak nito pumatol sa nobyo ng pamangkin niya?! Hindi mo ba lang naisip ang reputasyon ng pamilya natin-"
"Wala tayong reputasyon Zarinah. Kung iyan ang iniisip mo, pwes, lilinawin ko sayo ng masinsinan. Matagal ng sira ang reputasyon ng pamilya natin, at bakit sino ba tayo? Anong reputasyon? Politiko ka ba para magka ganon eh halos wala na nga tayong makain tapos iyan pa ang iniisip mo, tanga mo talaga." pagputol nito sa sasabihin ko.
"Huwag mong ilalayo ang topic nating bruha ka! Inahas mo ang nobyo ko!"
"Excuse me, hindi ko inahas ang nobyo mo. Siya itong lapit nang lapit sa akin. Siya ang pagalitan mo huwag ako, kaimbyerna ka! Akala mo naman mahal na mahal eh hindi naman."
"Totoy, anong ibig niyang sabihin?"
"Tsk.. tsk.. kung bumigay ka lang sana sa mga hiling ko edi sana hindi na tayo aabot pa sa ganito, simple lang naman ang hiling ko diba?"
"Mga buset! Mabuti nga't hindi ako bumigay sa alindog mong mukang butiki na ilang buwang hindi nangitlog hayop ka! MAGSAMA KAYONG DALAWA PAREHO NAMAN KAYO." galit kong nilisan ang lugar. Sa kabila ng galit ko ni hindi ako umiyak. Ni isang butil ng luha walang tumulo sa mga mata ko.
Bakit ko iiyakan ang butiking buset na yon? Eh ang pangit pangit naman niya!
Hindi ako umuwi ng bahay at dumiretso na lang sa park. Wala akong pera kaya kahit gutom na gutom na, hindi ako makabili ng pagkain. Nakaupo lang ako sa bench at nakatulala sa kawalan.
Ano ba itong nangyayari sa buhay ko? Bakit sunod sunod ata ang malas na nararanasan ko ngayon, mabait naman ako ah.
Hayst.
Nang makaramdam ng antok, tumayo na ako at naglakad pauwi ng bahay. Hindi naman nalalayo rito ang bahay ni Tita. Walking distance lang ikanga nila.
Tinulak ko pabukas ang lumang gate na gawa sa kawayan at tuluyan ng pumasok sa maliit na bakuran ni Tita. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay bumungad agad sa akin ang mukha ni Shanaya. May ngisi ito sa labi na siyang labis na nagpa galit lalo sa puso ko. Talaga, masaya pa siyang may nasasaktan siyang tao? Engkanto nga talaga ang babaeng to. Kung hindi lang ako nakikitira sa inyo ay binugnusan ko na iyang mukha mo ng kamao long punyeta kang Shanaya kang buset ka.
Inirapan ko siya at pumasok na ng bahay. Sinadya ko pa talagang bungguin ang balikat nito dahil sa inis. Psh!
"Maaaaaaaaaa! Si Shanaya sinaktan na naman ako!" nagulat ako at paglingon ko nasa sahig na si Shanaya at gulo gulo na ang buhok. Aba, nabuang na ba ang babaeng ito.
"Walang hiya kang babae ka! Pinatira na nga kita rito at yan pa ang gagawin mo sa anak ko?! Wala kang utang na loob na disgrasyada ka!" nagulat ako sa biglang pagsampal ni Tita sa akin. Ngayon niya lang ako pagbuhatan ng kamay sa tanang buhay kong pagtira sa pamamahay nila.
"Lumayas ka rito! Hinding hindi ako nagpapa kain ng isang disgrasyada at ahas na tulad mo! Pati boyfriend ng anak ko inahas mo?! Wala ka bang delikadesa?!" naguluhan ako sa mga nangyari. Sa pagkakaalam ko, ako yung inagawan kaya bakit tila bumaliktad lahat.
"Umalis ka na o ako mismo ang kakaladkad sayo palabas." hindi ko na inintay pang mag salita muli si Tita. Dali dali akong pumanhik sa itaas ng bahay at kinuha ang mga gamit ko. Walang salita salita akong nag impake at lumabas ng kwarto pagkatapos. Hindi ko namalayan na basang basa na pala ng luha ang mga mukha ko. Tahimik ko itong pinunasan at sa huling pagkakataon, nilingon ko ang bahay na nagsilbing tirahan ko ng ilang taon.
Kung ayaw mo palang magpa kain ng ahas puwes palayasin mo rin ang anak mong reyna ng mga ahas.
Galit at bulong bulong ko sa aking sarili habang palakad lakad sa lansangan ng Cateel.
BINABASA MO ANG
His Property
Ficción GeneralNo one touches his property. Date Started: July 10, 2022 Date Ended: July 23, 2022