Chapter Eight

176 4 0
                                    

Bitbit ang limang libo na sweldo ko kagabi, pumunta ako ng grocery store para tapusin ang pamimili ng mga kakailanganin ko sa apartment.

Sout ko ang dress na bigay sa akin ni Carius. Kulay gray at gaya noong sout ko kagabi, ang ganda rin ng tela ng isang to.

Simple lang siya at walang disenyo pero ang eleganteng tingnan.

Kumain muna ako sa karindirya ng tanghalian at naki chika sandali sa tindera na kinaibigan ako bago tumulak rito.

Pumasok ako sa loob at agad namili ng mga kailangan ko pa sa apartment. Row by row, corner by corner sinuyod ko ang grocery store. Baka may maka ligtaan ako.

Pumila na ako sa cashier nang masigurong kumpleto na ang lahat.

Nagpa salamat ako sa cashier at packer at kinuha ang supot na naglalaman ng pinamili ko.

Di ko pa trip umuwi kaya binilin ko muna ang mga gamit ko sa baggage counter. Pagka bigay ng number sa akin, umikyas agad ako.

Window shopping ang peg ng Auntie niyo for today's video mga pamangksssss! Hahahaha!

Kidding aside, pumasok muna ako sa isang sikat na fast food para mag meryenda. Isang cup lang kasi ng kanin yung order ko kanina sa karindirya kaya nagutom agad ako.

I ordered fries, hmm bigla kong namiss si Carius, anong purpose ng fries kung wala naman akong pagsu subuan?!

Ang gross, Asthrielle! Ani ng isang bahagi ng isip ko.

Fries, burger, sundae at spaghetti ang inorder ko.

Nag take out na rin ako ng chicken at steak para sa dinner ko mamaya bago pumasok sa trabaho.

Una kong pinapak ang fries at burger. Ang sarap! Worth it ang pinambili dahil ang sarap naman ng mga foods nila. Busog na busog ako nang lumabas sa fast food.

Lakad lakad ng kunti pampa tunaw ng mga pagkaing pinapak ko ng may aksidenteng nakita ang mga mata ko. Gusto kong masuka!

Sa lahat ng panahon, bakit ngayon pa nila naisipan pumunta rito?

Aalis na sana ako nang mahagip ni Shanaya ang paningin ko. Hinila niya si Totoy papunta sa gawi ko at wala akong nagawa kundi manatili roon. Kapag umalis ako baka kutyahin nila akong talunan.

The frog and the bitch is coming.

"Tingnan mo nga naman ang panahon, first time mong maka tapak ng mall?" mapangutyang sabi ng pinsan kong ahas.

"Hindi, second time." naka ngisi kong sagot. First time ko yung unang grocery ko rito.

"Bruha!"

"Ahas!"

"Shanaya, baby, tara na. Huwag mong sayangin ang oras natin sa mga di importanteng bagay." sabay halik sa ahas sa labi. Gross!

Hindi ko na sila hinintay pang mag salita, tumalikod na ako roon at pumunta sa baggage counter.

Ayaw ko ng mag window shopping, na buwiset na ang mood ko dahil sa dalawang yun.

Pumara ako ng tricycle at nagpa hatid sa apartment.

Pagkapasok ko ng kwarto, agad kong inayos ang mga pinamili. Wala na akong time mamaya kaya mas maiging asikasuhin ko na agad ito bago ko pa makalimutan.

Time check: 3:10 p.m.

May oras pa naman kaya nag alarm ako ng 5:00 para makatulog muna. Baka antukin ako mamaya sa trabaho. May ulam naman na ako kaya wala ng problema.

Dala ang unan, tumungo ako sa kama at ipinikit ang mga mata, wala pang ilang minuto unti unti na akong dinalaw ng antok.

***
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock.

Agad na naligo, nag bihis at kumain. Inayos ko na muna iyong hinigaan ko at kinainan bago lumabas ng kwarto para mag trabaho.

As usual, wala na si Madame. Actually, pansin kong kanina pa siya wala. Baka hindi siya dito naglalagi kaya di ko masyado nakikita.

Mamaya, kakausapin ko yon.

Papara na sana ako ng tricycle nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Pamilyar iyon kaya ng bumaba ang bintana sa may passenger seat hindi na ako nabigla.

Ngiting ngiti pa ang gago, full display ang perfect set ng kaniyang mapuputing ngipin.

"Sakay na kitten, ihahatid kita sa trabaho mo."

"Akala ko ba ang usapan natin susunduin mo lang ako mamaya? Bakit nandito ka?"

"Napadaan lang ako rito at ng makita kita, huminto ako. Ang rude ko naman kung di kita pansinin eh magkakilala naman tayo."

I rolled my eyes when he get off the car at pumunta sa pwesto ko. Akala ko kung ano ng gagawin iyon pala pagbubuksan lang ako ng pinto.

Wala na akong nagawa kundi sumakay dahil pinagtutulakan na ako nito in a nice way papasok.

Agad nitong pinaandar ang kotse ng makapasok siya galing sa labas.

"Tapos na ang business meeting niyo?" pagbasag ko ng katahimikan.

"Hindi pa."

"Bakit ka nandito?"

"Break." simple niyang sagot.

Tumango at may kinuha sa bag. "Gusto mo?"

"No kitten, save that for later. Baka gutumin ka sa trabaho mo." tanggi nito da alok kong pagkain. 

"Drive thru na lang tayo ng fries, subuan kita hehe."

"Gusto mong kumain?" sa halip ay tanong niya.

Bakit ba laging ako ang iniisip niya eh siya itong inaalokan ko ng pagkain.

Tumango ako, kaya naman nandito kami ngayon sa Jollibee at umoorder ng fries. Sinalihan niya pa ng burger at drinks.

Kukuha na sana ako ng pambayad ng biglang iabot ni Carius ang card niya sa babae. Wala akong nagawa kundi isauli na lang ang wallet sa bag ko.

"Ako na sana ang magbabayad." sita ko sa kaniya.

Kinuha ko ang order at agad binuksan ang laman. Target locked: fries. Kumuha ako ng isa at masayang isinubo kay Carius na agad namang binuka ang bibig. Good boy.

Ganun lang ang ginawa ko hanggang maubos ang fries, ngayon naman ay burger ang binuksan ko. Kinuha ko ang wrapper kaunti at pinakagat si Carius.

Nang may maalala, kinuha ko ang phone ko sa bag at nag text kay Brando. I thanked him at sinabing ayos naman ang trabaho. Nag promise rin ako na papadalhan siya one of these days.

Dahil sa abala sa pagta type, di ko napansin napa kagat na pala ako sa burger ni Carius.

"It's okay, kitten. Feed me please."

Naubos ang burger at saktong nasa the Mizz na kami. Nilagay ko sa paper bag ang mga kalat at binitbit palabas ng sasakyan. Itatapon ko sa basurahan.

Bumaba rin si Carius at sumunod sa akin. Hindi na muna ako umalis.

"Ah, salamat sa pag hatid at sa foods." sabi ko.

"You're welcome, kitten. I'll text you later kapag papunta na ako rito to fetch you, okay?" I nodded as a response.

"Huwag ka na lang kaya mag trabaho kitten, kaya naman kitang buhayin." he kissed my forehead at hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

I waved at him a bit at dire diretso na ang lakad papasok ng The Mizz.

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon