My hands were trembling as we were approaching to their house. I know Carius' been telling me about this night but I can't still help but feel nervous.
Pinagbuksan kami ng guard nang matanaw ang kotse ni Carius. The guard even waved his hand on us.
Bumaba si Carius ng kotse at pinagbuksan ako.
Agad naman akong humawak sa braso niya ng makababa ng kotse. Para akong bata na takot mawala sa mall.
I roamed my eyes around the place and it stopped on the center of the hallway.
Halos magtago na ako sa likod ni Carius nang makita ang nasa tanggapan ng mansiyon ng mga Buenavista.
"You're all scaring her." Carius finally spoke.
They shifted their eyes from me to Carius.
"Oh no, alam mo namang ang tagal na namin hinintay ang pagkakataong ito. We're just happy that you finally bring her, here. Tuloy kayo, hija, come.." kinuha ako ng isang babae mula sa pagkakahawak kay Carius at dinala sa kung saan.
"Hello, Zarinah. I'm Nathalie, Carius mom." pakilala niya sa akin.
"Hello po, ma'am Nathalie. Salamat po sa pag imbita."
"Ow, no worries darling. You're always welcome here. Tara, nandoon ang mga girls, I know you'll like them." iginiya niya ako sa isang pasilyo. Sabay kaming naglakad at ng makita ko ang tubig, napagtanto kong nasa pool area kami ng bahay.
Ang lahat ng nandito ay mga babae lamang. They were also the girls whom I saw kanina sa tanggapan ng mansiyon at nakatingin sa akin.
Nang makita nila ako, isa isa silang nagpakilala.
The Buenavista is a big family, huh.
Limang magkakapatid sina Carius, tatlong lalaki at dalawang babae. Yung nagbabantay ng mga bata sa poolside ay ang mga kapatid niya.
The ones doing the preparation in the garden are the wives of the two Buenavista brothers, hindi kasali si Carius kasi hindi pa kami married hehe.
But wait,
Ang daming mga bataaaaaaa!!
Ang gaganda at gagwapo pa talaga. Talagang may lahi eh, ang puputi pa.
Si Carius na lang ata ang walang anak dahil siya ang bunso. Yung apat niyang mga kapatid ay may sarili ng mga pamilya.
Excited akong lumapit sa kanila nang ma busy na rin si Mama este Ma'am Nathalie sa pagtulong sa preparation ng dinner.
"Hello po, I'm Nathan, short for Nathaniel Alexis, I'm four years old and my Mommy told me that I'm handsome!" bibong sabi ng isang bata na bigla na lang lumapit sa akin at nagpakilala.
"Hello handsome Nathan, how are you?"
"I'm fine po, Tita. Are you the girlfriend of my Tito Carius po?"
"Um, yeah.."
"Oh okay po. He's not playing with me anymore. My Daddy told me that he's busy with her girlfriend and I should wait. Can I play with him na po?"
"No problem, Nathan. You can come at his house when I'm there, I'll play with you. I bet I'm more better than him." humagikgik ang bata dahil sa sinabi ko.
"Sige po, Tita. Pero paalam muna ako kay Daddy and Mommy, baka di sila payag."
"Okay, I'll tell your Tito Carius din about it, deal?" he nodded.
Pagkatapos ng pag uusap na iyon, lagi ng nakadikit sa akin si Nathan. He would tour me around, or ipakilala ang mga tao sa paligid na di ko na memorize yung name.
Kitang kita ko pa ang nakakunot na noo ni Carius habang tinatanaw kami ni Nathan na magkasamang naglalakad. Hindi kasi maka porma dahil sa bata. Ayun, puno ng kantiyaw ng mga kapatid at ama.
"Spoiled mo kasi ayan tuloy, inaagawan ka na." asar sa kaniya ng Daddy ni Nathan na lalong kina kunot ng noo nito. Grumpy old Carius Adam.
"Tita, is Tito Carius mad?" inosenteng tanong ni Nathan nang makita ang mukha ni Carius.
"Hindi Nathan, huwag mo na lang siyang pansinin."
Sakto namang tinawag kami ni Ma'am Nathalie para sa hapunan. Sabay pa kami ni Nathan papunta sa mahabang lamesa na puno ng iba't ibang klase ng mga pagkain.
Umupo ako sa isa sa mga upuan at tumabi naman sa akin si Nathan. Sa kanan ko naman si Ma'am Nathalie. Paparating na yung mga lalaki at nang makalapit, dumiretso sa banda ko yung Daddy ni Nathan. Kinuha nito ang bata at dinala sa Mommy niya, doon sila umupo.
"Baka mamatay ang Tito Carius mo kapag di sila magkatabi ng Tita Zarinah mo, gusto mo ba iyon?" agad namang umiling iling ang bata.
"Good boy."
Naramdaman kong may tumabi sa akin at paglingon ko, nakaupo na pala si Carius.
Agad gumapang ang kamay nito at hinanap ang kamay ko, nang matagpuan niya iyon agad niyang pinagsiklop ang mga palad namin.
"I miss you, kitten." bulong niya.
Ang OA talaga ng lalaking to. Halos hindi na nga ako buwagan ng mga titig kanina tas sasabihing miss niya ako na parang isang taon kaming di nagkita.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay itinoun na lamang ang atensiyon sa paglalagay ng ulam at kanin sa plato niya.
"Gusto mo ba ng chicken?"
"Oo, kunti lang kitten. Baka di ko maubos."
"Tss."
Kumuha ako ng chicken at nilagay sa plato niya. Nang makuntento na ako, yung plato ko naman ang inatupag ko.
Hihi, konti lang yung akin. Nakakahiya kanila Ma'am Nathalie. Baka sabihin ang takaw ko.
Naramdaman kong gumalaw si Carius kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Gusto mo ng shrimp?" tanong niya sa akin.
"Oo, pero ako na ang magbabalat."
Hindi ito nakinig at nag balat na nga ng shrimp at pagkatapos ilalagay sa plato ko. Nang makapag balat siya ng tatlo, pinatigil ko na. Ayos na iyon at baka magbalatan na lang kami boung gabi rito.
"Sabi ko sa inyo, may sariling mga mundo." rinig kong bulong ng kung sino.
Dahil doon, inangat ko ang paningin ko at natigilan ng makitang lahat sila nakatoon ang paningin sa amin ni Carius.
"E-ehem. Kumain na tayo." basag ni Ma'am Nathalie. Agad tumalima ang lahat at nagsi kuhanan na ng kanilang makakain. The kids were already eating kaya nawala na ang maiingay nilang tawa.
"Siya nga pala Zarinah, nag aaral ka pa ba?" isa sa mga sister in law ni Carius ang nagtanong.
"Hindi na po. Nagta trabaho po ako bilang waitress sa The Mizz, doon ko po nakilala si Carius."
"Ahh, ganun pala. But if you're willing to go to school just tell me. Teacher ako sa isang university rito, I could help you. And Carius," baling nito ng atensiyon sa katabi ko, "bakit pinagta trabaho mo pa itong si Zarinah?"
"Sinabihan ko na siya Ate, ayaw niyang pumayag sa alok ko."
"And what could that be?" sabat ni Ma'am Nathalie.
"I asked her to move in with me at my house. Patitigilin ko na sa trabaho at pwedeng mag aral na siya, but she declined. I understand her reasons though. Susuportahan ko siya sa gusto niya, Mom. That's what partners do, love and support each other."
BINABASA MO ANG
His Property
General FictionNo one touches his property. Date Started: July 10, 2022 Date Ended: July 23, 2022