Chapter Nine

182 5 0
                                    

Pagka pasok ko ng The Mizz, hindi muna ako dumiretso sa dressing room. Bagkus sa opisina ni Madame ako nagtungo.

Kahit nagastos ko na iyong limang libong sahod ko kagabi, nais ko pa ring i clarify kung sweldo ko ba talaga iyon dahil sobrang laki naman ata. Tsaka, magta tanong na rin ako tungkol sa renta sa apartment. Baka kasi di na kami makapag usap mamaya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang seradura ng pinto.

Nakaupo si Madame at may binabasa ng pumasok ako. She look at me the moment I entered the room at ngumiti.

"Oh, Zarinah. How are you? Sabi ni Carius di maganda ang pakiramdam mo kagabi?" sabi niya nang makaupo ako sa upuan sa harapan niya.

"Uhm, ayos na po ako Madame. Gusto ko lang po sanang magtanong."

"Ano iyon, hija?"

"Limang libo po ba talaga ang sahod ko kagabi?" hindi muna siya nagsalita.

"Ah, tungkol doon, oo. Limang libo nga iyong ibinigay ko kay Carius na sahod mo kagabi. Alam mo kasi, nakadepende ang sahod niyo sa kinikita ng bar gabi gabi. Minimum lang talaga iyong isang libo."

Tumango ako, "at tungkol po sa renta sa apartment," panimula ko na naman.

"Huwag mo munang isipin ang tungkol doon, Za. Alam kong nagsisimula ka pa lang, sa susunod na buwan ka na mag umpisang mag bayad ng renta." nakangiting sabi nito.

Ako?

Halos di makapaniwala.

Sa hirap ng buhay ngayon, may ganito pa palang klase ng tao. Kahit kailangan niya rin ng pera eh iniisip niya pa rin ang kalagayan ng iba. Ang bait naman ni Madame Olivia.

"Salamat po, Madame. Sisiguraduhin ko pong on time lagi ang renta ko para di kayo mahirapan."

"Walang anuman, Za. Siya, tamang tama. Ikaw na ang magbigay nitong uniporme niyo ngayong gabi kila Jas at sa kasama niyo. Mabuti't di ko nakalimutan at baka malintikan pa ako." tinanggap ko iyong bigay niyang mga damit.

Umalis na ako roon at nagtungo sa dressing room. Dahil maaga akong dumating, ako pa lang ang tao roon. Nagbihis na ako at napansin kong naging iba na naman itong uniporme namin.

Well, mas maigi na ito. Hindi masyadong maikli at kumportable kung gumalaw kapag nag aayos ng mga order.

Umupo na muna ako sa sofa habang nag iintay kila Jas.

Ilan pang sandali, bumukas ang pinto at iniluwa noon ang tatlo kong kasama. Sabay silang pumasok at agad pinuna ang bagong unipormeng sout ko.

"Ah, bagong uniform daw natin. Kaka bigay lang ni Madame." sabi ko.

"Nadadalas naman ata ang pagpapalit ng uniform ngayon. Well, mas okay nga ito at mukhang mas kumportable kesa doon sa una." sabi ni Jas habang sinusuri ang bagong uniform.

Nagbihis na ang tatlo at ng matapos, sabay na kaming lumabas at nagtungo sa counter.

Pansin ko agad ang pag irap ni Jas at nang sundan ko ang kaniyang paningin, naka sentro iyon sa cook na nakangiti na ngayon sa kaniya.

May something talaga eh!

"Jas, kilala mo ba iyong cook?" tanong ko sa kasama.

"Hindi."

"Ex niya." sabay na sabi ni Jas at Nicole.

Ah, kaya pala.

Mukhang may di pa natatapos ang dalawang to dahil galit pa rin ang isa.

Hindi na nasundan pa ang usapan naming iyon dahil naging busy na kami sa pagsi serve ng orders. Mukhang maraming customer ngayon.

Sunod sunod ang dating ng orders kaya halos wala akong pahinga. Medyo nakaluwag luwag lang ng tumungtong ang alas onse ng gabi. Hindi na kasi pang dinner time at mukhang nasa bar na ang mga tao.

Dahil maraming customer, nakaipon rin ako ng sapat sa tip.

Pa unti unti na lang ang mga pumapasok na customer hanggang sa mag out na kami.

Dumiretso na muna kami sa opisina ni Madame para kunin ang sweldo bago magbihis sa dressing room. Madadaanan kasi ang opisina niya bago ang dressing room kapag galing sa counter.

Unang pumasok si Nicole kaya naiwan muna kami rito sa labas. Sumunod naman iyong isa hangang ako at nahuli si Jas.

May dalawang libo ako ngayong gabi at kung itotal iyong nakuha kong tip, nasa three thousand five hundred pesos yung mauuwi ko ngayon.

Hinintay na muna namin si Jas at nang lumabas na siya, sabay kaming lahat pumasok sa dressing room.

Sa kalagitnaan ng pagbibihis, narinig kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon, at binasa ang text.

Unknown Number:

Kitten, I'm outside.

Endearment pa lang, alam ko na kung sino. Hindi na ako nag reply at mas binilisan pa ang galaw para makalabas na.

Lumabas na ako roon pagkatapos magpaalam kila Jas na mauuna na.

Natanaw ko agad iyong sasakyan ni Carius kaya naglakad ako patungo roon. Nang malapit na ako, bumukas ang pinto ng drivers seat at niluwa noon si Carius na may bitbit na bouquet ng bulaklak.

Binigay niya iyon sa akin at kinuha ang bitbit kong bag. Pinagbuksan ako ng pinto at nilagay ang bag sa dashboard.

Umikot siya at pumasok na rin ng sasakyan.

"U-um, salamat sa flowers, Carius."

"You're welcome, kitten. Bumili rin ako ng foods, baka gutom ka. Nandiyan sa likod, your favorite fries is there." biglang nag alburoto ang tiyan ko dahil sa sinabi niya.

Hindi naman ako gutom kanina ah, traydor kang little stomach ka!

Carius is spoiling me so much! Baka tumaba na ako nito.

I get the paper bag in the back seat at tiningnan ang laman. Same sa order namin kanina, but the only difference is may chicken ito ngayon.

I grabbed the fries at tinikman iyon. Delicious as ever!

Kumuha ako at sinubo iyon kay Carius.

"Gusto mo?" bago pa ako nagtanong eh nakasubo na nga siya.

"Anything you like, kitten." sagot pa rin nito.

Ang dami naman nitong order niyang foods. May plano ba siyang ipaubos sa akin to? Naku po, di ko kaya. Puputok ang belly ko sa dami nito.

"Carius, ang dami naman nitong order mong pagkain. Di ko naman ito mauubos."

"Aside from fries, hindi ko alam kung ano pang gusto mo kaya binili ko na ang kung anong makita ko."

"Sana itong fries na lang binili mo," he just shrugged his shoulders kaya sinubuan ko siya ng fries, "kung gusto mo, kainin natin to sa apartment kaso maliit lang doon baka masikipan ka." suhestiyon ko.

"I don't mind." mabilis niyang sagot.

Patuloy lang ako sa pagkain habang sinusubuan si Carius. May kung ano ano pa kaming pinag usapan nang may maalala ako.

"Bakit mo nga ba ako binigyan ng bulaklak?"

"Simula ngayong araw na ito, manliligaw ako sayo kitten." diretso at mabilis niyang sagot.

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon