Chapter Two

210 6 0
                                    

Pagkatapos sabihin iyon ni Madame, iginiya niya ako sa isa pang silid. Kumatok siya at may babaeng lumabas roon. Ngumiti siya kay Madame at sa akin.

"Goodevening po Madame, siya po ba iyong bago?" tanong niya.

"Oo Jas, ikaw na ang bahala sa kaniya."  sagot ng huli.

Tumango ang babaeng nag ngangalang Jas at iginiya ako papasok sa silid. Parang dressing room ito dahil maraming nag kalat na iba't ibang klase ng mga damit. May locker din sa isang tabi na tingin ko ay para sa mga worker dito.

"Ako nga pala si Jasmhine, ikaw?"

"Zarinah. Zarinah Asthrielle." tipid kong sagot.

"Ang swerte mo ikaw ang nakakuha ng pwestong iyan." sabi nito habang kinukuha ang uniporme para sa akin.

"Bakit? Ano pa bang ibang trabaho rito?"

"Yung iba nasa bar, at sasabihin ko sayo. Hindi mo magugustuhan doon. Maraming bastos, mga batang hangal. Sa pwesto mo maraming naghahangad diyan, maliban sa kakaunti lang ang customer at hindi crowded ay kadalasan mga propesyunal pa ang karamihan sa pumapasok. Di gaya sa baba." parang bored na kwento nito sa akin.

Tumango ako at tinaggap ang damit na inilahad niya sa akin. Ito ata ang uniform ko. Tinuro niya ang isang maliit na pinto at tumungo ako roon.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako ng banyo. Ayos naman itong uniporme sa akin, hanggang tuhod lang ang taas at maayos naman tignan.

Nang masigurado na ayos na ako, lumabas kami ni Jasmhine at pumunta sa counter kung saan maghihintay kami ng order ng mga customer.

Technology at its finest.

Bale, pagpasok ng customer sa loob ng silid, hindi na nila kailangan pang magtawag ng waiter o waitress para ibigay ang mga order nila. May isang tablet doon at ang gagawin lang nila ay pindutin at itype ang nais nilang orderin.

Papasok ang order nila sa kitchen at sila na ang gagawa ng lahat. Kapag handa na ang order, lalabas ito sa counter at kami naman ang maghahatid sa room kung saan sila.

Hindi naman masyado mahirap kung iisipin.

Pinakilala ni Jas sa akin ang iba pang kasama namin at hindi pa nagtagal may mga order na silang kinuha at ise serve kaya kami na lang ni Jas ang natira rito at nag iintay.

Ting. Hudyat na may ready to serve ng order kaya agad tumayo si Jas at kinuha ito. Bago tuluyang umalis, lumingon pa ito sa akin at tumango.

Phews.

Kaya ko ito!

Hindi pa lumagpas ang dalawampung minuto, may order ng handang iserve kaya tumayo na ako at kinuha ito.

Tiningnan ko muna ang papel na nakadikit dito at binasa.

VIP Room No. 321

Nasa dulong kwarto ito kaya agad akong tumungo roon. Dahan dahan pa ang bawat lakad ko at baka matapilok ako dahil sa kaba. I make sure to walk slowly pero hindi naman gaanong kahina. Baka mag reklamo ang customer sa tagal kong dumating. Bad shot agad sa first night of work ko.

Kumatok muna ako as what Jas told me, at nang marinig ko ang go signal ng nasa loob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob. I made sure to close the door first before walking towards the table in the center of the room.

Dahil sa kaba, ni hindi ko na magawang tumingin sa customer sa harapan. Ni hindi ko maangat ang mukha ko at ipinokus lang ang paningin sa mga pagkaing bitbit ko. Pagkatapos kong ma arrange ng maayos ang mga order sa mesa, umatras ako ng konti at nanatiling nakayuko ang ulo. Sabi ni Jas, kapag matapos ng ilagay ang mga order at iarrange sa mesa, huwag daw muna umalis at baka may utos pa ang customer.

"Care to introduce yourself, miss?" dinig kong saad ng isang baritono ngunit nakakalokong tinig ng isang lalaki. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko at natagpuan ko ang mata noong lalaking nag salita.

Nakangisi ito at nakalagay pa ang hintuturo sa pisngi na tila nag iisip.

"Zarinah." tipid kong saad.

"Nice name for a gorgeous girl like you." sabay wink pa niya sa akin. Napangiwi naman ako dahil doon pero sinigurado kong hindi niya mapapansin. "If you won't mind Zar, can I ask you something?" dagdag tanong niya.

"Ano po iyon, sir?"

"Single ka pa ba?" mabilis nitong sabi.

Bago pa man ako makapag salita, isang seryosong boses ang sumabat sa amin. Hindi ko siya napansin kanina kaya napatingin ako sa isang bahagi ng sofa, doon nakita ko ang lalaking seryosong nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang lamig ng bawat titig niya kaya di ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Di ko alam kung dahil ba sa takot o kaba.

"You're scaring her, dude." ani ng lalaking kausap ko kanina.

"I don't care." sa magaspang na wika. "I paid you to serve us, not to flirt with my companion. Get lost."

Dali dali akong lumabas at hindi na muling lumingon sa gawi nila. Pero bago pa ako tuluyang makalabas, narinig ko pa ang boses noong kumausap sa akin, "that was rude."

Hindi ko narinig pang sumagot ang isa kaya dali dali kong sinara ang pinto. Mabuti na iyong hindi ko marinig pa ang sagot niya at baka lalo pa akong mainsulto sa lalabas sa bibig nito.

Flirt?

Eh nagtatanong lang naman ang kasama niya at tsaka, five words nga lang ang nasasabi ko roon tapos sasabihan akong flirt. Is he crazy?

Dahil sa nangyari, wala sa mood akong bumalik sa counter. Nandoon na sila Jas kaya tipid akong ngumiti sa kanila.

Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong sinabi ng lalaki, ang sama ng ugali. Kung anong ikina guwapo ng mukha niya ay siya namang kina pangit ng ugali niya. Hmmp!

Hindi ko na lang muna iyon inisip at inabala na ang sarili sa pag hatid ng mga order ng ibang customer. Sa kalahatan hanggang matapos ang shift ko ay nasa pitong orders ang na serve ko.

Gaya ng sabi ni Madame, may mga tip nga akong natanggap. Umabot pa nga ng five hundred pesos yung naipon ko. Hindi na rin masama.

Sabay kaming apat bumalik sa dressing room. May pumalit na agad sa amin kaya umalis na kami doon.

Pagkatapos magbihis, lumabas kami at tumungo sa opisina ni Madame para kuhanin ang sweldo namin ngayong gabi. Hindi kami sabay pumasok kaya naiwan kaming tatlo sa labas habang nauna si Jas sa loob.

Pagkalabas ni Jas ay sumunod na rin ako. Ngiting ngiti pa si Madame habang binibigay sa akin ang sweldo ko ngayong gabi.

Isang libo ang binigay niya sa akin kaya hindi ko na rin mapigilang mapangiti. Suma total nasa one thousand five hundred ang kinita ko ngayong gabi. Ayos na rin. Kung maglalagi ako rito, tiyak, makakaipon ako ng malaki.

"Salamat po Madame." pasalamat ko sa kaniya.

"Walang anuman Zarinah, alas siyete bukas dapat nandito ka na, ha. Tsaka, nasabi ni Brenda sa akin na wala ka raw matutuluyan?"

"Ah, uhm opo. Maghahanap pa po ako ng inn na pwede kong matuluyan ngayong gabi."

"Naku, sigurado akong wala kang mahahanap ngayon. Ala una na ng madaling araw. Mabuti pa, sumabay ka na sa akin pauwi. May apartment kasi ako tsaka may bakante pa roon, hindi naman masyadong mahal ang renta kaya pwedeng pwede ka roon. Kung gusto mo lang naman." ngumiti siya sa akin at nag intay ng sagot ko.

Akala ko malas lang ang makaka salamuha ko ngayong araw, may swerte pa rin pala. 

"Sure po, madame! Mag iintay po ako sa inyo rito!"

Umupo ako sa couch at tila ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong araw na nangyari sa buhay ko. Parang kanina lang, nahuli ko si Totoy na nag cheat sa akin, pinalayas ako ni Tita at ngayon nagka trabaho ako in an instant.

Pumikit ako at sa pagpikit ko, ang mukha ng lalaking seryosong nakatitig kanina sa akin ang pumasok sa isipan ko.

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon