Chapter Seven

193 7 0
                                    

Alas nuwebe ng mapag pasiyahan kong umuwi na. Apat na oras na ako rito at wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng tv, mag cellphone at kumain.

Carius is feeding me so much!

At si Carius?

He's working.

Sabi niya work from home raw siya dahil nandito ako. Ayaw naman niya akong ihatid kanina kaya mas pinili niya lang na mag trabaho rito sa bahay.

Nong tinanong ko siya kung bakit, ang sabi lang niya gusto niya raw na nakikita ako habang nagwo work siya. Pang motivate raw.

Pagkatapos namin mag agahan kanina, binigay niya sa akin ang sweldo ko at laking pagtataka ko pa ng umabot iyon ng limang libo.

"Carius, sobra naman ata ito. Baka nagka mali si Madame ng bigay. Isang libo lang naman yung sweldo ko kada gabi."

"Bigay yan ni Olivia kagabi sa akin, sweldo mo raw. Baka nagtaas or may bonus kayo. Tanggapin mo na, kailangan mo yan." bonus? Eh, ikalawang gabi ko pa lang nagwo work, may bonus na agad?

Di bale, magta tanong na lang ako mamaya kay Madame.

Hindi na niya ako pinansin pagkatapos non kaya kumain ng lang ako ng fries at binusy ang sarili sa panonood ng mga movies sa Netflix.

Sa kalagitnaan ng panonood, tumayo ako at lumapit sa kaniya. Abala ito sa pagta type ng kung ano ano sa laptop niya. Hindi ko naman maintindihan kaya inilipat ko ang paningin ko mula sa laptop patungo sa kaniyang mukha.

Nag blush pa ako ng makita kung gaano ka kinis ang kaniyang mukha. Ang tangos ng ilong beh at ang maninipis at mamula mula nitong labi, parang nang aakit na halikan. Shet!

Ang landi mo, Zarinah Asthrielle!

Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kaniya. Dala dala ko ang bowl na naglalaman ng fries at ketchup. Kumuha ako ng isang fries at sinubo sa kaniya.

Tumingin pa muna ito sa akin saglit bago sinubo ang fries.

He mouthed, "thank you."

Naging ganoon nga ang setup hanggang maubos ang laman ng bowl. Susubuan ko siya habang nagta type ito ng kung ano ano sa laptop. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya at hindi kumikibo. Baka maka istorbo pa ako.

Tumayo ako at tumungo sa kusina upang hugasan ang ginamit kong mga bowl at plato kanina habang naglu luto ng fries.

Pagkatapos, sumilip ako sa labas at nang makitang nandoon pa rin si Carius sa kinauupuan niya ay bumalik ulit ako sa kusina at nag timpla ng juice.

Dinala ko ang pitsel at dalawang baso sa labas at dahan dahang nilapag iyon da gilid ng lamesa kung saan nakalagay ang laptop niyang mukhang dollar rin ang presyo.

Ingat na ingat pa ako at baka masagi ko ang pitsel at mabasa ang laptop. Malaking problema iyon kung sakali, wala akong pambayad eh!

"Ang sarap mo namang maging asawa kitten, maalagain." sabi kong mag iingat eh baka masagi ko ang pitsel! Muntik ko na kasing mabitawan ang baso dahil sa sinabi niyang iyon.

Sa laptop siya nakatingin habang sinasabi iyon kaya talagang nagulat ako. Bigla ba namang nag salita ng kung ano ano.

Magugulat ka talaga! Ni hindi na nga ako nakapag blush dahil sa gulat eh!

"Ang bolero mo naman po, Kuya Carius." at talagang diniinan ko ang pag tawag sa kaniya ng Kuya. May pangiwi ngiwi pa siya ng marinig iyon.

"You're hurting me, Kitten. Don't call me that, ang pangit pakinggan." OA nitong sabi at talagang hinarap pa ako. Not minding the work that's waiting him.

"But you're old and I should address you that way." marahan kong sabi at nagpapa cute pa, teasing him. Hahaha!

Nangunot ang noo nito at umiigting pa ang panga dahil sa inis. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa reaksiyong pinakita niya.

Ang grumpy naman ng Carius ko.

Wow! Kung maka Carius ko, sayo te? Sayo?

Hindi na siya nag salita at ibinalik ang pansin sa pagla laptop. Lumipas ang ilang minuto at hindi na talaga ako nito kinakausap. Nag back fire ata ang pang aasar ko.

Ako rin naman pala ang bibigay sa huli.

"Carius.." marahan kong tawag sa pangalan niya, "matanda ka naman talaga kasi kaya dapat lang tawagin kitang K-"

Hindi ko natapos ang dapat ko pa sanang sabihin ng walang ano ano siniil niya ako ng isang malalim na halik. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at nanatiling nanlalaki ang mga mata.

"Call me Kuya again at hindi lang iyan ang gagawin ko sayo." walang lumabas na salita sa bibig ko at tumango lang.

Wala sa sariling tumayo ako at pumunta sa couch, doon ko ibinagsak ang sarili ko at kumuha ng throw pillow. Sa throw pillow ko ibinuhos ang sigaw ko. Yan, sige, saluhin mo lahat!

"Aaaaaaaaaaahhhhhhh, wala na ang first kiss ko!" naka pout kong sumbat kay Carius na ngayon ay nakatayo na sa harap ko. Pumunta agad siya rito ng marinig ang pag sigaw ko kanina.

"Ihatid mo na ako pauwi! Hindi na tayo bati!" parang bata na sabi ko.

"It was just a kiss."

"No, it wasn't just a kiss! That was my first!"

"That's good."

"Anong that's good?! Good dahil wala na ang first kiss ko? Aaaaah, I hate you!"

"Good because I'm your first. Now, stop whining like a baby, kitten. Ihahatid na kita sa apartment mo, it's already nine." hindi ko siya pinansin at inirapan lang.

Pumunta ako sa second floor at dumiretso sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Kinuha ko ang bag ko at hindi na nagtagal lumabas na rin.

Nadatnan ko siya sa sala, nakaupo sa couch at nakangising sinundan ako ng tingin.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

Pinagbuksan ako nito ng pinto, sinarado muna niya ito bago humabol sa akin na nauna ng naglakad.

Naramdaman ko ang unti unting paggapang ng kamay niya sa bewang ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

The brute just smile at me at hindi kinalas ang pagkakahawak niya sa akin.

Pinagbuksan ako nito ng pinto sa passenger seat at iginiya para makaupo ng maayos doon.

Hindi ko pa rin siya kinakausap. Bahala siya sa buhay niya! He's a thief. He just stole my first kiss. Damn him! 

"Kitten, I know you're annoyed at me right now. Pero gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako makakapunta mamaya sa bar dahil may business meeting kami ng mga pinsan ko. Tatawagan lang kita mamaya para masundo ka, okay?" hindi ko siya sinagot.

Pakialam ko ba kung hindi siya pupunta mamaya sa bar at bakit niya ba sinasabi, as if I care!

Kaya kong mag commute pauwi!

And why the hell is he doing this?!

"Kitten, mag salita ka naman."

"Why are you doing this?" bagkus ay tanong ko.

"Doing what?"

"Ito. You're so kind on me, well, noong una you're not. You called me a flirt which I'm not,"

"Because you're talking to much to Anton and you didn't even acknowledge my presence. Nainis lang ako sayo noon kaya nasabi ko yun."

"Dahil hindi kita nakita, sa dilim ka pa naman pumwesto. Anyway, pinatuloy mo ako sa bahay mo, pinakain, hinatid, gosh you even bought me tons of dresses which I'm sure cost a fortune. Is that what a customer usually does to a waitress who serves him?"

"Uh- fine! I like you! The moment you entered that room, parang nag slow mo ang lahat. Na love at first sight ata ako sayo dahil simula nong gabing yun hindi ka na mawala sa isip ko. Tangina, ang ganda mo kasi kitten. Now, payag ka ng sunduin kita mamaya?"

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon