Chapter Ten

176 6 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas at ganon pa rin ang ginagawa ni Carius. He's consistently giving me his attention.

Of course, kasama na roon ang pag spoil sa akin ng mga pagkain. Not that always na lang ako nagpapa libre but he's really buying me those kahit hindi ko naman sinasabi. Kahit papaano, may naiipon naman ako galing sa trabaho at kaya ko ng bilhin iyong mga bagay na gusto ko.

Mas lalo namang malaki ang nasi save ko dahil halos bilhan na ako ni Carius ng lahat ng kailangan ko. Nagugulat na lang ako, may mga delivery rider na ng naghahanap sa akin at may item daw ako.

Kapag sinasabi ko naman sa kaniyang bayaran ko siya, ayaw tanggapin. Nakakasakit daw ako sa ego niya.

Unlike my past relationship with Totoy, iba yung pinaparamdam sa akin ni Carius ngayon.

Nagtagal kami ni Totoy ng halos apat na taon pero sa loob ng mga panahong iyon, we never get to close with each other.

Nag uusap kami, pero hindi palagi.

Hindi kami masyadong nagsasama at nagpa pansinan noon sa school.

Parang casual lang, low key kumbaga.

Kahit hindi naging ganoon ang kalalim ang pagsasama namin ni Totoy, nasaktan pa rin ako dahil sa ginawa nila ni Shanaya. Maybe because, she's my cousin? I feel betrayed that time.

Kung ibang babae pa sana, ayos lang. Eh yung pinsan bou yung pinalit sayo? Di ka ba magagalit non?

Nevertheless, I'm thankful na nangyari ang bagay na iyon. Kasi kung hindi dahil doon, hindi ako papalayasin ni Tita. Hindi ko tatanggapin ang alok na trabaho ni Brando at siyempre, hindi ko makikilala ang isang Carius Adam Buenavista.

The man who never gets to tired on me. Kahit minsan nagma maldita ako sa kaniya.

Kaya ang desisyon kong sagutin siya kagabi ay bukal at talagang galing sa aking puso.

Gusto kong may label na kaming dalawa. Nakita ko na naman na sincere at wala siyang masamang balak sa akin. He never took advantage on my innocence sa loob ng ilang buwan naming pagsasama.

May mga times pa nga na sa bahay niya ulit ako nakakatulog or naaabutan siya ng madaling araw sa apartment, but that didn't push him to do unlikely things.

He always made me blush, kahit sa maliliit na bagay. He never failed to make me happy.

Mahal na mahal ko ang lalaking ito.

***
"Come on, kitten. Just accept my offer." frustrated na sabi ni Carius na kanina pa sunod nang sunod sa akin.

"Stop it, Carius. Kaka sagot ko pa lang sayo kahapon tapos gusto mo ng tumira ako sa bahay mo?"

"Yes. Mas maganda iyon at lagi tayong magkasama. Mababantayan kita at pwede ka ng huminto sa pagta trabaho. You can enroll to college, I'll provide you everything. Everything that you need, kitten."

"Nagta trabaho ako para mapa aral ko ang sarili ko, Carius. I want to prove myself na kaya kong tumayo mag isa. That I can do it despite the odds, despite the hindrances that's waiting on the way. Sana maintindihan mo." paliwanag ko sa kaniya.

"Fine. Kahit dito ka na lang tumira, kitten? You can still work, I won't meddle with that. But, stay here with me please.."

"Still, a no. Tsaka, huwag ka na nga muna sunod nang sunod, nahihilo na ako sa ginagawa mo." sita ko sa kaniya nang buntot pa rin ito ng buntot sa akin.

Parang natalo siya sa lotto nang umupo sa isa sa mga upuan. Daig pa ang binagsakan ng langit at lupa sa kunot na kunot nitong noo. Naka pout pa talaga! Nagpapa cute lang yan eh, hindi mo ako madadala diyan boy!

Hindi to marupok!

Hindi na nga siya nang istorbo pa at nakatingin lang sa akin habang nag aayos ng mga pagkain na dadalhin namin mamaya.

"Kitten, may fries ba diyan?"

"Order lang tayo mamaya sa Jollibee, gusto ko yung fries nila." simple kong sagot.

"Okay."

At dahil hindi mapirmi ang isang Carius Adam Buenavista sa isang lugar, ito na naman siya at nakikitulong kuno sa akin sa paglalagay ng mga pagkain sa tote bag.

"Hindi ka ba napagod kitten? Ako na."

"Gosh, Carius Adam! This is just a very simple work, siyempre, hindi nakaka pagod. Just sit down on there and wait, okay?!"

And you wouldn't think he's on his twenties. Ang hirap magbi babysit ng matanda at malaki pa ang katawan! Sobrang nakaka stress. Okay pang suwayin ang mga bata dahil kahit papaano napapasunod pa, pero eto?

Hay naku!

Nakikinig nga, nanggugulo naman ulit.

"I just didn't want my baby kitten, tired. Give me that, ilalagay ko na sa kotse!" at ang landi pa.

Binigay ko sa kaniya ang dalawang tote bag. Kumuha ako ng softdrinks at tubig sa ref at nilagay din sa lalagyang plastic.

Ano pa bang kulang?

Mukhang wala na. Fries na lang hihi.

Nagtungo muna ako sa kwarto ni Carius at kinuha ang bag ko at bag na hinanda ko rin para sa kaniya.

Hindi man lang kasi nag abala mag prepare ng mga gamit niya. Kesyo wala naman daw siyang gagawin don at di na kailangan.

Pero ang totoo, gusto lang niyan magpa asikaso.

Magbi beach date kami ngayon. Wala akong planong maligo, gusto ko lang talaga pumunta ng dagat. Unwind, relax at etc.

He was waiting me downstairs at nang makitang pababa na ako, agad niyang kinuha ang bag na bitbit ko.

Sabay kami lumabas at sumakay ng kotse.

Madali lang ang biyahe, malapit lang kasi ang mga resort dito at naka sasakyan pa.

I already paid the reservation online kaya dire diretso na kami ni Carius pumasok. I just showed the invoice to the personnel.

We spent our time happily. We talked at mas kinilala pa namin ang isa't isa. We share even the smallest facts about ourselves at mas lalo akong nagiging kumportable sa kaniya knowing that he trusted me even the smallest detail of himself.

We danced through the winds, shared our laughters with the waves, promised ourselves with the sandy shore of the sea, that no matter how hard it will take, our love is sealed forever and the vast ocean and the drowning sun is the witness of it.

"Kitten, it's time to meet my family."

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon