Chapter One

313 7 0
                                    

"Ano Zarinah? Go ka na ba?" tangina naman nitong baklang to. Hindi pa nga ako nakakapag emote sa pagpalayas sa akin ng Tita ko, iyon agad ang ibubungad sa akin. Respeto naman diyan oh!

"Tsaka na Brando, pag iisipan ko pa muna. Baka kasi scam na naman yang offer mo at sa kulungan na talaga ang bagsak natin sa huli. Mabuti nga't natakasan natin yung unang raket mo na palpak rin."

"Nakuuuu Zarinah Asthrielle, sure na sure na ako sa raket na to. Napuntahan ko na mismo at talagang malaki ang kikitain mo. Promise, legit na talaga to. Kahit mamatay ka pa ngayon, legit talaga to." ang bastos naman talaga ng baklang to. "Tsaka, huwag mo nga akong matawag tawag na Brando lalo na't nasa labas tayo, baka sabihin ng iba diyan lalaki ako." sabay irap sa akin. Ang feeling naman talaga.

Eh lalaki naman talaga. Ang laki pa nga ng katawan. Mukbang wrestler kung hindi mo siya kilala. Naglalagi kasi iyan sa gym. Kunwari nagwo workout yun pala naninilip lang sa mga lalaki roon. Style niya bulok!

"Ewan ko sayo. Alam mo naman malaki ang problema ko ngayon. Ni wala nga akong pambili ng pagkain, wala akong matutulugan at problema ko pa iyong utang ko kila aling Nena, sabi ko pa naman babayaran ko sa Sabado. Hays, bakit ba ang malas malas ko!" nandito ako ngayon sa park kung saan ako nag eemote kanina. Dito ako dumiretso at nakita ako ni Brando na nakatulala kaya nilapitan niya ako at inalok ng makain.

Hindi na ako humindi lalo na't gutom na gutom na talaga ako.

"Tamang tama nga Zar. Kung papayag ka ngayon, ngayong gabi ka rin mag uumpisa sa sinasabi kong trabaho. Balita ko kasi kulang sila sa tao ngayon dahil nagkasakit yung isang trabahante nila. Yung makukuha mong pera roon pwede mong magamit pang umpisa habang wala ka pang regular na trabaho. Pasensiya na at ito lang ang maitutulong ko sayo, alam mo naman, walang wala rin ako." tipid siyang ngumiti at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik. Hindi niya alam kung gaano ako nagpapa salamat na nariyan siya sa tabi ko. Kahit ang presensiya lang niya ay labis ng nakakatulong sa akin.

Alam ko rin namang hirap siya sa buhay. Siya rin kasi ang bumubuhay sa pamilya niya.

"Gustuhin ko mang patuluyin ka muna sa bahay ay hindi naman pwede. Baka mapahamak ka lang." malungkot nitong saad. Naiintindihan ko naman siya, tumango ako at tumayo na.

"Siya, saan ba iyang trabaho na sinasabi mo?" nanlaki ang mga mata nito at napasigaw pa sa tuwa dahil sa sinabi ko.

Wala naman akong choice.

Palaboy ako ngayon at walang tirahan. Wala akong mapupuntahan. Gustuhin man ni Brando pero hindi naman pwede.

"Siguraduhin mo lang na hindi yan scam at malilintikan ka talaga sa akin." banta ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng bakla.

Tss.

Pagkatapos ako librehin muli ni Brando ng hapunan, dumiretso na kami sa sinasabi niyang trabaho.

Sumakay kami sa kaniyang motor at bumiyahe na patungo sa aming destinasyon. Hindi na ako nag salita pa at hinayaan na siyang mag maneho. Pagod na ako pero hindi naman kailangan mag reklamo dahil kailangan ko ng pera.

Kailangan talagang mag tiyaga.

Bumalik ako sa reyalidad nang biglang pumreno si Brando. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa isang resort kami. Nakahilera ang mga resort at doon ko nakumpirma na nasa dulo kami ng bayan. Dito kasi kadalasan ang mga resorts.

Marami akong nakitang mga tao at mukhang may party ata. Peak hour kasi  ngayon at maraming mga teenagers na mahilig sa foam party.

Hindi ko na sila pinansin pa at sumunod na lang kay Brando na papunta sa isang silid. Malayo layo na ito sa mga nagsa sayawang mga turista kanina kaya hindi na gaanong malakas ang music sa bandang ito.

Pumasok si Brando sa silid kaya sumunod na rin ako.

Dim ang light kaya medyo nanibago pa ako pero napansin kong kaunti lang ang tao rito.

Napakapit ako kay Brando dahil sa namuong ideya sa isip ko. Huwag naman sana!

"Tangina naman Brando, alam kong gipit ako pero hindi ako prosti!" galit na bulong ko rito.

Lumingon ito sa akin at pinandilatan ako ng mga mata, "tumahimik ka nga Zarinah, hindi iyan ang trabaho rito. Nakakahiya sa mga makarinig." pabulong din nitong sagot sa akin.

Tumahimik na lang ako at tahimik na sumunod sa kung saan siya papunta.

Nang sa wakas ay huminto ito sa isang silid, walang pag aatubili akong sumunod sa kaniya papasok. Naninigirado lang, baka bigla akong hilahin ng kung sino dito sa labas. Mahirap na!

"Brenda!"

Pilit kong itinatago ang tawang nagpu pumilit lumabas sa bibig ko dahil sa palayaw na bigay sa kaniya ng babaeng nakaupo sa likod ng marmol na lamesa sa loob ng silid. Tingin ko, siya ang boss dito.

"Madame, magandang gabi! Ito nga pala iyong sinasabi ko sa inyo, si Zarinah Asthrielle." sinuyod ako ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa kaya napatayo ako ng tuwid.

"Hmm.." sabay hawak sa kaniyang panga, "pwede na."

Hindi ko man maintindihan ang kanilang pinag uusapan ay sigurado akong tanggap na raw ako.

"Salamat madame! Makakasiguro kang magaling ito!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Brando.

Tumawa ang babae at tumayo upang makipag kamay kay Brando at sa akin. Kung hindi pa matatapos ang usapan hindi pa makaisip ng shake hands.

"Ehem. Mawalang galang na po pero nais ko lang malaman kung ano po bang magiging trabaho ko rito?" di ko na mapigilang sumabat.

"Hindi mo pa pala nasabi sa kaniya Brenda, siya, ako ng bahalang mag explain sa iyo ng lahat. Umupo ka, hija." umupo ako sa itinuro niyang upuan at nagtaka pa ako ng hindi sumunod si Brenda. Ay, bet niya bang mag standing position all throughout the talk?

"Sa tingin ko ay hanggang dito na lang ako, madame, ikaw ng bahala sa kaniya. Zar, magkita na lang tayo bukas. Galingan mo!" hindi pa man ako nakasagot ay bigla biglang lumabas si Brando.

"So, Zarinah, handa ka na ba sa trabahong ito?"

"Opo, madame." magalang kong sagot.

"Madali lang naman ang magiging trabaho mo rito kumpara sa iba. Magsi silbi ka lang sa mga VIP customers at ibibigay mo sa kanila ang mga order nila. Kumpara sa ibang bar na kita mo ang customer na pagsi silbihan mo, dito ay hindi sapagkat nasa isang silid ang customer at makikita mo lang sila kapag nakapasok ka na. May mga do's and don'ts kami rito kaya huwag kang mag alala. Ano?"

"Para po bang waitress?"

"Parang ganun na nga. Malaki ang kikitain mo rito at makukuha mo ang sweldo mo pagkatapos ng shift mo. Hindi pa kasali diyan ang tip na matatanggap mo sa mga customer." sagot ni Madame.

"Kailan po ako magsisimula?"

"Ngayon mismo!"

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon