Chapter Four

192 6 0
                                    

Saktong alas siyete ng gabi nakarating ako sa The Mizz. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan ng bar. Sinilip ko muna yung signage sa labas bago pumasok.

Ang weird nong di ko alam ang pangalan ng bar na pinagta trabahuan ko.

Pumasok ako sa loob at dumiretso na sa dressing room. Nadatnan ko roon si Jas na nagbibihis at yung kasama naming dalawa pa.

Wala na akong sinayang na oras pa at nagbihis na rin. Pansin kong ibang disenyo ng uniporme ang sout namin ngayon at medyo maikli ito kumpara kagabi. May dress code pala kada araw dito.

Lumabas ako ng banyo at nakitang handa na ang tatlo para lumabas. Dali dali kong inayos ang buhok ko at sumunod na rin sa kanila para sabay na kaming magpunta sa counter.

Saktong pagbukas ni Jas ng pinto ay siya ring pagdating ni Madame na mukhang papasok din ata sa loob ng dressing room.

"Madame, good evening po." sabay naming saad apat. Ngumiti lang ang babae at iginiya kami papasok ulit ng kwarto.

Baka may sasabihin.

"The best talaga ang grupo niyong apat. On time at laging ready, magaling." papuri nito sa amin.

Ngumiti lang kami at hindi na nag salita pa.

"Nais ko lang sabihin sa inyo na nagbago lang ng kaunti ang working hours ninyo ngayong gabi. Huwag kayong mag alala dahil may increase rin naman ang sahod niyo dahil sa bagong setup na ito. May dagdag lang na isang oras sa duty niyo dahil mali late ng dating ang susunod na shift. Sana ayos lang sa inyo, isang oras lang naman." walang problema sa akin, ewan ko na lang sa mga kasama ko. Isang oras lang naman tsaka may dagdag sa sahod naman. Hindi na lugi.

"Ayos lang po sa akin, ewan ko lang po kila Jas." saad ko. "No problem, Madame! Sabi mo nga always ready kami, eto yun. Wala kaming inaatrasan. Kahit saan pang laban yan!" natawa kaming lahat sa sinabi Jas.

Mukhang ayos lang din naman sa dalawa pang kasama namin kaya tumango na si Madame at iniwan kami roon. Hindi rin nagtagal lumabas na kami at nagtungo sa counter upang makapag simula na ng trabaho.

Kukunti pa lang ang tao ngayon dahil alas siyete pa lamang kaya di gaanong busy ang counter. May time pang mag chikahan at makaupo.

"Goodevening, ladies! What can I do for you?" papansin noong singkit na cook nang makita kaming papalapit.

Walang sumagot sa amin at tanging irap lang ni Jas ang natanggap ng lalaki. Para naman itong di makapaniwala at may palagay lagay pa ng kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib na tila nasasaktan. Ang shunga naman ng lalaking to.

"Sa gwapo kong to?! Wala epek sa mga nag gagandahang binibini na mga ito?! Magugunaw na ata ang mundo!"

Natigil lang siya sa pagda drama nang batukan siya ng isa pang cook. Nagulat ito at napatalon pa, ang tanga niyang tingnan. Hahaha!

"May order sa stasyon mo! Huwag ka na nga magpa pansin dito, hindi ka naman pinapansin ng mga waitress. Tanggapin mo na lang kasi na hindi ka gwapo, dude!" asar pa na sabi noong nang batok sa kaniya.

Kamot kamot ang batok na bumalik iyong cook sa kaniyang stasyon at nag simulang lutuin ang order na naka assign sa kaniya.

Pasulyap sulyap pa rin siya sa labas, sa mismong banda kung saan kami naka pwesto at napapansin ko rin ang consistent na pag irap ni Jasmhine sa kaniya.

Hmmm, I smell something fishy!

Magta tanong na sana ako sa kaniya kung kilala ba niya iyong cook pero sakto namang may nag ting. Hudyat na may handa ng order na ise serve.

Tumayo si Jas at kinuha ang order. I saw how she read the note paste on the plate and nod afterwards. Talagang sanay at memorize na niya ang mga rooms dito. Di gaya sa akin na magta tanong pa kung saan ang room na pagsi servan ko.

Lumakad na si Jas at tanging likod na lang niya ang nakikita ko. Pati sa paglalakad ang graceful din niyang tingnan. Parang walang bitbit na tray ng mga pagkain.

Lumingon ako sa banda noong cook at pansin kong wala na siya roon sa pwesto niya kanina.

I shrugged my shoulders and just make myself busy by memorizing the room numbers of each rooms.

Ting.

Kinuha ko ang order at tiningnan ang number. Same as last night, nasa no. 321 din ang room na pagsi servan ko ngayon.

Maingat kong binuhat ang tray at naglakad patungo sa room 321. Dahil alam ko naman kung saan banda iyon, hindi ko na kailangang magtanong pa.

Pagkarating doon, kumatok ako sa pinto at nang marinig ang boses sa kabila, hudyat na pwede na akong pumasok ay dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Gaya kagabi, nakayuko ako habang lumapit sa lamesa at pinanatili kong ganun pa rin ang aking mukha habang nilalagay ang mga pagkain at inumin sa mesa.

Humakbang ako paatras at doon muna naghintay kung may iuutos pa ba ang customer. Ilang minuto akong naghintay at nang mapag pasiyahan kong lumabas na at baka wala na siyang iuutos ay siya rin namang pag salita nito.

"Your clothes are too small. I don't like it."

Walang ano ano napatingin ako sa lalaking nag salita at nang makita ko ang mukha nito ay napagtanto ko siya rin iyong customer ko kagabi na sinabihan akong flirt.

Wala bang lumalabas na maganda sa bibig ng lalaking ito?

Kagabi pa to ah!

Hindi na lang ako sumagot pa at baka ma bad shot lang ako kay Madame at tanggalin pa ako sa trabaho. Kawawa ako kung ganoon ang mangyari kaya mainam ng manahimik na lamang at huwag pansinin ang pang lalait niya sa akin.

"May kailangan pa po ba kayo, sir?" magalang kong tanong sa kabila ng mapang husga niyang titig.

"I want you to wear something else."

"But sir- this is our uniform."

"I don't care!"

"Sir-"

"Enough. Change your clothes or I'll rip them out of your body right here, right now!" dahil sa takot na baka totohanin niya ang kaniyang huling sinabi, dali dali akong tumakbo palabas ng room at tumungo sa counter.

Siyempre di ako magpapalit ng damit, hindi na naman ako babalik doon dahil tapos ko ng mai serve sa kaniya ang order niya kaya hindi na kami magkikita pa.

At saka, sino ba siya para sundin ko? Every girl could wear whatever they want to wear.

Alam kong customers is always right pero hindi sa sitwasyong ito.

Makalipas ang mahigit sampung minuto ay may order na naka assign ulit sa akin. Kinuha ko ito at hindi na tiningnan pa ang number ng room ng nag order, pagdating ko sa hilera ng mga kwarto tsaka ko pa tiningnan ang room number nito at ganon na lamang ang pagtambol ng puso ko ng makitang room 321 ang nakasulat rito. Shit!

Wala akong choice kundi ang kumatok at nang marinig ko ang boses niya sa kabila, binuksan ko ang pinto at dire diretso ang lakad patungo sa lamesa para ilagay ang order niya.

Napansin kong hindi pa nabawasan iyong order niya kanina at nag order na naman siya ng bago. Anong trip niya? May hinihintay ba siya?

Nang maayos ko na ang lahat, diretso akong tumalikod at hindi na maghihintay pa ng iuutos niya. Bahala siya!

Ngunit di pa man ako nakakalayo, a muscular arm caught me from leaving at diretso ako nitong ibinagsak sa mga hita niya. Ramdam ko pa ang matigas niyang dibdib sa likod ko. Abot haggang langit ang kaba ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa bandang tenga ko. 

"I give you ten minutes to change, but you didn't listen to me." rinig kong seryosong sabi nito sa mahinang boses.

Hindi ako nag salita.

"Ayaw ko pa naman iyong hindi masunurin, hmmm.. what a bad, bad kitten." with that, I heard my clothes getting ripped from behind.

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon