Chapter Three

208 5 0
                                    

"Ito ang magiging kwarto mo, Zarinah. Kakalipat lang ng naunang nag renta rito sa bagong apartment na mas malapit sa pinagta trabahuan niya kaya bakante ito ngayon. Pumasok ka sa loob para makita mo at sabihin mo sa akin kung ayos na ba ito para sa iyo." pumasok ako sa loob at iginala ang paningin sa buong silid.

Hindi na masama.

Maliit pero hindi naman masikip. Pang isahan lang talaga. May kama, isang maliit na lamesa at upuan at cabinet.

Sino ba ako para mag inarte, diba?

"Ayos na ho ako dito, Madame." saad ko kay Madame. Pasado alas kwatro na ng madaling araw kaya gusto ko ng matulog. Bukas ko na aalahanin ang mga bagay na kakailanganin ko rito. Ang gusto ko lang ngayon ay makatulog.

Pagod na pagod na ako.

"Osiya, mukhang pagod na pagod ka na. Bukas na natin pag usapan ang tungkol sa renta at iba pang kailangan mo. Matulog ka na, may extrang bedsheet at unan diyan sa cabinet. Gamitin mo na, pinalabhan ko iyan sa laundry shop sa kanto kaya huwag kang mag alala." umalis na siya pagkatapos sabihin iyon. Sinunod ko ang kaniyang bilin at kinuha ang isang kulay blue na bedsheet at ang terno nitong unan.

Dumiretso ako sa kama at inayos iyon. Hindi na ako nag isip ng kung ano pa, bagkus hinayaan ko na ang aking sarili na kainin ng antok at kadiliman.

***
Nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas. Ang mga marites, ang aga naman ata.

Kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang oras, medyo nag pout pa ako ng makitang alas 12 na pala ng tanghali. Wala pa akong breakfast. Haays.

Dala ang 500 pesos na nakuha ko kagabi sa tip ng mga customer. Lumabas ako ng apartment at tumungo sa malapit na karindirya. Bago lumabas, nag hilamos muna ako at nag toothbrush. Hehe, baka mabahuan ang tindera sa akin at ayaw ako pakainin.

Medyo nahihiya pa ako sa bawat hakbang na ginagawa ko, paano ba naman ang daming nakatitig sa bawat lakad ko.

Ngayon lang ba sila nakakita ng isang magandang binibini? Pout.

Dali dali akong pumasok sa karindirya at dumiretso agad sa hanay ng mga ulam.

Namimili ako ng ulam nang lumapit ang tindera at tinanong ang order ko.

"Dalawang kanin po, saka isang order ng kaldereta. Pahingi rin po ng sabaw. At tsaka, isang soft drinks po. Salamat."

Kaldereta gaming for today's brunch tayo mga ka videoowww.

Trip ko lang kumain ng kaldereta. 

Pumunta ako sa isang tabi kung saan may bakanteng lamesa. Sakto, medyo di marami ang kumakain dito sa pwesto ko.

Nakita ko agad iyong tindera na papunta sa gawi ko dala ang mga order ko.

Inayos ko ang mesa at nilatag naman niya ang mga pagkain kasama ang softdrinks ng banayad at walang nasayang ni isang kusing na sabaw. Ang galing mag balance.

Ngumiti ako sa kaniya at umalis naman ito para mag cater ng iba pang customer. Taimtim akong nagdasal at nagpa salamat sa Panginoon sa mga pagkain at biyayang binigay niya sa akin. Pagkatapos, nag simula na akong kumain.

Ang sarap ng kaldereta nila, da best!

Tsaka yung libreng sabaw, may kaunting karne pa. Naks!

Hindi nagtagal natapos na rin akong kumain, hindi ako pwedeng magtagal  at may bibilhin pa ako sa bayan.

Nagbayad ako sa cashier at dumiretso na pauwi ng apartment.

Mabuti na lang wala na iyong mga lalaking panay ang titig sa akin kanina. Ang creepy kaya!

Nakabalik ako sa kwarto ng walang problema. Naisipan kong maligo muna dahil mainit, dala ang tuwalya na pamana pa ng mga ninuno namin sa aming pamilya, lumakad ako papuntang banyo.

May banyo naman dito sa loob ng apartment kaya di na hassle ang paglabas para maligo.

Bumili lang ako ng isang sachet ng shampoo at conditioner sa tindahan katabi ng karindirya kanina. Isang safeguard, colgate at bagong toothbrush kaya suma total nasa one fifty pesos ang nagastos ko.

Ang mahal ng kaldereta, huhu!

Balde at tabo lang ang narito at dahil hindi naman ako mayaman ay sanay na ako sa ganitong uri ng pagligo.

Kung anong kina init ng panahon sa labas ay siya namang kina lamig ng tubig dito sa banyo.

Nilinisan ko ang bawat sulok ng katawan ko. Sinigurado kong walang parte ang hindi nasabunan. Fresh!

Pagkatapos kong mamili ng grocery mamaya, diretso na agad ako pasok sa trabaho.

Hindi ko makita si Madame kaya sa susunod na lang kami mag usap tungkol sa renta rito. Baka nasa trabaho na rin.

Nang sa wakas satisfied na ako sa pagligo, pinulupot ko ang dalang tuwalya at lumabas na ng banyo.

Tinungo ko ang kama kung saan ko nilatag ang damit na susuotin ko. Doon na rin ako nagbihis at pagkatapos pinatuyo ko ang buhok ko bago lumabas para mamili ng grocery.

May lista rin ako at yung mga kailangan lang talaga muna ang bibilhin ko. Tsaka na yung iba kapag nakaipon na ako.

Yung needs lang muna ang priority ngayon.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan.

Walang minuto akong sinayang at agad namili ng mga nasa listahan ko. Kadalasan mga instant food muna yung nasa lista ko dahil wala naman akong ref.

Umabot pa ng ilang oras bago ako matapos at makauwi ng apartment. Agad kong inayos ang pinamili ko sa mesa. May tray akong binili at doon ko nilagay ang mga noodles, canned goods at ibang pagkain na binili ko.

Bumili na rin ako ng bigas. Pinahiram ako ni Madame ng rice cooker kaya doon ako magsasaing. Iniwan niya lang sa labas kanina at may note lang siyang idinikit sa rice cooker.

Nang maayos na ang lahat, umidlip muna ako at nag alarm ng alas singko para makapag ready sa duty ko mamayang alas siyete ng gabi. Napagod din ako sa paglibot at paghahanap ng mga pinamili ko.

Nasa isang daan na lang ang natira kong pera at pamasahe ko na lang iyon papuntang San Antonio kung saan ang pinagta trabahuan ko.

Fifty pesos papunta roon at fifty pesos na rin pabalik. Swerte lang ako kagabi dahil na libre ako ni Madame. Pero siguro mamayang alas dos, eh magco commute na lang ako.

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon