Nagising ako sa feeling na may nagbubuhat sa akin.
Pagka mulat ng aking mga mata, mukha agad ni Carius ang sumalubong sa akin.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kabila ng antok. Kung tutuusin, estranghero siya sa akin pero ang lakas ng kapit ng tiwala ko sa kaniya. Alam kong wala siyang gagawing masama.
"We're going home."
"Wait. Ibaba mo ako, hindi pa ako nakapag out at saka yung mga gamit ko, patay di ko rin nakuha iyong sweldo ko. Ba't di mo ako ginising?!"
"Nakuha ko na ang sweldo mo at ang mga gamit mo. Matulog ka na riyan, gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa apartment mo."
"Sa pagkakaalam ko, di ko naman sinabi sa iyo kung saan ang apartment ko. Don't tell me, stalker ba kita?!"
Tumawa siya kaya nangunot lalo ang noo ko.
"Don't assume things, kitten. I ask Olivia your address earlier dahil sinabi kong ihahatid kita sa kadahilanang hindi maganda ang pakiramdam mo. She gave me your address at hindi ako stalker. Well, baka maging stalker na ako nito simula ngayon."
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit na lamang ang aking mga mata. Buhat buhat niya ako hanggang maramdaman kong inilapag niya ako sa upuan ng kotse.
Hindi ko na minulat pa ang aking mga mata at hinintay na lamang siyang paandarin ang kotse.
Medyo natagalan pa ata si Carius bago pumasok sa kotse dahil hindi pa man umandar ang kotse ay muli na naman akong kinain ng antok.
***
Nagising ako kinabukasan sa isang estrangherong silid. Triple agad ang naramdaman kong kaba dahil sa nakita. Pinakiramdaman ko ang aking katawan at parang may barang nawala sa lalamunan ko ng mapagtantong wala namang kakaiba sa akin.Bukod sa damit ko na napalitan na, wala ng iba pang kakaiba sa akin.
Wait-???
Pinalitan ang damit ko, who?
Tumayo ako at hinanap ang banyo. May dalawang pinto rito, yung isa sa isang direksyon at yung isa naman sa kabilang direksyon.
Pinili ko iyong nasa harap ko at hindi ako nagkamali. Ito ang banyo.
Ang galing ko talaga sa guessing.
Nag hilamos ako, nag toothbrush hehe nanguha lang ako sa cabinet ng extrang unused toothbrush, umihi at lumabas na ng banyo.
Sinuklay ko na muna ang buhok ko dahil nakita ko naman iyong bag ko sa may bedside table.
Walang nawala sa mga gamit ko at ang echusera ko na naman na may mawawala eh halos wala ngang laman ito.
Pagkatapos ng limang minuto, lumabas ako ng silid at nang makitang may hagdan eh doon agad ako dumiretso. Nasa second floor pala ako.
Pagkababa ko, may narinig akong mga yapak at pagkalansing ng mga gamit sa kusina kaya nag tungo ako roon.
Nadatnan ko si Carius na busy nagluluto kaya di naramdaman agad ang presensiya ko.
Ang lalaking to, ang sabi ihahatid ako sa apartment tapos dito ako sa bahay niya dinala.
"Ehem." pagparinig ko. Tumigil ito sa paghahalo at tumingin sa gawi ko.
"Good morning, my kitten."
"Walang good sa morning kung may mga sinungaling diyan! Ang sabi ihahatid ako sa apartment eh bakit dito ang bagsak ko?! Madami ka ng nilabag na rule Mister ha!"
"Woaah chill kitten, chill." may kinuha pa ito sa ref at pagbalik niya may dala na siyang gatas at nilagay sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay, "inumin mo. May aksidente kasi kagabi sa intersection papasok ng apartment mo kaya sinarado ang kalsada. Mukhang malala iyong disgrasya at matatagalan pa sila kaya naisipan kong dito ka na lang muna dalhin. No worries, kitten. I didn't do something that would make you mad."
"Eh sinong nagpalit ng damit ko kung ganon?!" galit ko pa ring sabi.
"Nakapikit ako!" mabilis niyang sagot.
"Aaaaaaaah!! Walang hiya ka!" tumayo ako at hinabol siya. Ang gago, tumakbo rin kaya ang ending nag habulan kami. Pareho kaming pagod nang mapag pasiyahan kong tumigil.
Hingal pa ako ang ng bigyan niya ako ng isang basong tubig. Tinanggap ko iyon at walang ano ano eh ininom ko. Nakakauhaw naman ng ginawa namin. Huhu!
"Wala ka talagang nakita?" paninigurado ko pa.
"Wala talaga promise!"
Huminto na ako at umupo na sa mesa. Agad namang tumalima si Carius at pinag silbihan ako ng agahan.
Ang feeling prinsesa ko naman kapag si Carius ang kasama. Lagi niya akong pinagsi silbihan, baliktad sa kinasanayan kong ako lagi ang nagsi silbi.
Marami siyang hinanda, yung iba hindi ko na nga alam kung anong tawag.
Nang umupo na siya, nag pray muna kami bago mag simula kumain.
Dahil pinag silbihan naman niya ako, gagawin ko rin iyon sa kaniya.
Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya. "Gusto mo ng bacon?" tanong ko.
Tumango siya kaya nilagyan ko ang plato niya ng bacon. Sinalinan ko rin ng juice ang kaniyang baso.
"Gusto mo ng coffee? Pag timpla kita."
"Yes please, kitten."
Tumayo ako at hinanap ang lagayan ng mga kape. May coffee maker pero di ako marunong gumamit kaya manual lang muna.
"Carius, with cream or without?"
"Pure coffee lang kitten." sagot niya.
Ayaw ko ng pure coffee lang, ang pait! Pero kadalasan ng mga lalaki, ito ang nais. Puro at walang halo.
Pagkatapos mag timpla ng kape naming dalawa, bumalik na ako sa mesa dala ang dalawang tasa.
Ang isa purong kape at ang isa naman ay may cream. Siyempre, aking yun!
"Masarap ba Carius?" tanong ko ng makita siyang humigop sa kapeng tinimpla ko.
Hindi muna siya sumagot at tila ninamnam pa ang lasa ng kape kahit sa dulo ng dila niya.
"Lahat ng gawa mo kitten, masarap." swak nitong sagot na parang proud na proud pa.
"Paano mo nalaman eh ngayon lang naman kita pinag timpla?" taas ang kilay kong tanong. Bolero!
"I'm good at guessing, kitten. Hula ko lang at masarap naman talaga ang kape mo ah!"
"Tss."
Umirap ako sa kaniya at tinawanan lang ako ng gago, "gusto mo pa ng kanin?"
"Yes kitten, please."
"Ang takaw mong kumain, baka tumaba ka niyan."
"Ngayon lang naman."
"So, kapag mag isa ka hindi ka ganito katakaw?"
"Yeah." tango nito.
"Tsaka bakit ka kitten ng kitten, hindi naman ako kuting?"
"Kasi ikaw ang kitten ko, ang cute at feisty." sabay wink pa.
BINABASA MO ANG
His Property
General FictionNo one touches his property. Date Started: July 10, 2022 Date Ended: July 23, 2022