Chapter Twelve

259 2 0
                                        

Ang buhay ay parang ilog.

Kahit anong anong bagay pa ang humarang sayo, huwag kang huminto at magpatuloy lang sa agos.

Maraming mga pagkakataon na naisip kong siguro hindi ito ang buhay na para sa akin. Pero dahil sa mga taong laging nariyan at patuloy na gumagabay sa akin, naitawid ko ang yugtong iyon ng matiwasay.

They are the moon in my darkest, the loadstar in the lost sea, the hope in the unparalleled future, the sun of my life, the source of energy that I need.

Carius family is a gift from above. They treated me as their own and accept me wholly as part of their family.

Maraming nagbago sa buhay ko at ang lahat ng iyon ay dahil sa mga Buenavista. Kung grabe maka spoil si Carius sa akin ay wagas naman ang kaniyang pamilya lalo na si Mama Nathalie.

Oo, gusto niyang itawag ko sa kaniya Mama at tuwang tuwa pa dahil kumpleto na raw ang kaniyang pamilya.

Umalis na ako sa apartment sa kagustuhan ni Carius, ayaw ko pa sana ngunit may isang pangyayari ang naging sanhi ng biglaang pag alis ko roon. Muntik na akong mahold up, mabuti na lang may tumulong agad at nahuli ang lalaki. Galit na galit si Carius at pinaalis na talaga ako sa apartment. Dahil ayaw kong tumira kasama siya sa isang bubong, sa mansion ng mga Buenavista na lang ako pinatuloy ni Mama.

It was truly fun staying in the mansion.

Maraming mga bagay ang na experience at natutunan ko sa pagtira roon. Mama Nathalie and Carius sisters and sister in laws taught me things that I never imagined I would be doing.

Ilang taon na pala ang lumipas. Parang ang dali lang ng panahon. Nakapag tapos ako ng kolehiyo sa tulong ni Carius at ng ate niya.

Dalawang taon pa ang itinagal ko sa pagta trabaho sa The Mizz bago huminto at lumipat dito sa mansion. Ayaw ko pa nga sanang tumigil pero hindi na ako pinayagan ni Carius.

Sabi niya mag aral na lang daw ako at may naipon naman rin ako para roon.

Hindi rin naman naging sapat ang naipon ko para sa pagtustos ng pag aaral ko ng apat na taon kaya tinulungan na ako ni Carius. Nagastos ko pa kasi ang ibang pera sa pagpapadala at pagbili kila Shanaya ng mga gamit sa bahay. Hindi man nila alam na ako ang nagpapadala sa kanila non, masaya na ako at papaano ay nakatulong ako sa mag ina.

Pagkatapos kong gumraduate isang taon na ang nakakaraan, lumipat na ako sa bahay ni Carius at dito na nanunuluyan.

Pinalayas na kasi ako ni Mama dahil naiirita na siya sa kaniyang bunso.

Laging naroon sa mansiyon at halos hindi na pumapasok sa kumpanya at ginagawa na lang ang kaniyang tungkulin sa bahay. Kapag may pasok ako tsaka lang siya pumupunta ng company at kapag tapos na ang klase ko, susunduin niya ako at sa mansiyon na rin siya tumutuloy. Halos madaling araw na ito kung umalis kaya nagagalit na si Mama.

Kung sasabihin nitong sa dating kwarto nito na lang siya matutulog minsan hindi pumapayag ang ginang. Naiistorbo raw ako sa pag aaral ko at baka hindi ako makapag pokus dahil lagi siyang nang iistorbo.

Kaya noong graduation ko, pagkatapos na pagkatapos ng celebration namin sa mansion agad na akong pinalayas ni Mama. Mukhang hindi na raw kasi makapag hintay ang anak niya. Nakakahiya na raw.

At kahit graduate na ako, hindi pa rin ako makapag trabaho. Paano ba naman kasi, pagkalipat ko rito, ako naman ang trinabaho ni Carius. Kaya ayon, pumutok at may nabuo.

I am seven months pregnant.

Weird man pakinggan pero ako ang huling nakaalam na buntis ako. The whole fam is suspecting that I am pregnant pero di nila ako sinabihan. Kay Carius lang nila sinabi.

Isang araw, pagkatapos kong magsu susuka sa banyo, dinala ako ni Carius sa hospital. Ayaw ko sanang sumama dahil wala naman akong sakit but he insisted na magpa tingin daw kami sa doctor.

Doon ko nalaman na buntis ako.

I am very happy ng malaman ang balita but Carius is the happiest ng makumpirma na tama ang mga hinala nila.

Biglang may handaan sa bahay at lahat nandoon. I was even shocked when Tita and Shanaya were there. Niyakap nila ako at humingi ng patawad.

Ilang taon na naman ang nakalipas at nakalimutan ko na ang bagay na iyon at masaya akong makita sila rito sa isa sa mga importanteng selebrasyon ng buhay ko.

Everyone's eyes is on me.

Kahit kaunting galaw ko pinupuna nila. Hmp! Lalo na si Carius at Mama.

They're getting overreacting, y'know.

Halos di na nila ako patayuin at pagalawin. Pati ang pagkuha ng tubig sa buffet table ay napagalitan pa ako ni Mama. Wala akong nagawa kundi mag pout at bumalik sa aking inupuan habang tinitingnan siyang kumukuha ng tubig.

Sa kalagitnaan ng kasayahan ng pamilya, nakita kong papalapit sa pwesto ko si Shanaya. Hinanap ng mga mata ko si Carius at nang makitang masaya itong nakikipag usap sa mga lalaking kapatid ay muli kong itinoun ang atensiyon kay Shanaya na ngayon ay nakalapit na sa akin.

She smiled awkwardly kaya naman ay niyakap ko siya para mawala ang guilt at hiya na alam kong nararamdaman niya ngayon.

"I'm s-sorry, Zarr... sorry sa mga inasal ko sayo. Sorry dahil makasarili ako at pasensya na kung nakikita kitang karibal sa lahat ng bagay lalo na kay Mama. Sana mapatawad mo ako. Lalo na sa ginawa ko sa inyo ni Totoy, akala ko kasi totoong mahal niya ako. Pero pagkatapos magsawa sa akin, ayun pinagpalit ako sa iba." malungkot niyang wika habang naluluha.

"Matagal na kitang pinatawad, Shan. Huwag kang mag alala, maka karma rin iyang si Totoy sa kagaguhan niya! Paka tatag ka lang sa sarili mo, tulungan mo si Tita at kapag nakapag trabaho ako, magpa padala ako para may pandagdag gastusin kayo sa bahay."

"Naku, huwag na. Nakakahiya naman sayo, ako na ang bahala sa bahay at kay Nanay." napangiti ako sa pagbabago ni Shanaya.

Totoo ngang habang tumatanda tayo, nag iiba ang pananaw natin sa buhay.

Niyakap kong muli si Shanaya bago ito nagpa alam na aalis na sila ni Tita. Hinatid namin sila ni Carius sa labas, nagpa alam at nagpa salamat ulit ang dalawa bago tuluyang sumakay ng tricycle.

I waved them goodbye at pumasok na ng bahay.

"Salamat at inimbita mo sila."

"I know you want to meet them kitten, so I called Shanaya. She's been working in our company kaya nalaman ko ang number niya."

"Nagbago na talaga siya."

"Hmm.. yeah."

"Salamat sa lahat Carius, mahal na mahal kita.." sabi ko habang nakahawak sa kaniyang braso at nakahilig doon.

"Damn! I love you more, kitten. I want to spend the rest of my life with you, I want to give you everything, I want to spoil you with my love, give you hugs and kisses 'til you can't get of me."

His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon