"kai?!" gulat na gulat si Tao nang makita ang lalake na kanyang kinabaliwan 16 years ago.
Ang lalakeng nagpatibok sa kanyang munting puso 34 years ago.. Ang lalake na matagal niya ng pinagnanasahan. Ang lalakeng unya niyang hinalikan. Ang lalakeng kanyang iniisip. Ang lalakeng bumiak din sa kanyang puso.
"...YOUR NOSE IS BLEEDING!" narinig niyang tili ni Baek, at doon niya din naramdaman ang mainit na dugong tumutulo sa kanyang ilong.
"OH.MY.GOD." Tumakbo siya papunta sa Cr para malinis ito. Napamura siya ng maraming beses dahil sa pangyayaring iyon.
_____________________
Hindi na natuloy ang pag-shoshopping ng mag-ina dahil sa pangyayari. Wala namang kaalam-alam ang ating bida sa pangyayari, akala niya nga may cancer na ang ina niya. (OA SIYA)
Tahimik lamang na nagda-drive si Tao at tutok na tutok aa daan. Habang si Baek naman ay parang timang na nagnanakaw ng tingin sa kanyang ina.
"Baek, gago ka ba?" sabi ni Tao.
"Nay naman eh, nag-aalala lang ako sa iyo." malungkot na sabi ni Baek
"Sus, wag ka nga. Andito na tayo. Bumaba ka na sa sasakyan at buksan mo ang gate." utos ni Tao sa kanyang anak. Sinunod naman ito ng bakla kahit ayaw niyang gawin yun, dahil nga mabigat ang gate at ayaw niyang magka muscle.
Pumasok na ang mag-ina sa bahay at naabutan nila si Kris na nakaupo sa eleganteng sofa. Tila nag-iisip ngunit hindi naman talaga.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Kris. Sasagot na sana si Baek ngunit nagsalita ulit ito.
"Alam niyo ba kung anong oras na?" madiin nitong sabi, tumingin naman agad si Baek sa kanyang mamahaling gucci watch na ninakaw niya pa mula aa drawer ng kanyang ina.
"uhh.. 8:34 na tay." sabi ni Baek. " Tay ang laki laki ng sarili nating Big ben diyan bakit hindi mo na lang tignan? Ganun na ba talaga kabigat ang baba mo at hindi mo maiangat yung ulo mo para tignan yung oras?" medyo naiiritang tanong ni Baek, wala lang, wala lang siya sa mood.
"oo nga naman babes--" naputol yung sasabihin ni Tao dahil biglang nagsalita si Kris.
"Puchaks ANONG BABES?! SO GANUN MARAMI KAMI? AKALA KO BA AKO LANG? KAYA PALA ANTAGAL NIYONG UMUWI. MAY IBA KA NA PALANG MAHAL NGAYON?! SIGE NGAYON KO LANG TALAGA NAREALIZE. WALA TALAGANG FOREVER!" sigaw ni Kris tapos nag walk out na.. Or walk in? Sa loob kasi siya ng banyo pumasok.
"Babes--este Babe ano bang problema mo?! Bakit ang init-init ng ulo mo? Huie Babes---este Babe!" hinabol naman ni Tao ang kanyang asawa.
Hindi na bago kay Baek ang mga pangyayari, sanay na siya sa munting away ng kanyang mga magulang. Madali lang din kasi silang magbati, kaya nagpunta na lang si Baek sa kanyang kwarto at natulog.
-----------------------
Maagang nagising si Baek kaya may mahaba pa siyang oras para magpaganda. Pagbaba niya sa kanilang bagong elevator. (yes i know last chapter pa yung elevator kaso dahil nga sa tagal ng update ko natapos na yung elevator sa bahay nila HAHAHA okey :'( )
Agad siyang sinalubong ng amoy ng masarap nilang almusal.
"GOOOODMORNING NAY TAY SISTERS BROTHERS!!" bati niya sa kanyang kapamilya sa pagbaba niya sa magara nilang elevator.
"Gago walang 'Brothers' dito." sabi ni Sooyoung habang nginunguya yung Bacon na galing pang Australia.
"Ulol, wala tayong 'lalakeng' kapatid kamo." naiiritang sabat ni Taeyeon.
"omg sisters, You're so harsh to your cute BROTHER talaga :< " pakyut na sabi ni Baek na sa mata ng sisters nya ay nakakadiri, at sa mata ng mga fangirls niya ay cute, at sa mata ni kyungsoo ay malaki--- este sa mata ng iba ay wala lang.
Dahil nga INSENSITIVE BITCH itong si Baek hindi niya ramdam ang coldwar ng kanyang maaarteng magulang.
"Paabot nga nung ulam." sabi ni Kris.
"May kamay ka diba? Edi ikaw na kumuha." sabat agad ni Tao.
"kaya nga pinapaabot diba? Kasi di ko maabot." medyo naiiirita at sarkastikong sagot ni Kris.
"Bat di mo gamitin yang 'BABA' mo tutal mahaba naman yan."
*gasps*
Dahil sa sinabi ni Tao,Na butthurt sya sa sinabi nito.
na speechless na si Kris at tumayo na lamang at naglakad ng mga sampung metro para abutin ang ulam na nasa tabi ni Tao . ( oo sobrang haba ng mesa nila mas mahaba pa sa baba ni kris at sobrang layo din ng inupuan ni tao kasi nga nagdadrama ang gaga.) At dahil nga di marunong bumasa si Baek ng atmosphere (o diba ) may sinabi siyang ano---
"Omaighad Mom you know what yung product nating 'Pandababa kissable lip balm' ay sobrang effective, ginamit ko siya kagabi and i cant help but kiss the mirror. Ang sarap sarap sa feeling!" sabi nito while making kissing sounds pa (yak)
napilitan si Tao na kausapin ang anak kahit badtrip pa ito, tutal wala namang kasalanan ang kanyang baby girl---este baby boy sa kanya so he dont deserve cold treatment.
"oh talaga anak? Edi wow." sabi ni Tao. Agad naman tumayo si Baek papunta sa kinauupuan neto habang dala dala ang lipbalm.
"You should try it now and kiss dad." Eksayted na sabi neto, at agad na ipinahid sa labi na Tao ang Lipbalm. Dahil sa taglay na ala-ninjang bilis ng kanilang anak wala ng oras si Tao para umilag.
"Now kiss dad!" Sabi ni Baek habang hinihila ang kanyang kawawang Ina patungo sa kanyang ama. Palapit na ng palapit si Tao sa labi ni Kris kaya dahil na rin sa adrenaline nabunot niya yung wushu stick nya at naihampas sa napakagandang mukha ng kanyang anak.
*Wapaaaaaaak~~~*
"AGHHHHHHHHHHHHHH AHHHHRAAAAAAAAAAAAAAAY!!!!!"
*insert makabasag tengang sigaw ng sirena na super high pitch in here*
---------------------------
So ano na? Mamatay na ba si Baek sa susunod na Chapter? Mamatay ba siyang hindi ba nakikita ang kanyang pinakamamahal na si Chanyeol? Hahahaha taes dapat Baekyeol fanfic to eh nagiging baek and family fanfic na tuloy HAHAHAHAHAHA ang tanga ko TuT
maraming salamat sa mga patuloy na naghihintay sa bobong kwento na ito HAHAHAAHA mahal ko kayo at ang mga asawa niyo <3
-MisaScarlet
BINABASA MO ANG
Sirena - A Baekyeol fanfic
HumorSa mundong punong-puno ng maraming HIPON, may nag-iisang namumukod tangi sa lahat! Ating subaybayan ang buhay ni Baekhyun Bompanes sa kanyang major transformation! Paano niya kaya mabubulgar sa whole wide world ang kanyang tinatagong secret? Na isa...