Hello mga ka-swimmers! Long time no swim and enjoy!
***********
"Ang hirap maging maganda, buti di mo na-eexperience!"
-Baekhyun Bompanes
***********
Matagal tagal din ang pag ikot ni Jongdae Sr. sa buong hospital para mag formulate ng plan para sirain ang buhay ng Bompanes family. Dahil lamang sa pagsabi sa kanya ng "matanda" ni Papa Kris na triggered na ito at nagtanim ng matinding galit!
"Kung painumin ko na lang kaya ng lason yung bakla nilang anak para mamatay at masira buhay nila?" Tanong ni Jongdae Sr. sa kanyang sarili habang patuloy paring naglalakad sa hallway ng hospital.
"Tsk tsk madali naman ata silang maka move on pag pinatay ko agad yung anak nila. Tiyak na gagawa ulit sila ng bagong anak after ng burol." Bulong niya ulit sa kanyang sarili.
"Paano kaya pag dahan dahanin mong patayin ang kanilang prinsesa!" Biglang sabat ng isang misteryosong lalake.
"PUTANGINA ANAK GINULAT MO AKO!" Sigaw ni Jongdae Sr. sabay sapak sa pagmumukha ni Chen, oo si Chen a.k.a Jongdae Jr. na anak ni Jongdae Sr. Si Chen na kaklase ni baekhyun na sinipa niya sa betlog.
"Sorry naman po, para ka kasing tanga paikot ikot sa isang sulok tapos kinakausap mo pa sarili mo! Rinig na rinig ka kaya ng mga staffs!" Bulong ni Chen sa kanyang ama habang inaalalayan ito papasok sa elevator.
"Wala akong pake! Kailangan kong maghiganti! Tutulungan mo ba ako o tutulungan mo ako?!" Sigaw niya sa kanyang anak. Habang pinipindot ang number 5 button sa elevator.
"Syempre di kita tutulungan kasi problema mo yan hehee! Bye pa!" Sabi ni chen habang umaaarangkada papalayo ngunit bago pa man siya makalabas nahablot na siya ng tatay niya.
"Tutulungan mo ko dito anak! Kilala mo tong pasyente ko, siya ang kumuha ng superman stuffedtoy mo 10 years ago!" Nanlaki ang mga mata ni chen nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Biglang nag time travel ang utak ni Chen from ten years ago.
------------
10 years ago...
May tatlong batang masayang naglalaro sa Garden ng Bompanes family. Dala dala ni Chen ang kanyang superman stuffedtoy na galing pang Amerika, pasalubong ito ng kanyang namayapang ina na si Imelda. May sentimental value ang stuffedtoy na yun kay Chen dahil yun ang huling regalong natanggap niya sa kanyang ina bago ito namatay.
"Chennnn pahawak naman ako kay superman! titignan ko lang kung totoo bang matigas siya!" sabi ng noong 6 years old pang si baek kay Chen sabay hablot kay superman.
"Hoy! ano ba Beyk! Akin na yan, hindi yan sayo atsaka di kita pinayagan na hawakan yan!" galit na sigaw ni Chen kay baek habang hinahablot si Superman sa kanya.
"Napaka damot mo naman! Gusto ko lang naman tignan kung matigas ba siya eh! Sabi kasi sa komiks madami daw siya muscles! Bato bato daw yung abs niya! Gusto ko lang naman ma experience eh!" sabi niya sabay hablot kay superman.
"Bakit gusto mong ma experience? Bakla ka noh?" pabirong sabi ni Chen kay Baek. Habang si Lay naman ay patuloy pa din hinahanap ang nawawala niyang unicorn na lapis. Yes, kasama po nilang naglalaro si Lay, nakalimutan ko lang i mention-- lol nakalimutan.
"H-hindi ah!" sabi ni baby Baek defensively at ibinato kay Chen si superman.
"Bakit ka nagagalit? Di naman pala totoo --- WAIT sabi ni daddy pag nagagalit daw totoo! Bakla si Baek! Hahahahaha bakla si Baek!" sigaw ni Chen sabay sayaw na parang tanga habang patuloy na inaasar si Baek.
"h-hoy! Itigil mo na yan Chen baka marinig ka ni papa!" sigaw ni Baek
"eh wala naman dito papa mo ah! Diba nasa China! Hahaha bakla ka pa din! Hahaha bakla! Baekla Baekla! " patuloy na pang-aasar ni Chen.
Paiyak na siya nang mga panahong yun. Eh kasi naman sobrang aga pa para ilantad ang totoo. Na may buntot siya.
"Anong BAKLA? Sinong BAKLA?"
Parang magic na natigil si chen sa kanyang pang-aasar at natahimik bigla, habang si Baek naman ay nanlamig at nanigas sa kanyang kinatatayuan.
"Tay, w-welcome home po."
LAGOT!
---------------------------------
WARNING: Kung wala kang pake sa whereabouts ko dont bother reading this! :P
Hello mga kaswimmers! Nagbabalik ang Reyna ng katamaran, MisaScarlet! Isang taon ata akong MIA, pero pinapangako kong tatapusin ko tong storya na to! Salamat sa support! Also, promiseee lalabas na si Chanyeol! Actually nagpakita na siya sa unang chapter palang! Nagtatago lang siya sainyo--- shy pa siya. BTW I made some alterations and edits sa previous chapters! 14 years old palang po ako nung ginagawa ko to and I CANT HELP BUT CRINGE! Sooo kung gusto niyong balikan previous chaps please feel free to do so! Anyways please leave a comment!
oh bakit mo binasa? HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Sirena - A Baekyeol fanfic
HumorSa mundong punong-puno ng maraming HIPON, may nag-iisang namumukod tangi sa lahat! Ating subaybayan ang buhay ni Baekhyun Bompanes sa kanyang major transformation! Paano niya kaya mabubulgar sa whole wide world ang kanyang tinatagong secret? Na isa...