Sirena six: BubbleGum

310 20 2
                                    

---------

Lumabas ang mag-asawa sa opisina ng Principal at naabutan nila ang kanilang anak na si Baekhyun na kausap ang mga barkada niyang LALAKE at isang babae.

"Ahy chakabells, yung eyeliner na wenerla ko ngayon ang lakas maka damage sa aking beauty glory!" sabi nung kaibigang LALAKE (sa paningin ni krease) ni Baekhyun sa kanya.

"Yeah truelalu sistaret, look oh! Im so chakamon rapmon mamon na TT^TT" sabi naman nung nag-iisang babae.

'Aba, ito ata yung gerlpren ni Baekhyun ko ah. Aba maganda nga.' sabi kris sa kanyang isipan.

"Ahy girl, better wear my eyeliner na ITEY! It can beautify your feslak!" Sagot naman ni Baekhyun habang nginunguya yung bubble gum niya.

'ang manly ng anak ko' isip ni Kris

"nak."

Halos malunok naman ni Baekhyun ang pink bubblegum na kanyang nginunguya nung makita niya ang pagmumukha ng kanyang amang baba.

"Itay!" sabi nito.

Nilapitan niya agad ang kanyang magulang kahit na kinakabahaan siya sa susunod na mangyayari.

"Anak!" masayang bati ni Kris, habang abala naman si Eomma Tao niya sa pagti-tweet sa twitter.

'O my gee gee gee gee beybeh beybeh! Nakipag fight si hubby @HindilangBabaAngMahabaKrease sa princEPAL sa school ni @IamBaekkiePink #fight '

'i want Gucci na hubby buy me Gucci @HindilangBabaAngMahabaKrease'

'what to doo? #kickOut na ba si @IamBaekkiePink?'

Hindi na natuloy si Tao sa pagti-tweet, bigla kasing na disconnect ang wifi sa Iphone 10s niya.

( iphone 10s nakss~)

"punyeta." bulong nito sa sarili, feeling niya kasi na pinatayan siya ng wifi nung pricnEpal.

"Aba nay, tay bakit andito kayo?" tanong ni Baek.

"Gago ka ba nak? O sadyang tanga ka lang? Andito kami kasi wala kami doon" Medyo naiiritang sagot ni Kris, bunga na rin to sa pagkainis niya sa Principal nila.

Hindi na nakasagot si Baek kasi alam niyang sa pagkakataong yun seryoso ang tatay niya. (kahit walang kwenta yung sagot ni Krease.)

"Aalis na kami, May meeting pa kami sa mga chinese clients." Naglakad na papalayo ang mag-asawa nang biglang may naalala si Kris.

"nga pala nak."

Nagulat naman si Baekhyun at ninerbyos, baka kasi ma feel na ng tatay niya na Bakla siya. Nilunok niya yung namumuong laway sa kanyang lalamunan, at dahil nga sa kaba na nadarama niya nailunok niya na rin yung bubblegum na kanina niya pa nginunguya.

"B-bakit tay?"

"Ang ganda ng Girlfriend mo. " sabi neto at naglakad na papaalis.

G-GIRLFRIEND KO?

-----------------------------

Binilisan ni Krease ang pagmamaneho sa sasakyan nilang kasing haba din ng baba niya. Halos mahirapan siya sa pagliko dahil nga sa taglay na kakaibang haba ng kanyang sasakyan.

"Babe dahan dahan lang nahihilo na ako." sabi ni Tao sa kanyang asawa, habang abala sa paglalaro ng candy crush.

"Paano ka hindi mahihilo eh laro ka ng laro jan sa Ipad mong mansanas!" iritadong sagot ni Kris. Badtrip na kasi siya kanina pa. Dumagdag pa itong traffic. Ilang minuto na lang dadating na yung mga Chinese clients nila,

"Ang OA nito, selos ka lang kasi ito na ang nilalaro ko at hindi na yang saging mo. " bulong ni Tao sa kanyang sarili.

*peeeeeeeeeeeeeeep!!*

biglang prineno ni Kris ang sasakyan kaya naman napatalsik sa Tao.

"Ano bang problema mo?!" inis na inis na sigaw ni Tao sa asawa.

Pero sa kasamaang palad, hindi iyon narinig/pinansin ni Kris.

"Babes yung billboard." sabi ni Kris sa asawa.

Agad na napatingin si Tao sa sinasabing billboard ng asawa niya.

"KK cosmetics no. 1 cosmetics in the whole wide world."

-------

Ano kaya yung nakita nila? Ano yung kk cosmetics? Abangan sa susunod na update!

mga 10 years pa yung update HAHAHAHHAA joke o sige eto na mag uupdate ulit ako.

@MisaScarlet

Sirena - A Baekyeol fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon