Sirena 12 : Superman

55 4 2
                                    

Babala: Medyo boring

************

"Magaling ako sumisid, gusto mo sisirin kita mamayang gabi?"

-Baekhyun Bompanes


"Anong bakla? Sinong bakla?"

Parang magic na natigil si chen sa kanyang pang-aasar at natahimik bigla, habang si Baek naman ay nanlamig at nanigas sa kanyang kinatatayuan.

"Tay, w-welcome home po." nanginginig na bati ni Baek sa kanyang ama.

'oh no! Masyadong pang maaga para ilantad tong sikreto ko! Lagot na!' bulong ni Baek sa kanyang sarili.

" Sinong bakla anak? Ano tong sinasabi ni Chen na Bakla ka daw?" medyo galit na medyo slight pasigaw na sabi ni Kris sa kanyang anim na taong anak.

"Bakla po yang only boy niyo! Crush niya nga po si superman!" sabat ni Chen.

'patay!' oo patay, patay si Chen mamaya kay Baek!

"T-tay hindi po totoo yun--- ganto po kasi yun--" pautal-utal na sagot ni Baek kasi nag iisip pa siya ng bonggang excuse! Kaso di na siya nakatapos dahil nagsalita ulit ang kanyang ama.

"Baek umayos ka! Ikaw lang ang nag-iisa kong anak na lalake! Ikaw ang tagapagmana ng apelyido natin! Ikaw ang magpaparami ng magagandang lahi natin!" sigaw ni Kris sa kanyang anak.

*insert t bright idea*

"Tay h-hindi ko po crush si superman! Idol ko po siya! Gusto ko pong maging kasing lakas at kasing Macho katulad niya paglaki ko! Para mahumaling po yung 'girls' sa akin!" at doon mga kaibigan, doon natutong magsinungaling si Baek.

Biglang napanatag ang loob ni Kris nang marinig ang mga sinabi ng kanyang only boy sa kanya.

"Mag meryenda muna kayo! Mamaya na maglaro boys! Babes!" sigaw ni mama Tao na nakadungaw sa bintana ng kusina.

"okey babes! Tara kain muna tayo." sabi ni papa kris sa mga bata.

"sige po tay, una na po kayo" sagot naman ni Baek. Umalis agad ang kanyang ama, hindi naman masyadong halatang gutom ito diba?

"Hoy Chen! Sabihin mo pa ulit na bakla ako makakatikim ka sa akin!" banta ni Baek kay Chen.

"Makakatikim ng alin? Kiss ba or malambot na suntok?" pang-aasar ulit ni Chen sa kanya.

"eto!" sigaw ni Baek sabay sapak kay chen sa mukha.

"ARAY!!!!!" sigaw ni chen habang namimilipit sa sakit.

"Hayop ka Baek!" sigaw ulit ni Chen.

"SABI KO KUMAIN MUNA KAYO NG MERYENDA!" beastmode na sigaw ni Mama Tao na nakadungaw ulit sa kusina.

"opo naaaay!" sagot ni Baek habang tumatakbo papasok.

Sumunod na din sa kanya sina Lay at Chen, para di na sila masigawan ulit ng nanay niya.

----------------

"oh Chen, anong nangyari sa mukha mo? " tanong ni Tao kay Chen habang pinagmamasdan ang namamagang mukha neto.

Agad naman na binigyan ng nakakamatay na tingin ni Baek si Chen. Na nagsasabing 'sabihin mong sinapak kita at puputulin ko ang betlog mo'. napalunok na lang si Chen at nagsinungaling.

"nadapa po ako kanina, okey lang po ako matapang naman po akong LALAKE." sagot ni chen.

"nadapa ka at nauna ang mukha mo?" inosenteng tanong ni Lay.

"ang tanga mo naman pala chen HAHAHAHA!" sabi ni Kris habang tumatawa.

"haha okey lang po , di naman po ako tulad ng iba jan na masabihan lang ng bakla umiiyak na hahahahahaha."

Nagsitawanan ang lahat, pati si Lay na nakikitawa na lang dahil wala talaga siyang naiintindihan sa pangyayari.

---

Dumidilim na at sinundo na sina Lay at Chen sa bahay ng mga Bompanes.

"anak kamusta naman ang araw mo?" tanong ni Jongdae Sr. Sa kanyang anak na si Chen.

"masaya po itay! Naiinggit nga po si Baek sa Laruan kong si Superman eh!" sagot ni Chen sa kanyang ama.

"dala mo pala si superman anak? Nasaan na?" tanong nito sa kanyang anak.

"andito po--- HALA NASAAN NA?!" sabi nito habang binubuklat ang bag niya.

" Di kaya naiwan mo sa kalaro mo? Tawagan mo na lang anak." suggest niya sa anak niya.

Agad na tinawagan ni Chen si Baek at nalaman niyang wala si superman doon. Kaya ang batang Chen ay nag-assume na lang na nahulog si superman sa sasakyan.

Back to reality....

"So all this time na kay Baek pala si superman?! Ilang gabi akong nagluksa sa pagkawala ni superman!" galit na galit na sigaw ni Chen. Importante kasi yung superman stuffed toy sa kanya, diba.

"oo anak! Di ko masabi sayo dahil ayaw kong masira pagkakaibigan niyo." sabi ni Jongdae sr.

"laxatives tay. Tapos colon cancer." sabi ni chen sabay walk out, labis siyang nasaktan sa mga nalaman niya. Nabigyan naman ng bonggang idea ang kanyang ama.


Naku! Mukhang hindi maganda to!Ano kaya ang masamang binabalak ni Dr. Jongdae sr. ? hmmm mukhang mabaho ang mga susunod na chapter!

-----------


Helloo, okey i rushed this chapter to make it up to all of you! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sirena - A Baekyeol fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon