"KK cosmetics number 1 in the whole wide world"
Dahil sa gulat nasapak ni Kris yung busina ng kanyang mahabang sasakyan.
/insert super bongga and loud busina here~/
Napahinto lahat ng kotse dahil na rin sa gulat. Marami ding nainis na pagka 'Famewhore' daw ni kris at mas marami ring nauntog at nabukulan dahil doon.
Agad namang humingi ng tawad si Kris sa mga taong naabala niya.
Nag-umpisa ng mag drive si Kris.
"Putangina Babe ano yung nakita natin." biglang nagsalita si Tao.
"Hindi ko rin alam, basta na lang nangyari." malungkot na sabi ni Kris.
"Anong pinagsasabi mong 'basta na lang nangyari?!' sa pagkakaalam ko last week TAYO ANG NUMBER ONE COSMETICS BRAND! PAPAANONG?? PAANO NANGYARI NA KK COSMETICS NA ANG NANGUNGUNA NGAYON?! BAKIT YUNG MAG ASAWANG MANYAK PA?! BAKIT YUNG MAY MALAKING MATANG TARSIER NA TAGA BOHOL AT YUNG NEGRONG ULING NA TINUBUAN NG YUMMY ABS NA TAGA NEGROS PA ANG NAG NUMBER ONE?!" Sigaw ni Tao sa kanyang asawa.
Alam ni Kris ang dahilan kung bakit nag top sa pinaka unang pagkakataon yung KK company. Dahil kasi ito sa model nilang si KIM TAEHYUNG. Oo yung sikat na sikat na member ng local group na BTD (OuO BTD sorry na hahahahaha) Dahil na rin sa taglay na kasikatan nito at sa dami ba naman ng fangirl niya. Lahat sila nahikayat sa pagbili nung bagong labas na eyeliner ng KK cosmetics.
Palibhasa hindi naman kagandahan yung endorser nung bagong eyeliner ng Pandababa [brand ng cosmetics nila]
Nakarating Ang mag-asawa sa kanilang bahay ng ligtas. Sa kalagitnaan kasi ng byahe nagwala si Tao dahil hindi niya matanggap lahat ng pangyayari.
"DADDEEEEEH MAAAAAMMEEEEH! " nakakabinging sigaw ni Baek mula sa rooftop. [take note may anim na palapag ang Mansyon nila]
"ANAAAAAK!!" sigaw ni Kris. Dali dali namang bumaba ang kanilang kaisa isang Prinsesa este Prinsipe sa kanilang napakahabang hagdanan.
"nay, tay mano po." sabi Ni Sooyoung habang inaabot yung kamay ng dalawa.
"pagpalain ka ng Diyos." sabi ni Kris.
"Soo anak naman, bakit ka nagmamano sa amin? Ganoon na ba talaga kami katanda?" medyo naiiritang sabi ni Tao.
Hindi na siya sinagot pa ni Soo kasi nagmadali itong kunin ang dalang pizza ng mga magulang niya.
"Akin na tong isang box haaaa!" at agad itong tumungo sa sala nilang malaki.
"Nay, tay yow. Panalo nga pala kami sa Basketball kanina." bati ni Taeyeon sa kanyang magulang, habang suot pa ang jersey at pawisan pa. Na may tatak sa likod na HENTAI 69 aba ayos ah.
"Maria Leonora Taeyeonita! Tinuruan kita ng tama. Bakit ganyan ang suot mo!?" naiinis na sabi ni Tao.
"Wala ka ng pake nay, buti nga ako normal pa yung sinusuot di tulad ng iba jan. Nagdadamit babae ng palihim."
"Anong ibig mong sabihin Taeyeonita?" curious na tanong ni Kris.
"By the way anak, nice jersey ;)" dagdag ni Kris.
Pero bago pa man ito masabi ni Taeyeon nakababa na pala si Baek sa kanilang hagdanan.
"Hay nako! Nakaka streeess, yaya kuhanan mo ako ng juice please. Daddeh sana naman palagyan mo na ng elevator dito. Lumalaki na yung muscles ko sa paa oh!"
"O sige anak, bukas na bukas." sabi ni Kris. Sabay hawak sa baba niya.
"Yeeey~ Itay bukas nga po pala ang distribution of cards namin. Pumunta po kayo para di ako pagalitan ni Mamang."
"Sinong mamang?" tanong ni Kris
" Yung class adviser po namin. Sabi po kasi nila na school is your second home and the teachers are your second parents. Kaya tinawag ko siyang mamang "
"O sige sige, pupunta ako. Di ko na isasama nanay mo. Badtrip to eh kanina pa."
"Hala si nanay, tara nay Shopping tayo para mawala stress mo." suggest ni Baek.
Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Tao at ngumiti.
"Good idea anak! Sige magbihis ka na. Bibili ako ng bagong Gucci bag." masayang masayang sambit ni Tao.
------------------------
Sa Mall...
"Inay alam niyo ba ang ganda ng eyeliner na gamit ko ngayon o tignan mo." sabi ni Baek sa kanyang ina. Habang lumalapit sa kanya.
Tinignan naman ng mabuti ni Tao ang mata ng kanyang anak.
"Aba anak, oo nga ayos. Bagong labas ba yan?"
"Oo nay, ang ganda talaga!"
"Yan ba yung bagong labas sa atin? Yung pinky winky barbie liner?" Masayang tanong ni Tao, siya kasi yung nagpangalan nun.
"Naku nay, hindi po. Bagong labas po to sa KK company! Alam niyo po ba! Ang pogi ng endorser nila! Si Kim Taehyung yung member ng BTD! Ahhhhhh"
biglang nanlambot ang panga ni Tao noong narinig niya yung 'kk company' mula sa bibig ng kanyang dalaga--este binata.
KYUNGSOOOOOO! KAAAAAAI! PATI BA NAMAN SA PAGTANDA KO BINUBULABOG NIYO PA RIN ANG BUHAY KO?!
---------
Magka ano-ano kaya si Kai, kyungsoo at Tao? Hahahahahaha hindi ko rin alam. xD mag iisip na muna ako. jusko wala tong matinong plot talaga eh. Ang korneh pa.
@MisaScarlet
BINABASA MO ANG
Sirena - A Baekyeol fanfic
HumorSa mundong punong-puno ng maraming HIPON, may nag-iisang namumukod tangi sa lahat! Ating subaybayan ang buhay ni Baekhyun Bompanes sa kanyang major transformation! Paano niya kaya mabubulgar sa whole wide world ang kanyang tinatagong secret? Na isa...