Chapter 16

33 4 0
                                    

His eyes.



"Bakit hindi sumama si Tita?" Tanong ko kay Diego pagkababa ng eroplano.



Katulad ng dati ay inalalayan niya ako, dahil hanggang ngayon nanginginig parin ang tuhod ko kapag bababa, o sasakay man sa eroplano. I looked at the kids with Diego's Bodyguards beside them. Lilingon-lingon ang naka ponytail na si Calamity suot ang floral niyang dress habang kinakausap ang kakambal na naka-poker face lang at diretsong nakatingin sa akin.



"She's with Mama Medriana, dadalawin daw nila si Mama Matrialla sa kumbento."


"Bakit Mama ang tawag mo sa kanila?"


Nagkibit balikat siya sa akin. "They don't have kids.... Edi ako nalang anak nila."


Tumango tango ako at hinawakan na ang kamay ni Calamity nang makarating sila sa amin, umakbay naman si Diego kay Claude. I looked at my son. Hindi ko namamalayan na tumatangkad na pala siya. Dati ay hanggang dibdib ko lamang siya pero ngayon siguro ay hanggang balikat ko na.

Dumiretso kami sa sasakyan na pag mamay-ari ni Diego dito sa palawan, napuno ang byahe ng kwentuhan. Dahil nagutom din sila sa byahe kanina ay sinabayan na namin ng pagkain. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nakikita ko sa mga anak ko. I know they are so excited. I can feel it.

"Love, water please."

Agad kong inabot ang water bottle sa lapit ko at tinapat iyon sa bibig ni Diego. As usual, taga subo na naman ako ng pagkain sa kaniya habang nagda-drive siya. He remained his eyes looking at the road.

"I can smell the sea!" Sigaw ni Calamity.


Natawa kaming parehas ni Diego, sinilip niya ito sa rearview at binalik muli ang tingin sa daan.



"This is an air-conditioned car, Zyrine Calamity." Bagot na saad ni Claude.



Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sila at tinignan ang paligid. Oo nga at natanaw ko na din ang asul na dagat. It's so exciting. Sa wakas, makakapag relax nadin ako sa trabaho.


A couple of minutes passed when we reached the destination. Everything
was so wonderful. The breeze, The coconut trees, the sun, the sand and especially the sea.


Napaka ganda dito. Nakapunta na ako sa lugar na ito kaso sobrang tagal na. Si Daddy pa ang kasama ko noon kaya hindi ko na matandaan.


"This is so beautiful!" Tumili si Calamity at pagtakbo umikot sa kakambal niya.


She's so happy I can say that. I saw how Claude tilted his head because his sister was covering the view, and when he succeed. A glimpse of excitement were written in it.



"So......" Tinignan ko si Diego sa biglaang pagsasalita niya. "Who's ready to swim!?"


"Me! Me! Papa, let's swim right now, please?" Calamity shouted.


Agad akong natawa sa itsura niya. Parang bago palang nakakita siya ng beach ah? Samantalang nung nasa America kami walang summer o birthday nila na hindi siya nag aaya sa mga resort doon.


"Sure, baby. We'll swim."

Napailing ako at agad na pumagitna, kahit naman ako ay excited. "Magpahinga muna kayo sa hotel, it's still sunny pa naman."


Nawala ang ngiti ni Calamity at tumingin sa akin. "But, Momma. That's why we went here. To enjoy the summer heat with sea water!"

Ngumiti ako at lumakad papunta sa lugar niya, nang marating ay hinawakan ko ang kaniyang pisngi.


After the Unwanted MistakeWhere stories live. Discover now