Chapter 11

26 4 0
                                    


(Meeting him?)

----

Z's

"Diego may lakad ako, mamaya." Panimula ko nang pumasok ako sa kaniyang kwarto.

Umagang umaga palang ngayon at sigurado akong aalis nanaman siya maya maya lamang. Narito ako upang magpaalam para sa pinag usapan namin ni Neveri. Nakakahiyang umalis ng walang pasabi.

Busy ito sa pagtali ng kaniyang business tie. Hindi niya ako nilingon at nanatili ang mga mata sa ginagawa.

"Hmmm?....... Where are you going?"

Hindi parin siya lumilingon at abala sa ginagawa, mukhang nahihirapan siya sa pag ayos nito, I smiled shallowly.

I took a few steps to reach him. Agad niya akong tinignan nang makarating ako sa harap niya. His shocked expression was plastered on his face.

Inagaw ko ang ginagawa niya at pinagpatuloy ito.

"Jesus! Nakakagulat ka, Zhekinah Andrea!" Aniya at pinanood akong itali ang necktie niya, mabagal ngunit sa mas maayos na paraan.

I chuckled. "Silly! You're just overreacting."

Tumawa naman siya, at tinginan ako. Ngumiti ako at ibinaba ang tingin sa ginagawa. He remove some hairstrands that was covering my face.

"I have been so busy this week, I missed you." Malambing niyang Aniya.

I nodded with no reaction.

"Yeah, busy avoiding me." I said bluntly.

Nang matapos ay pinagpagan ko ito. Bagay na bagay sa kaniya talaga ang kahit anong kulay. His clean cut made him looked like a soldier. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin ngayon. The right side of my lips rose, teasing him.

"What?" Masungit niyang sabi.

Tinasaan ko siya ng isang kilay.

"Oh, bakit? Hindi ba?"

Ngumiwi siya.

"You're early everytime you're out, then you're always late when you go home."

"And what made you think that I am avoiding you in that way?"

Umirap ako.

"Kasi nga, hindi mo ako pinapansin. Lagi na lang na sa mga bata ka nagpapaalam, tapos hindi mo man lamang ako tinitignan at kinakausap."

Saglit siyang napatitig sa akin na para bang naguguluhan sa sinabi ko. Maya maya pa ay tumawa siya. He placed his two palms, in my cheeks then licked his lower lip.

"I told you, I'm busy. Nagkaroon ng minor problem sa company, plus I'm thinking if I just close my mother's business."

"What business? The event agency?"

He sighed then nodded.

"Wala akong makuhang Event manager and Event planner, you know me, pihikan ako sa mga nagtratrabaho sa akin, ayoko ng basta basta lang. Mom's willing since she started this but I forbade her. Hindi na dapat siya nagtratrabaho."

Sayang kung hindi nila ipagpapatuloy yon, if only I can, I would grab this fucking opportunity.

"This is why I am busy this days, look. If this happen everyday, I may look older." Malungkot ang boses niya ngunit nanatiling arogante ang mukha.

Tumawa ako at inabot sa kaniya ang coat, nang makuha niya ito ay tinulungan ko siyang isuot yon. Nakangiti ako habang tinitignan ang masungit niyang mukha.

After the Unwanted MistakeWhere stories live. Discover now