A day to get away......
"Have you seen, Diego?" Tanong ko kay Isabella na siyang natitirang pwedeng kausapin.
Busy kasi sa cellphone ang parehong si Raizza at Janayah. Nakakahiya naman kung iistorbohin ko sila mukha pa namang importante ang ginagawa kasi tutok na tutok talaga sila.
She sat comfortably then looked at me.
"Umalis eh, may kumausap sa kaniya."
Tumango nalang ako at umupo sa pwesto kung saan nakaupo kami ni Diego.
Hinintay ko ang paglapit ni Neveri sa katapat ko, pinauna niya kasi ako nang saglit dahil may titignan lang daw siya. Alam ko naman kasing may nahagap siyang chismis kaya ganon.
"Oy, mga teh!?" Bulabog niya sa ibang kaibigan niyang nag uusap.
Agad naman na humarap sa kaniya si Raizza, na halatang nakuha na agad ang gustong iparating ni Neveri.
"Spill it." Si Raizza.
Itinabi nito ang phone sa kaniyang purse, umayos ng upo at seryosong tinignan si Neveri.
"I saw Nadine, paglabas namin sa banyo. Kasama niya si Mariana."
Kita ko pa ang pag kunot ng noo ni Isabella. "Paano nakapunta ang mga iyon dito?"
Neveri looked at her defensively, wari'y pinagtatanggol ang sarili sa sinabi ng kaibigan. "Aba malay ko!"
Binato naman siya ni Janayah ng lemon, sinubukan niyang umilag ngunit bago pa man tumama na iyon sa kaniyang pisngi. Mga baliw talaga!
"Tanga! Anong malay mo, eh birthday mo ito!? At ikaw ang nag-asikado ng mga invites and invitation diba?"
Sinamaan siya ng tingin ni Neveri dahil doon. Padarag niyang kinuha ang purse at kumuha ng tissue doon.
"Gago ka talaga, Jan! Masisira make up ko! Kadiri, ang lagkit! Hinayupak ka!" Halos atungal nang sabi ni Neveri.
"So paano ngang nandito ang mga hitad na iyon?" Muling tanong ni Raizza.
Salubong na kilay na tinignan siya ni Neveri. "Hindi ko nga alam, siguro sinama sila ng Ruccid na yon dito!"
Rinig ko ang pagsinghap ni Isabella kaya nilingon ko ito, sakto namang nakatingin din ito sa akin. "Si Ruccid Alcantara? Paanong nandito siya? Akala ko ba war kayo?"
Kita ko pa ang pasimpleng tingin nila sa akin, para bang alam nila ang history namin ni Ruccid. Nanatiling naman akong nakikinig at hindi na pinansin ang titig nila.
"Wala akong maalalang inimbitahan ko yun ano! Galit ako at mamamatay akong galit sa kaniya! Pag bintangan ba naman akong kabit ng asawa niya, tanga ba siya!?" Neveri's tone raised a bit.
Napatingin ako sa babae dahil sa sinabi nito, halatang iritado siya dab sa reaksyon niya ngayon. Sino ba namang hindi diba?
"Baka kasi kabit ka talaga." Kunwaring tawa ni Raizza.
Neveri's face grimaced. As if Raizza said something that can destroy the lawyer's life.
"Huminahon ka, Raizza. King ina mo! Kaibigan ko lang si Calvin. OA lang talaga ang Ruccid na iyon!"
Nagpatuloy ang mga kwentuhan nila, hindi ako sumasali dahil mas okay na ako sa pakikinig sa kanila. Naramdaman din naman siguro nila iyon.
"Sa dami ko ba namang ginawa kanina, stress pa ako sa hinawakan kong kaso kaya-"
"Excuse me, ladies." Hindi na natapos ni Neveri ang sasabihin nang biglang nagsalita si Diego. Agad naman kaming napatingin sa kanan ko kung nasaan ang lalaki. "Can I speak to Zhekinah for a second?"
YOU ARE READING
After the Unwanted Mistake
Romance"Maybe we are not meant for each other now, but I promise in our second lifetime I will do everything to fight for you even if many people hinder us, forgive me love but destiny is not for us today, tomorrow nor until the end." (Zhekinah Andrea Alva...