(Mrs. Ruccid Alcantara)
R's
"I don't want that color, take it away from face." I said to the woman infront of me then looked at her intently.
Hinawi ko ang kulot kong buhok, at pinagkrus ang aking mga hita. Taas kilay kong tinignan ang aking kuko na para bang iyon yung babaeng umasikaso sa akin kanina.
Why are they selling those kind of clothes in my shop! apart from its bad color the fabric is obviously cheaper.
Ano bang akala nila sa shop ko? Basta basta nalang? This day is total giving me a headache. For goodness gracious, hindi ito divisoria!
Nang matapos nilang ipakita ang mga branded clothes sakin ay agad akong tumayo, hindi lahat ng mga damit ay nagustuhan ko. Ang mga ganoong klaseng damit ay hindi nararapat sa pribadong silid pamilihan na pag mamay-ari ko, at siguradong hindi ganon ang klaseng magugustuhan ng mga mamimili ko. Maging praktikal na tayo, kung ang mga ganong damit ay hindi na mabibili at matitira na lamang hanggang sa ilang taon, ano nalang mangyayari sa mga iyon? Ano nalang magiging halaga non sakin kung hindi rin naman mabebenta, diba?
Humarap sa akin ang mga saleslady ko na nag aasist sakin kanina lamang, mataray akong tumingin sa kanila.
"Next time, please. Make sure that the clothes are not just good, but great. If you think it's the best for our taste then it's better. Don't just settle for less, you may continue working." Sabi ko at umayos ng tindig.
Napabuntong hininga ako nang maisip ang sinabi ko, don't just settle for less, huh? At sinong niloko mo, Ruccid? Pagak akong tumawa.
Paano kong nagagawang sabihin yon sa iba, gayong hindi ko man lang iyon masiksik sa isip ko? Wala narin namang akong magagawa, ginusto ko ang ganitong buhay, pinili ko ang ganitong sitwasyon. Sa dami ng taon na ginugol ko upang maging mabuting asawa ngayon paba ako susuko?
Hindi ko sinira ang isang mahalagang pagkakaibigan namin ng taong naging sobrang mahalaga sa akin para lang sumuko ako agad, at hindi ko hahayaang maging talunan ako sa bandang huli, that's not in my mind, losing will never be listed in my virtues.
Nang maka alis ang mga ito ay pumihit ako papakanan hindi inaalis ang katarayan sa aking mukha, isusuot ko na sana ang aking glasses nang mapansin ang isang pamilyar na likod ng isang babae, bagamat may hubog ito, alam kong mas maganda ang pagkakahubog ng akin, ang di lalayong kulot ng kaniyang buhok sa akin ay sumasabay sa mabilis niyang paglalakad.
My forehead furrowed, I felt anxious for no apparent reason. My heart was beating so fast. Nakuha niya ang atensyon ko kung kaya't gumapang ang kyuryosidad sa aking katawan, alam ko kung sino to, ngunit hindi ako sigurado kung saan at kailan ko siya nakita.
Kulang na kulang pa ang likod na yon upang makilala ko kung sino man ang nagmamay-ari ng katawan na iyon, out of curiosity, I went outside to follow her, agad kong binuksan ang glass door, hindi ko na hinintay na pag buksan pa ako dahil sayang iyon sa oras, at isa pa. Masyadong mabilis ang isang to, may posibilidad na hindi ko siya masundan kapag nagkataon.
Dinoble ko ang aking bawat hakbang, bagamat nakasuot ako ng heels na may mataas na takong ay hindi iyon nakaalintana. Nanatili akong nasa likod nila. May kasama siyang batang babae. Na siguradong hindi nalalayo ang edad kay Ruvien, My son.
Nang maabot ang parking lot ay dumiretso ito sa isang kulay pulang sasakyan, akay akay parin ang bata. Sa isang galaw ay naging dahilan yon ng pagharap niya sa gawi ko, natigil ako nang mamukhaan kung sino ang babaeng iyon.
Zhekinah Andrea......
Hindi ako pwedeng nagkamali, it's her. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ko siya, nagtataka kung bakit tila hindi niya ako napansin gayong humarap siya sa gawi ko, siguro sa sobrang tuliro hindi niya na ako nakita.
YOU ARE READING
After the Unwanted Mistake
Romance"Maybe we are not meant for each other now, but I promise in our second lifetime I will do everything to fight for you even if many people hinder us, forgive me love but destiny is not for us today, tomorrow nor until the end." (Zhekinah Andrea Alva...