Kabanata 28

140K 4.4K 3.6K
                                        

Kabanata 28

"P'wede na bang magpalamon na lang sa lupa?" miserable kong sigaw sa utak.

"Hmm, won't let you. Ako lang kakain sa 'yo," namimilog ang matang napaangat ako ng tingin kay Solomon.

Heck, he could even read my damn mind now?!

"No, angel, you said it out loud," he clarified like he was indeed a mind reader!

Nag-init ang pisngi ko. Nang mahuli ko ang unti-unting paglitaw ng pilyong ngisi sa labi niya ay umirap na ako.

"Sungit naman ni ganda,"

"Sungit naman ni ganda," I mimicked his voice and rolled my eyes again. Tumawa siya.

Mula sa pagbabalot ng lumpia sa harap ko ay unti-unti siyang lumapit sa tabi ko, dumudungaw sa ginagawa ko.

"Kung sino kakain niyang lumpia mo panigurado sulit sa palaman," komento niya sabay punta sa likod ko at tulong sa akin sa pagselyo ng pagkain.

I'm so great making a lumpia na! Twinkle will be very thrilled! Pag-uwi ko gagawan ko siya!

"S'yempre," umirap ako sa hangin. "'Di lang naman ang lumpia ang masarap, ano? Pati 'yong gumagawa."

"Proof?" he whispered.

Bumusangot na ako, humahalukipkip. Nakasimangot akong humarap sa kanya, handa na sanang magmaldita kung hindi lang ako bahagyang tumama sa kanyang panga.

My forehead creased, "lumayo ka nga!"

Pero sa halip na gawin iyon ay tinagilid niya lang ang ulo bago ako ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. My breath hitched. I fought him with my glare, only to get smothered by his ghost kiss.

Bahagyang napaawang ang labi ko, nagulat at frustrated na hindi ko masyadong naramdaman ang labi niya sa bilis.

"I need proof na masarap din 'yong gumagawa," he said again, his eyes twinkling with such amusement.

"Excuse me?" tinaas ko ang chin para labanan ang pang-aasar niya. "Do you wish to say I'm not delectable? Do you have a death wish?!"

"Hmm," he bit his bottom lip, his palm slid on the small part of my waist. "If I'll have the opportunity to be killed by you, consider me a dead man now, angel."

Fuck. Is this Sol's upgraded malandi version?

Tumikhim ako, inangat ko ang kamay para itulak siya pero sa lakas ba naman niya't umaatikabong muscles may magagawa pa ba ako?

"Tss, lumayas ka na nga rito," bumusangot ako. "Kailangan nating tapusin 'tong handa para pag-uwi ni Fritzy mamaya—"

"Her flight's delayed," he sighed. Napakurap-kurap ako.

"What?"

"Flight's delayed," ulit niya. "Kausap ko kaninang umaga si Ester, 'yong bantay ni Fritzy at baka bukas pa raw ng umaga ang dating."

"Oh..." my lips protruded, napawi ang excitement. "How about our lumpia?"

"It's alright," aniya. "We could continue preparing para hindi na hassle bukas. Nagpresinta sina Aling Letty na magluto habang sinusundo natin sa airport 'yong anak natin."

My heart pounded.

Anak natin...

Nagpigil ako ng ngiti.

H'wag kang kikiligin... bruha ka, Sibyl! H'wag kang kikiligin!

"She would still eat your special lumpia," hindi inaalis ang tingin niya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon. "Panigurado masarap 'yan, purgang-purga ba naman ng laman."

Solace EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon