This is Solace Escape's Wakas! Finally, natapos din after the delays and revisions! The original was still here, I just added a few tweaks at the first few parts of the story kasi 'di nila sinunod ang gusto sa first version (mapagdesisyon sila hahaha) but the wait is worth it on my part, I guess. I didn't know if I'd be satisfied as much if I pushed through the first version, gusto ko rin kasing nagsusulat kapag nasa mood ako and here it is!
Hoping you'll love SE as much as I enjoyed writing them! Sol and Sib have a special place in my heart for they got me out of my comfort zone again. My Solace. I'll write and practice more for the future stories to be much better. Thank you for trusting me and the process.
'Til our next adventure!
--
Wakas
His Solace
"Magandang umaga, anak. Ang aga mo atang nagising?" mula sa pagpapakain ng mga hayop ay nag-angat ako ng tingin kay Nanay na kakalabas lang ng bahay.
"Magandang umaga, 'Nay," bati ko at ngumiti, bahagyang lumalapit nang inabot niya ang ulo ko.
"Oh, magkape ka muna," aniya. "Anong oras ka na natulog kagabi, ah? Dapat sinulit mo na ang tulog habang tulog pa si Fritzy."
"Hindi na, 'Nay, ayos lang." Sumandal ako sa lamesa at inabot ang kape para sumimsim. "Maganda ring maaga magising kasi mag-aasikaso akong rancho ngayon."
"Hmm," tumango siya, inaabutan ako ng pandesal. "Balak ko sanang kausapin sina Ma'am Lena ngayon, manghihiram sana para sa gamot ni Fritzy—"
"H'wag," mabilis akong umiling.
"Bakit hindi? Papayag naman iyon sila, alam mo namang ayos lang."
"Nakakahiya, 'Nay," muli akong umiling at naupo sa harapan niya, binabagabag. "Kakahiram ko lang nitong nakaraang linggo para sa check-up ni Fritzy. Hindi ako pinagbayad kaya..."
Bumuntonghininga siya, "mangako tayong magbabayad, akong bahala. Maiintindihan naman nila, kung gusto mo gagawa pa ako ng papeles?"
Natawa na ako, umiiling.
"Hindi, ayos lang, 'Nay," sagot ko. "Kaya ko naman, may tatlong araw pang supply si Fritz ng gamot. Sakto at sasahod na ako sa pag-assistant doon sa rancho at plantation tapos p'wede naman nang pagkain 'yong sahod ko ro'n sa waiter ko sa bagong kainan do'n sa bayan."
Her eyes softened, alam ko na kaagad kung ano ang sasabihin niya kaya inabot ko na ang palad niya para pisilin.
"Ayan na naman ang mukha ng Nanay," pansin ko, "paano ka na gaganda n'yan kung mukha kang problemado? Dapat makikita ng buong Sta. Monica na sa 'yo nagmana ang nakakalula kong kagwapuhan!"
Nagliwanag ang mata niya.
"Loko-loko!" tumawa siya, "at talagang nagagawa mo pang magbiro, ah?"
"Magbiro?" humawak ako sa dibdib at nagkunwaring nasasaktan, "aray ko, 'Nay? Parang niyurakan mo ang pagkatao ko! Sinasabi mo bang biro ang mukhang 'to?!"
Tinapik ko ang pisngi. Mas natawa siya at pinisil ang kamay ko.
"Oo na, oo na, ikaw na ang gwapo," natatawang nailing siya. "Narinig ko nga kayong nagtatalo ni Sir Zeijan nitong nakaraan sinong mas may itsura. Ikaw talaga, pinapatulan mo pa ang boss!"
I smiled lazily, "tropa-tropa ko 'yon si Pareng Zeijan, 'Nay, ayos lang 'yon."
"Ikaw talaga," umiling siya, "sige, ikaw bahala sa anong gusto mo pero kung kailangan mo ang tulong ko, magsabi ka sa akin, ah? May kinikita rin naman akong disente sa stall ng prutas ko."
BINABASA MO ANG
Solace Escape
General FictionSandejas Legacy #5: Solace Escape "Sandejas Legacy continues..." Sibyl Timothea Sandejas is a well-known ballerina, the center of attention, the star. Everyone wanted a glimpse of her life, not just because she's a great dancer but mostly because sh...