Kabanata 2

111K 4.5K 2.6K
                                    

Kabanata 2

What the hell?

Did I just laugh?

"Sir!" the idiot screamed again and when he saw me watching him with my poker faced, he was frozen.

"Sibyl—p-puta!" he gasped again. Ang salagubang ay muli lumipad papuntang batok niya at nawala na ang composure.

My face turned sour, habang tumatalon-talo siya doon ay tumayo na ako at humalukipkip.

"Are you cursing me?" I asked coldly and his eyes widened more.

"H-hindi! Hindi, ah!" he shook his head, "'yong ano kasi, Sib—tang ina!" hinampas niya ang batok at medyo nanginig pa.

Muli niya akong nilingon, when he realized I am almost glaring at him, his jaw dropped.

"S-sorry! Promise!" he raised his hand, "hindi talaga ikaw ang minumura ko! 'Yong salagubang lang! Promise, nandito siya!" he explained, panicking but then suddenly froze as if he realized something.

"Nandito..." he touched his arm where the now gone Salagubang is nowhere. "N-nasaan...nandito lang 'yon!"

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya at nahuli kung paano siya napalunok.

"Promise, may salagubang..." nag-aalangan niyang sabi at hinanap na ang mata ko. "Hindi mo ba nakita? Mayro'n dito! Lumipad sa leeg ko tapos sa batok. Hindi naman ako takot, nagulat lang."

"You weren't scared, hmm?" I asked nonchalantly, staring at him with no emotion at all and he nodded, nangingiti na ata.

"Oo!" napapangiti na siya, "nakita mo, 'di ba? Nagulat lang ako—"

"Mister, the salagubang's in your hair." Parang wala lang na turo ko sa buhok niya.

"Huh?" he reached for it and I saw how it walked from his hair to his hand at nang tignan niya ito at nahuli sa kamay niya, unti-unting nahulog na ang panga.

He looked okay for me but it was hilarious seeing his face turning pale.

"Sa..." he gasped, "Sir Zeijan! Tulong!"

He sprinted and ran away from me, huling-huli ko ang paglipad ng salagubang patungo sa mukha niya kaya halos matapilok siya roon kakatakbo.

I shook my head, tumaas ang sulok ng labi ko at tinatamad man ay kuryosong sumunod kung saan ang takbo ng lalaking iyon. That idiot has ways to annoy me with his loud mouth, huh? Ayoko pa naman sa lahat ay ang kinakausap ako ng hindi ko close.

When I got inside the mansion, my Dad was there. Nanunuod siya ng palabas ni Mommy sa T.V. at sumakto ring pasok no'ng duwag at nakaangat pa ang kamay kung nasaan na ang salagubang.

"Sir!" the man called and my Dad jumped on the couch and stood to look at him.

"O-oh, Sol? Bakit?" he asked, quite shocked. "Bakit ka sumisigaw?"

"P-pasensya na po, Sir pero..." it was like slow motion.

Nakita ko ang mabagal na paglipad ng salagubang paalis sa braso ni Sol at sa isang kurap lang ay nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang dumapo na iyon sa mukha ni Daddy.

"Sir—"

"Tang ina mo, Solomon!" Dad screamed back and I shockingly covered my mouth when the two of them screamed and ran around the house.

It was chaotic. Naipikit ko ang mata nang paglaruan sila ng Salagubang. Dahil sa ingay ng dalawa ay palipat-lipat iyon sa mga mukha nila at sa sobrang gulo ay nausog na ang sofa.

Solace EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon