Wakas (Part Two)

155K 4.7K 3.5K
                                        

Today is August First and death anniv ni Honey Jer but bawal ang sad kaya here's the gift from me and Jer! Surpriseeeee! This is the extended wakas for Solace Escape! Enjoy, my solace! #SolaceEscapeWP

Again, thank you for being with another journey with our loving Sandejas Family! Always hoping their bond and weird family made you somehow happy and smile! May the rest of your August be fruitful and filled with blessings!

--

Wakas (Part Two)

"Ganito pala feeling ng invited sa kasal ng anak?" nabuga ko ng kaunti ang iniinom na tubig sa parinig ni Pareng Zeijan.

Nilingon ko siya habang nagtatawanan sina Tito Dash.

Tito... 'di pa rin talaga ako sanay at madalas ko pa ring natatawag na boss.

"'Di pa ba tayo bati, pare?" tanong ko kay Pareng Zeijan na masama na naman ang tingin sa akin.

Umismid siya sibay irap sa akin. Naalala ko tuloy ang asawa ko kapag umiirap tapos nakakatakot minsan kasi puti na lang ang natitira.

Napapaisip na nga 'ko minsang magbaon ng bendita para diretso basbas.

"Anong bati? 'Di kita kilala, sino ka ba?" pinanlakihan niya ako ng mata sabay inom ng tubig. "Gago, 'di pa rin ako maka-move-on na 'di ako invited sa unang kasal."

I tried stopping myself from laughing but ended up chuckling. Inambahan niya 'ko ng sipa.

"Invited ka na ngayon, Kuya, h'wag kang mag-alala." Tita Zidney appeared wearing her purple gown, smiling.

"You looked gorgeous, Tita," I complimented.

"Oh, you too, Sol." She smiled and fixed my suit. "Is Kuya giving you a hard time? H'wag mo na pansinin, 'tong mga Kuya ko tumatandang paurong."

"Zidney-tot!" Dad whined, "kinakampihan mo pa 'yang pangit na 'yan kaysa sa aking kapatid mo—"

"Because you all are overreacting," ngumuso siya pero lumapit din kay Dad. He hugged her and kissed her forehead.

"I'm not overreacting. Kukunin ang pretty ghourl ko, sinong 'di malulungkot?"

"Kasal na sila ng isang taon," ani Tito Dash, "anong pinagkaiba ba kapag ikakasal sila ulit ngayon?"

"Magiging official na lalo," bumusangot siya, "tss, 'di ba? Isang taon nang kasal tapos 'di sa akin nagsabi sa una?"

"Surprise nga, pare," sabat ko.

"Sasagot ka pa!" inambahan pa niya akong muli ng sipa. Napatawa ako at umiling.

"Aalagaan ko ang pretty ghourl mo, Dad. Pangako." I promised, "I'm giving you the permission to kill me if I hurt her."

"Ay, 'di ko kailangan ng permission mo. Talagang gigilitan kita kapag umiyak ang mag-ina mo dahil sa 'yo." Umirap pa siya ulit sa akin sabay lapit, "pero inferness, bagay sa 'yo 'yong damit mo."

Sumulyap ako sa barong na suot pabalik sa kanya, nangingiti.

"Salamat, pare, mana lang sa kagwapuhan mo—"

"Para diretso higa ka na lang sa ataul mo mamaya," putol niya.

Nawalan ng kulay ang mukha ko, nagtawanan sila sa itsura ko.

"H'wag mong takutin si Solomon, Zeijan," ngumisi si Tito Iñigo. "Kapag ito natakot at tumakbo mayayari ka kay Sibyl."

"Ayos nga 'yon," ngumisi siya, "para sa akin na uuwi ulit ang anak ko tapos perfect na ulit sa bahay."

"I doubt, Dad," I answered. "Kahit tutukan mo pa akong baril 'di ako aalis dito. I'm willing to get killed just so I could have your daughter again. To have your blessing for a second wedding with her."

Solace EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon