It Starts Where It Ends

244 17 0
                                    


“I'm sorry,Lara…” 

Napahinto si Lara sa paghila ng latch para mabuksan ang pinto sa front passenger side kung saan pabuwelo na sana siya para bumaba. Nakahinto ang sinasakyan nilang SUV ng boyfriend na si JL sa halos dulo na ng parking area sa harap ng isang five star hotel sa Alabang. Pasado alas cuatro ng hapon, at sakto lang ang dating nila para sa dadaluhang garden wedding ng isa sa mga college friends niya.

“Sorry dahil…? Dahil uminit agad ang ulo mo noong sinita ng traffic enforcer kaninang beating the red light ka? Okay lang, JL. Just please contain your temper next time lalo at ikaw naman ang mali,” itinulak niya pabukas ang pinto. “Hindi naman tayo na-late ng dating, okay lang 'yun. 

“No, Lara, I’m sorry pero hindi kita masasamahan. Ypu go ahead, but I need to leave.” 

Tiningnan niya si JL, na derecho ang tingin sa ten-storey, Mediterranea- style hotel building. May isang taon na niya itong kilala, kasama na ang three months na ng-date sila regularly bago naging officially ‘in a relationship'. Sa panahong iyon ay may ilang maliliit na bagay na pinagtalunan na sila, at kadalasan ay dahil iyon sa pagiging mainitin ng ulo at mayabang nito, na nagka-clash sa pagka-prangka, assertive at katigasan daw ng ulo niya.

But they always, always patch things up within a day or two, at hindi nangyayaring basta na lang siya nito inabandona. 

Nasa Alabang, Muntinlupa sila. Taga-Diliman, Quezon City pa siya. On a Saturday, pahirapang kumuha ng masasakyan pauwi. And she was supposed to introduce JL to her friends for the first time! Ano'ng pinagsasabi ng lalaking ito? 

“JL, what's going on?” bumuntung-hininga siya. “Halos dalawang oras na tayong magkasama at walang nag-text o tumawag sa iyo. May kailangan ka bang puntahan na iba? Urgent? Emergency?” pinanatili niyang steady ang boses, ayaw niyang makipag-away. Puwede pa niya itong makuha sa maayos na usapan.

Sinalubong ni JL ang tingin niya. “Wala akong ibang pupuntahan. I simply don’t want to he there, with you.” 

Napakurap siya. “What!” agad siyang kinabahan. “W-why? Nag-aalala ka bang hindi magugustuhan ng friends ko? Mababait sila, mukhang mataray sa umpisa pero ganu'n talaga ang magkakaibigan, medyo protective sa isa't isa. But I’ve told them about you, JL. Excited na silang makilala ka.” 

Napailing ang lalaki. “I’m sorry but I don’t want to meet your friends, or anyone else in your life, Lara.” bumuntung-hininga ito. “Napag-isipan ko na ito at sa tingin ko, hindi na tamang ituloy pa natin. Tapusin na natin ito, it’s not working anymore.” 

Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Sa tingin mo, JL? Paano ‘yung tingin ko sa sitwasyon? Sa atin? It’s not working anymore, you say? Susuko ka na agad? Gago ka pala, eh!” 

“Gago ka din!” matalim ang tinging balik nito, tumaas na ang boses. “Sa dalas ng pag-aaway natin, nagtaka ka pa? You’re too fucking high and mighty, wala ka namang ipagmamalaki. You think you’re too cool with all your equality and informed zen bullshit, when you’re really just covering the fact that you’re insecure,” he sneered. 

“Look who’s talking!” ramdam niya ang pag-iinit ng leeg at pisngi, ang pag-ahon ng galit sa dibdib pero pinili pa rin niyang magpakahinahon. “Ako pa ang insecure gayong ikaw ang palaging ginagamit ang pisisyon mo at pangalan ng boss mong magnanakaw para makuha ang gusto mo at makapanlamang? Ako pa ang high and mighty gayong ikaw itong madaling mapikon at ginagamit ang connections mo, at nagne-name drop ng kung sinu-sino thinking you can get away with anything? So, galit ka pala sa akin dahil hindi ako sunud-sunuran sa iyo, at hindi ako impressed sa connections mo? Wow, JL, ang galing mo! Bravo!” sarcastic na ngumiti siya bago sinipa pa patulak ang pinto ng sasakyan. 

Beautiful Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon