Nanginginig ang mga kamay ni Lara nang ipatong sa coffee table ang cellphone. Nag-text ang isa sa mga kaibigan niya at sinabing nasa lobby lounge ng hotel ang mga ito, at hinihintay ang isa pa nilang kasama na nagpa-park lang.There’s a tea service on a nearby serving cart, as well as a pot of freshly hrewed coffee and condiments, sandwiches and pastries. Mag-iisang oras na simula nang dumating sila ni Kino na tinulungan siyang ihanda ang kuwarto para sa pagdating ng mga kaibigan.
“They’re here. Paakyat na sila any minure now,” mahinang sabi niya.
“I should leave then,” niyakap siya ng binata at hinagkan sa sentido. “Nasa M Court lang ako,” tukoy nito sa buffet restaurant na nasa parehong floor din. “Try to relax, okay? Kahit ano ang mangyari pagkatapos nyong mag-usap, at least nasabi mo na sa kanila ang lahat. Doesn’t matter if it’s a few months late, okay?” he rubhed her shoulder.
Tumango siya. “Okay,” sumabay siya sa pagtayo ni Kino, na nagkakad na papunta sa pinto, Nang tuluyan itong lumabas ay pumunta muna siya sa restroom para i-check ang sarili.
Medyo maputla siya, halata ang pag-aalala at kaba. Huminga siya ng malalim at bumalik sa sala, na halos kasabay ng pagtunog ng doorbell. Sandaling natigilan siya, bago mabilis na inilang hakbang ang pinto. Pagbukas ay nakita niya ang limang kaibigan na neutral ang mga facial expression at tahimik na pumasok.
“There’s coffee, and tea, and some food. Thank you sa pagpunta. I really apprec –“
“Thanks, Lara,” putol ni Janine. “Why don’t we start now? Tutal, ilang buwan mo na pala kaming niloloko.”
“Ilang buwan? How about a year since you got that job?”
“Sino talaga itong lalaking kasama mo sa kasal, Lara?”
“Nakakagulat lang na biglang may nag-message na JL Aquino at nu'ng tingnan namin ang profile, he looked nothing like that JL we met at the wedding?”
“Pinagsabay mo talaga ang dakawa, Lara? What was wrong with you?”
“Ganyan ba talaga ang impluwensya sa iyo nina Frances at Martha May?”
“My God, Lara. Kilala mo kami, we could’ve helped you find a more decant job!”
She was hit by questions, accusations and judgment all at once. Para siyang na-corner at nitapido ng mga suntok, sipa at sampal.Naramdaman niya ang pagbabanta mg luha, ang pag-ahon ng galit dahil sa mga narinig, ang kagustuhang manumbat. Hindi niya alam kung gaano katagal na nakatitig lang siya sa mga kaibigan bago sa wakas ay nahanap ang boses.
She knew what she was going to say, she practiced saying them in her head, out loud in front of her housemates and even with Kino in the car earlier.
“I’m sorry, naging mahina at duwag ako, bukod sa desperada at insecure. I know, you all mean well when you constantly asked and nagged me about my job, and I shouldn’t have hidden things from you. Pero ganito kasi ang nangyari… “
Inumpisahan niya sa mga nangyari sa dati niyang trabaho, kung paanong may ilang taon na niyang napapansin na may mali; kung paanong mas nagkaroon lang siya ng pagkakataon na magmasid at mag-imbestiga nang ma-promote siya a year and a half prior to her resignation.Idinetalye niya sa mga kaibigan kung paano niya naipon ang sapat na impormasyong sumusuporta sa mga hinala niya kung paanong may mga kopya siya ng mga iyon na plano niyang i-turn over sa kung sinumang maaaring pagkatiwalaan anytime.
“I resigned, citing loss of confidence in the organization as my reason, na may dahilan para makumbinsi akong hindi na nila kayang panindigan ang mga advocacies at ipinaglalaban nila. I only got my final pay, and a clearance. Hindi nila ako binigyan ng recommendation at sinira din nila ang evaluation reports ko. Paano ako hahanap ng ibang trabaho? Aasa sa koneksyon? No,” Napailing siya.
Ikinuwento niya kung paanong habang nasa dating pinagtatrabahuhan ay nakilala sa isang event si JL, na sa unang date nila ng ex-boyfriend ay officially resigned na siya. “I told you when I resigned, remember? At kung paanong nakakuha ako ng online job a month later. Hindi ko lang nasabi kung ano eksakto, at kung paano.”
Nilinaw niya sa mga kaibigan na puro pagsusulat, pag-e-edit at pagsu-supetvise ng anim na remote video captioners lang ang trabaho niya, na kailanman ay hindi siya naging starring sa kahit anong video,Sinabi rin niya kung paanong nagalit si JL nang sa wakas ay ipagtapat niya dito kung ano ang trabaho.
“He said I was disgusting and immoral, and that I should find a more decent job. Yeah, right. Paano? Pinili kong gumawa ng tama nang komprontahin ko ang dati kong employer, pero ano ang napala ko?” bumuntung-hininga siya.
Ikinuwento niya kung paanong napapadalas ang pagtatalo nila ni JL, pero iniintindi niya ito at umasang eventually ay mas titibay sila. Pero hindi iyon nangyari.Lagi itong umiiwas makilala ang pamilya niya at mga kaibigan. “Alam ko, nagdududa kayo kung totoo siya, pero marami lang siyang excuses. Hanggang sa ayun, bumitaw na siya eventually…
“Yes, I saw the warning signs, pero nagpakatanga ako at inintindi siya dahil naroon din ang takot na baka wala na ‘kong makilala, o wala nang dumating. Anyway…” ang mga pangyayari noong kasal ni Janine naman ang ikinuwento niya, at doon na niya hindi napigilan ang emosyon.
Inamin niya ang pagkakamali, no excuses. Inako niya ang responsibilidad, hindi siya nagpaawa.Ipinagtapat niya ang mga insecurity, ang pag-aalinlangan at takot, kung paanong masyado siyang na-overwhelm ng guilt na hindi niya alam kung paano o saan mag-uumpisang magtapat.
Humingi siya ng tawad sa mga kaibigan, ng pang-unawa kahit alam nyang mahirap iyong ibigay. All the while as she spoke, her frends just looked at her. Occasionally, they would look at each other but mostly, she was grateful that they listened.
Pagkatapos ng mga sinabi niya ay tahimik lang ang lahat, walang nagtanong o nanumbat. Tahimik na inubos ng mga ito ang kinuhang inumin at pagkain, pagkatapos ay halos sabay-sabay na tumayo.
“We’re going, isiningit lang talaga namin ito.” Umpisa ni Janine bago sumunod ang iba na nagbigay ng kani-kaniyang excuse at halos hindi siya matingnan.
Hindi makapaniwalang nakamasid lang siya sa mga ito habang palabas. “I-I… um,” hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ganu'n lang? “W-wala ba kayong sasabihin… or tanong?”
“Na-cover mo na lahat. Sobrang detalyado nga, eh.”
“Ano pa ba'ng sasabihin namin? Okay na, Lara.”
Ibinukas na ni Andrei ang pinto, at magkakasunod na lumabas ang mga ito.
“Oh, okay, um… kailan tayo… w-well, text me na lang kung kailan uli tayo magkikita, ha. Or sa group chat?” she asked hopefully, as she stood by the door.
Walang lumingon, dere-derecho ang lahat sa elevator. Sumunod siya. “S-sorry, nawala sa isip ko. Pero nandito rin si Kino, I promised him that I’d intro –”
“Next time, we’re busy.” Myrtle cut her off, as they stepped inside an elevator Humabol pa rin siya pero pasara na ang pinto, at wala sinuman sa mga kaibigan ang tumingin uli sa kanya.
Sapat na iyon para malaman niyang hindi pa sigurado ang ‘next time'.
“Lara? What happened?”
Napabaling siya sa kaliwa. Lakad-takbo sa carpeted hallway si Kino, nag-aalalang nakatingin sa kanya.
Huminga siya ng malalim. “Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin,” nagsimula siyang mabilis na maglakad pabalik sa suite. “Umalis na sila. May iba pa silang lakad, eh.” ini-slide niya ang keycard at si Kino ang nagtulak pabukas ng pinto.
“Lahat sila?” nakakunot ang noong tanong ni Kino nang nasa sala na sila.
“Yup,” tumango siya at kinuha ang cellphone mula sa coffee table at inilagay iyon sa tote bag na nasa couch. Nagsalin siya ng tsaa at uminom. “Tea?” alok niya kay Kino, na umiling lang.
“Lara, what happened?”
Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang bag at isinabit sa isang balikat. Medyo nanginig ang mga daliri niya nang marahang isuklay iyon sa buhok. “We’re going, right? Makakauwi pa ‘ko sa Bulacan. Ite-text ko ang ate ko na sunduin ako sa bus stop. Baka Monday afternoon na ‘ko bumalik. Ano'ng gusto mong pasakubong? Chicharon? Pastillas? Masar –”
“Lara,” hinawakan siya ni Kino sa magkabilang balikat.
Sinalubong niya ang tingin nito. No more hiding. No more lies, Lara.“Alam na nilang lahat, Kino,” malungkot na sabi niya. “At hindi ko alam kung kailan ko sila uli makikita… m-maybe pag gusto na nila? I-I guess I deserve that, right?”
Napakurap ito, ilang segundong minasdan siya, bago siya niyakap. “Maybe… pero nandito pa rin ako. At sina Frances, and Martha May, even Yella. And I’m sure they’ll agree that you’re still, and will always be worth it.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...