Unang nakita ni Kino almost an hour ago ang itim na Fortuner sa Magallanes, nang sumubok itong tumawid sa intersection kahit red light pa. Nauuna sana ito sa kanya pero dahil nagpasaway ay nalampasan niya nang magpalit ang ilaw.Napansin lang niya uling pareho pala sila ng puuntahan nang papasok na siya sa hotel grounds, at may isang kotse ang pagitan nila.
Usually, wala sana siyang pakialam but the damn car wheezed by him almost as soon as he eased onto his slot. Gahibla na lang siguro at nagkagasgasan na sila.
Asshole on wheels,he thought, shaking his head. Hindi muna siya bumaba ng sasakyan para maglakad papunta sa katabing mall ng hotel, na karaniwan niyang ginagawa habang hinihintay na matapos ang shift ng kapatid sa kitchen ng Asian fusion restaurant doon, lalo pa ngayong araw na may event at baka mas magtagal ito.
Sa halip na pumunta agad sa mall ay naghintay muna siya sa loob ng sasakyan niya, para antabayanan ang pagbaba ng kung sinuman ang pasaway na driver ng Fortuner.
No, wala siyang planong sitahin ito. Pero gusto niyang makita ang itsura para gawing visual inspiration para sa dine-develop nilang bagong online game. Gagawin niya itong halimaw.
Yep, seryoso. Bilang head game designer sa isang kumpanyang gumagawa ng online games at apps para sa mobile devices, alerto siya lagi sa anumang maaring source ng inspiration, na kadalasan ay ginagawa niyang kontrabida.So far, corrupt and incompetent senators, narcopoliticians and rich, obnoxious traffic violators have been turned into rotten fruit and shit monsters.
Inilabas niya ang tablet at stylus, handa na para ilista ang detalye ng makikita pero sa halip na maangas na nilalang ay paalis muli ang sasakyan, na huminto sa harap ng kung saan siya naka-park.Bumukas ang pinto sa front passenger side at halos tumalon ang isang babaeng nakasuot ng mahabang indigo dress na may slit sa kanang bahagi.
He couldn't help noticing her long, toned legs and the subtle grace in the way she got off the vehicle. Halos kasabay ng pagbaba nito ay ang pagsibad agad ng sasakyan, dahilan para bumuway ang babae.
Hindi siya makapaniwala sa nakita. What the hell was that? Gusto niyang bumaba ng sasakyan pero napako ang tingin niya sa babaeng ilang segundong inihatid ng tingin ang umalis bago hinubad ang mga saoatos at ibinato iyon.Tumama yata sa Fortuner ang isa, habang ang kapares ay tumalsik at nag-landing sa harap ng auto niya, bagay na hindi na napansin ng babaeng nanginginig ang mga balikat at parang nanghihinang naglakad at naupo sa plant box.
It was a devastating sight, and it brought back memories of his own heartbreak. Sa frustration at galit ay literal na nanira at nanakit pa siya noon.
Marahas siyang umiling. No, that was over a fucking year ago. Ayaw na niyang isipin. Pero hindi rin niya matagalang makakita ng ganito, kung sa kapatid niya ito nangyari at na-witness niya ay baka mambugbog pa siya.
Bumuntung-hininga siya at kinuha ang kahon ng tissue sa dashboard, at inabot ang pakete ng wet wipes sa gym bag niya sa backseat. Ibinulsa niya ang mga susi at bumaba na ng sasakyan.May nakita siyang palapit na guwardiya na mukhang pupuntahan din ang babae, pero sinalubong niya ito, inabutan ng ilang hundred peso bills at nagpakuha ng diyaryo.
“Kakausapin ko muna, boss, bago ihatid sa loob,” nakangiting sabi niya nang bumalik ang guard bitbit ang dyaryo, kilala na siya nito dahil dalawang buwan na niyang sinusundo doon tuwing Sabado ang kapatid.
Nag-umpisa ang kaba niya nang pulutin ang mga sapatos, dahil napatingin sa kanya ang babae. Basa ng luha ang mga mata at pisngi na dinadampian nito ng mga daliri. Inaasahan niyang sisitahin nito pero tahimik lang na nakanasid. Nang palapit na siya ay saka umatake ang ‘sakit’ niya pag ninenerbiyos.
Nagiging madaldal siya, Parang ewan, kung anu-ano ang sinasabi. Dama niyang nag-iinit ang leeg at pisngi pero hindi niya mapigilan ang sarili. The woman just stared at him.
He was sure she thought he's weird. He was ready to be told to go away. Instead, she quietly took the tissue box and wet wipes and told him she's fine.
Walang pakialam na suminga ito aa harap niya. Hindi siya pinaalis. Nakatitig lang nang latagan niya ng dyaryo ang paanan nito, hindi nagalit nang tabihan niya.
At patuloy siyang tinitigan. Lalo siyang natensyon, kaya bumuka muli ang bibig niya at nagsimulang magsalita pero this time ay pinutol iyon ng babae ng tanong.
“May girlfriend ka na ba? Asawa?”
Napakurap siya. Ano daw? Bakit ganoon ang tanong nito?
“May idine-date? May pinapaasa?”
Napatitig din siya sa katabi. Seryoso ito sa tanong, at hindi pa rin maitatago ang sakit at lungkot sa mga mata, na may halong pag-aalala. “Walang girlfriend o asawa. Walang idine-date, at kahit kailan, hindi ako nagpaasa,” napangiti siya. “Are you sure you’re okay? Kailangan mo ba ng tulong diyan sa –“
“Kaya ko na, salamat,” nag-iwas ito ng tingin at sinimulang alisin ang alikabok at buhangin sa mga paa gamit ang wet wipes at tissue. Pinunasan din nito ang mga sapatos bago iyon isinuot. “Seryoso ako sa tanong ko, by the way. I just had to know for sure, bago kita ipahamak.”
Tumango siya, kahit hindi sigurado kung naiintindihan ang sinabi ng katabi.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...