“It's true, though. At seryoso si Martha May,”
Napatingin si Kino kay Lara na nakatitig sa tanawin sa harap nila habang umiinom ng ice blended fruit wine. Tig-isa sila ng medium size cup, na dinala nila sa sasakyan para ilipat iyon sa look-out point sa dulo ng village park, ang pataas na bahagi na boundary na ng Marikina.Itinaas niya ang rear door ng kanyang sasakyan at doon sa likod sila naupo ni Lara, kung saan kita ang ilan pang bahagi ng Quezon City at ang Ortigas Skyline.
Like a sea of smog and city lights. Could’ve been an interesting sjght but the woman beside him was far more captivating.
“Kino…” tawag ni Lara, bago bumuntung-hininga. “Naalala mo ‘yung kinuwento ko sa iyo kung bakit ako nag-resign sa first job ko sa NGO?”
Nangunot ang noo niya. Dating writer at communications manager si Lara sa isang international organization na may malaking opisina sa bansa. Bumitaw ito sa trabaho nang matuklasan na ang ilan sa malalaking sponsor nito ay mga drug lords at smugglers, na protektado ng malalaking politiko dahil campaign contributor ang naturang mga sindikato. Kabilang sa mga politikong iyon ay ang senadora na boss ng ex-boyfriend nito.
Kabilang din daw ang issue na iyon sa madalas pagtalunan nina Lara at ni JL Aquino, at pinili ni Lara na hintaying makita ng lalaki na totoo ang sinasabi niya tungkol sa boss nito, na hindi nangyari dahil naghiwalay na ang dalawa.
“Yes? What about it?” bigla siyang nag-alala. “Ginugulo ka ba niya?”
Umiling ito. “No, hindi naman,” napabuga ito ng hangin. “See, ang hirap humanap ng trabaho pagkatapos kong mag-resign. Hindi ako binigyan ng recommendations at sinira nila ang evaluation reports ko… and I badly needed a job then. Kailangan kong suportahan ang sarili ko at tumutulong din ako sa pamilya ko.” Tumingin ito sa kanya.
Kinabahan siya. Wala siyang ideya kung saan papunta ang usapang ito pero hindi niya gusto ang nakikitang pag-aalala, lungkot at takot sa mga mata ni Lara. “Pero nakahanap ka ng trabaho, di ba? You said it pays well, and within a year ay marami ka nang nagawa, at naitulong sa pamilya mo.”
“Yeah," tumango ito bago inalog ang cup at uminom. “Ang alam ng karamihan, ng pamilya at mga kaibigan ko, writer at content developer ako sa isang website na nakabase sa LA… na may sinu-supervise ako na team ng mga video captioners, na totoo naman.” Ibinaba nito sa tabi ang cup at inilabas ang cellphone mula sa bulsa ng suot na jacket.
Napainom na rin siya. “And that’s a decent job, Lara.”
Umarko ang isang kilay nito. “Depende siguro sa definition mo ng decent. Hindi ako nagnanakaw o nagbebenta ng drugs. Hindi ako incompetent o corrupt na public official. Wala akong sinasaktang tao…” she began to tinker with her phone.
Minasdan lang niya ito.
“Kino, you’ve met Frances, right? Pamilyar ba siya sa iyo?” tanong ni Lara, hindi tumitingin sa kanya.
“Of course, spokesperson siya at chief information officer ng Department of Communications and Information Technology.” Sagot niya.
Tuloy sa pagta-tap sa cellphone nito si Lara. “And you met Martha May earlirr,”
“A successful entrepreneur, cool and funny,”
Bumaling uli sa kanya si Lara. “Do you not recognize them, Kino? I mean, hindi mo ba sila nakita sa ibang… paraan? Platform? Website?”
Nakatingin lang siya sa katabi, iniisip kung ano ang gusto nitong sabihin.
“I won’t judge, Kino. Wala akong karapatan.”
He stared at her. “I knew Frances used to be a model for an adult website. As in model… um,… lingerie and… nude calendars shot in beautiful beaches…” he winced.
“Okay lang, Kino. At ‘yun lang talaga ang ginawa ni Frances to support herself and her younger siblings through school,” malungkot na ngumiti io. “Hindi siya gumawa ng porn videos or movies, unlike Martha May…”
Napakurap siya. “P-porn star si Martha May?”
Mahinang natawa ito. “Yes. Pero baka hindi ka pa curious manood nu'ng time na naging active siya. She’s thirty-five now, ang tagal na nu'ng mag-stop siya, twelve years yata. I’m twenty-seven, you’re twenty-nine – so maybe… her voice trailed off, perhaps she realized that she’s been rambling.
While he’s beginning to worry. “Lara, ano talaga ‘yung –”
“Frances and JMartha were the ones who helped me, okay? Sila ang nagbigay sa akin ng trabaho.” Sa wakas ay nasabi ni Lara.
Napunta yata sa bituka ang puso niya. “Lara… what –”
“No, hindi ako model o porn star, Kino,” napailing ito bago iniabot sa kanya ang cellphone. “Basahin mo ‘yan.”
Takang sumunod siya. It was a… story? No, a synopsis, a detailed, no wait – expliciit description of how a woman who suspected her boyfriend of having an affair with his secretary, decided to drop by unannounced in his office. She planned to confront them but ended up in a threesome with –
“Scroll up for the movie poster.”
Hindi na niya tinapos ang may kahabaang synopsis. Nag-scroll up siya para tingnan ang poster na nang makita ay muntik na niyang mabitawan ang cellphone. Ang nasa poster ay ang tatlong nabanggit sa binasa niya, in an elaborate menage a trois.
“Ako ang sumulat niyan, at ng iba pang synopsis para sa mga full-length movies, o description para sa mga mas maiikling video. I basically watch porn and write porn for a living, Kino. At ‘yung team na sinu-supervise ko? Mga homebased porn video captioners iyon para sa mga hearing-impaired.”
Ibinalik niya kay Lara ang cellphone, nakatitig lang siya sa babae na derecho ang tingin sa tanawin sa harap nila. Inalog nito uli ang cup bago inubos ang laman niyon.
“I had no idea such a job existed, at hindi ko rin naisip na may makikilalang iyon mismo anv trabaho.” Sa wakas ay nasabi niya, nauunawaan na ngayon ang mga pag-aalinlangan ni Lara.
“Ako din, walang alam na may ganito pala,” mahinang sagot nito.
“Kakaiba, pero cool,” napangiti siya.
“Cool?” bumaling ang tingin sa kanya ni Lara. “Seryoso?”
He arched a brow. “What? Cool naman talaga. Hindi ko nga alam na nag-e-exist pala talaga ang ganyang trabaho.”
“At least,,with where I work for – SteelXVelvet. Ayaw nga nilang matawag na porn site, mas gusto nilang tawagin na ‘adult entertainment site' or ‘online erotic resource hub'. Martha May got me the job kasi fiancee niya ang CEO na bow sa lahat ng creative suggestions nya.” Medyo nakangiti nang kuwento ni Lara.
“Still, your family doesn't know that's where you work, exactly. Pati mga long-time friends mo…”
“Yeah,” tumango ito. “Ang alam lang nila, I'm with a PR and Branding company called Brainstorm Media, kasi ‘yun ang naka-register na main business ni Preston, ‘yung CEO. Under nu'n ang SteelXVelvet at Red Pages, na nagpa-publish naman ng erotic novels na ginagawang movies.”
“At nako-konsensya ka na you're not being completely honest with them?”
“Oo naman, hindi ako sanay na may itinatago sa pamilya ko. Alam nga nila na naging kami ni JL at laging sinasabi sa akin na isama ko sa bahay namin sa San Miguel. Hindi ko masabi na ayaw ni JL, hanggang sa naghiwalay nga kami at ang sinabi kong dahilan ay wala kaming time sa isa't isa. My parents have been through so much, they did all they can to make sure we'd all finish school. Nitong nakaraang mga taon pa lang sila nakakaranas ng mas maayos na buhay kahit nagiging sakitin na sila. Ayoko nang bigyan sila ng alalahanin by telling them the whole truth about my job which they won't understand.
“And my friends…” bumuntung-hininga ito. “They’re good people, Kino. Alam kong masa-shock sila sa umpisa pero maiintindihan nila ang choices ko. Nasa akin ang problema, I guess. ‘Yung pride ko at ‘yung takot na husgahan ako, na naiintindihan ko naman.”
“Hindi tama na palagi nating intindihin at makasanayan ang maling perception ng iba, Lara.” Hinuli niya ang kamay nito. “I still think your job is cool. Mas cool kesa trabaho ko.”
Napailing ito. “I’d have to tell my friends soon, pati na ‘yung ginawa natin sa kasal. Ayokong sabihin sa group chat, gusto ko, harapan. Pero ang hirap nilang hagilapin.”
“Pray for it, pray for them to give you time, and when it happens, pray that you'll be really ready.” He twined his fingers with hers and pulled her closer.
Ilang segundong nakatitig lang sa kanya si Lara, bago ngumiti. “I am doing that, Kino. Thank you,” inilapit nito ang mukha at magaang na hinagkan siya sa labi. “Now, I'm not sure why I kissed you when we –“
“I prayed for it, too. Ngayon lang,” makahulugan ang ngiting sagot niya, kumakabog ang dibdib.
Napalunok ito. “P-parang hindi tama kasi hindi pa… hindi pa tayo?”
He bit his lip. “Ah, hindi pa ba?”
“Hindi pa sa ngayon, marami pa ‘kong dapat ayusin, Kino –“
“But you like kissing me?”
She smiled sheepishly.
“Consider this as an advance, then.” He murmured against her soft, sweet lips before he kissed her, as his heart pounded against his chest and his blood rushed through his veins.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...