Taking Things Slow

130 12 0
                                    

Kayo na ba ni kuya? Ang dalas na'ng ilang araw per week na hindi namin siya nakakasama for dinner, ha.

Napangiti siya sa nabasang text message ni Yella. Naglalakad na siya sa hallway ng hotel papunta sa lobby nang mag-vibrate ang cellphone at iyon agad ang message na bumungad sa kanya.

Nope, hindi kami…. Napahinto siya sandali sa pagre-reply. Nag-iinit ang pisngi niya at may kiliting gumgapang sa kanyang likod maisip pa lang ang konseptong iyon.

Sila ni Kino. Together. Officially.

They have not really talked about it since that afternoon she met her friends.

Nalulungkot pa rin siya sa tuwing maiisip ang pag-iwas sa kanya ngayon ng mga kaibigan. Through her pain and sadness, Kino was around to remind her that even if some chose to leave, hopefully just temporarily – there are still those who wanted to stay.

Binalikan niya ang tina-type, pero muling may pumasok na message. Si Yella ulit: Bakit hindi pa kayo? Saktong three months and two weeks na since you two met?

Napangiwi siya nang mapagtantong nai-send niya ang message kanina. We're taking it slow, Yella, sagot na lang niya sa kapatid ni Kino.

Slow? You obviously like each other. Ang saya ng kuya ko simula nang magkakilala kayo.

He literally lights up, Lara. Mukha syang ewan, but we like seeing him like that. Thank you.

Nakatitig lang siya sa screen, ramdam ang parang mainit na haplos sa kanyang puso dahil sa nabasa.

Pagkatapos ng mga nangyari nitong mga nakalipas na buwan, gusto niya ang pakiramdam, at ang kumpirmasyon na may kakayahan pala siyang mapasaya ang iba.

Ang saya ko din, Yella. Dahil kay Kino, sagpt niya.

Ayun naman pala, then why not be happy together? Tanong uli ni Yella, in all caps.

Bakit ka ba nagmamadali? She eesponded with an eyeroll emoji.

Bakit ba ang tagal nyo? Three-month rule? Pakiramdaman?

You know what, may batch reunion sina kuya next month. Buong weekend ang party sa beach.

Tumaas ang kilay niya. Alam na niya ang kasunod na sasabihin ni Yella. Charmaine would definitely be there, and that she can’t be trusted.

Pero may tiwala siya kay Kino… wait! So what? They’re not together together. Ano'ng karaoatan niya na mag-alala? Na siguruhing hindi ito malalapitan ng ex nito?

Ayusin nyo ‘yan, para hindi ka na nagwo-worry.

Lara, alam kong may mga pinagdaanan ka din na hindi maganda at deserve mo na maging masaya.

Go for it! Grabe, bakit ako pa ang nagsasabi nito?

“Should I be jealous that someone had your undivided attention na hindi mo na napansin na nandito ako?”

Napapitlag siya, muntik mabitawan ang cellphone at napatingin kay Kino na ilang hakbang na lang ang layo sa kanya. “H-Hi,” automatic ang pagkabog ng dibdib niya, ang magkahalong excitement at saya sa tuwing makikita ito.

Umarko ang isang kilay ng lalaki. “Ready to see something on a computer screen other than naked people?”

Napakurap siya, bago natawa. Dadalhin siya ni Kino ngayon sa launch party ng limang bagong mobile games na ginawa ng Avalon GraFX, kung saan head game designer ito.

Sa isang events place sa tapat halos ng office building nito sa New Manila ang launch at doon sila pupunta ngayon.

“Yep, I’m ready to see a different kind of explosion,” nakangiting humawak siya sa braso nito.

Napaubo si Kino, parang nagulat sa sagot niya pero natawa. “Ready, huh?”

Tumango siya. “You heard me,” huminga siya ng malalim. Nasa isip pa niya ang mga sinabi ni Yella.

“Sino ‘yung ka-text mo?”

Napatingin siya kay Kino. Derecho ang tingin nito, may ngiti sa mga mata. His tone was light and curious.

No more lies, no more hiding. “Si Yella ang kausap ko.”

“Really? Ginugulo ka ba?”

Umiling siya. “Nope, may napag-usapan lang kami,”

Natahimik ito, hindi na muling nagtanong hanggang makarating sila sa sasakyan.

Habang nasa biyahe ay napunta na sa launch event ang usapan. Halata ang excitement ni Kino, pero sa mga pagkakataong pareho silang walang masabi ay ramdam ang tensyon sa pagitan nila.

It’s unnerving, and exhilarating at the same time. Sa bawat hindi sinasadyang pagdidikit ng kanilang mga balat ay pareho silang nagugulat.

They’re both hot literally, and each fleeting touch was electric.

They’ve done more than a fleeting contact – they’ve hugged and kissed, why was it somehow different now?

“We’re here,” narinig niyang sabi ni Kino nang ihinto nito ang sasakyan sa harap ng isang six-storey building. Nauna itong bumaba at umikot papunta sa passenger side para buksan ang pinto at alalayan siya.

“Thanks,” mahinang sabi niya habang nakahawak sa braso nito, Nakatitig lang sa kanya si Kino. Gusto niyang magtanong pero hindi alam kung paano mag-uumpisa.
“Um, Kino –

“Lara, I think –”

Sabay silang nagsalita, sabay ding napahinto at napatitig sa isa't isa. She bit her lower lip, he swallowed.

“We need to talk,” sa wakas ay nasabi nito.

“Yeah,” sang-ayon niya. “Later?”

Tumango ito. “Later.”

Beautiful Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon