“I love your job! Ang gagaling nyo! Parang gusto ko tuloy lumipat,” nagniningning ang mga matang sinulyapan siya ni Lara habang palabas sila ng events place. Hawak nito ang bawas nang bote ng wine at tin can ng chocolate cake na hindi pa nila nauubos.The launch party was a laid back, intimate set-up. Bukod sa mga empleyado ng Avalon GraFX ay may imbitado ring bloggers at kilalang game enthusiasts. Mga couch, beanbags at lounge chairs ang nagkalat sa venue at lahat ay nagkaroon ng pagkakataong subukan ang limang bagong game apps. Masarap ang mga pagkain at inuming padala ng mga sponsors na nay ad placements. Puro positibo din anc initial review and his boss, Jakob, looked happy and satisfied.
“Ayaw mo na talaga ng porn?” nakangising mahinang tanong niya kay Lara.
“Nakakaumay na ang pinaggagawa ng mga taong hubad. Nakaka-frustrate pa pag ang tagal nilang mag-climax, alam mo ‘yon? Sana parang game na puwede kong kontrolin kung –”
“What the hell are you guys talking about?” nakakunot ang noong tanong ni Jakob na halos kasabay pala nilang naglalakad pabalik sa Avalon building.
Nauuna sa kanila ang apat pang tauhan na may dalang mga gamit. Bitbit ng guwapong CEO ang isang kahon at ilang kable, habang isang mamahaling gaming laptop naman ang dala ni Kino, na natawa.
“Games and porn, Sir Jakob,” sagot ni Lara. “May opening ba kayo? Puwede pang mag-apply?”
Matamang napatingin sa kanila si Jakob nang nasa harap na sila ng service elevator. “Balita ko maganda daw ang pasweldo sa iyo ng current employer mo. We might not be able to afford you,” nangingiting naiiling na pinindot nito ang mga numero sa digital panel para bumukas ang elevator.
May naghihintay nang cart doon kung saan inilagay ng ibang kasama nila ang ibang mga gamit, at silang tatlo lang ang pumasok.
Huminto sa fifth floor ang elevator, kung saan silang dakawa lang ni Lara ang lumabas kasama ang mga gamit na dinala niya sa conference room. “Jakob lives on the sixth floor,” sagot niya sa nagtatanong na tingin ni Lara na abala sa pagkain ng cake.
“Ang bagal mo namang umubos, kanina pa ‘yan, ah.” Nakangiting iginiya niya to sa hallway papunta sa opisina nya. Kailangan niyang daanan ang ilang gamit at trabahong iuuwi this weekend.
“I’m savoring it. Sarap, eh. Tinatandaan ko din ang lasa at texture ng bawat layer, susubukan kong gawin sa bahay,” sagot nito na nagpangiti sa kanya.
Just a few minutes more, then they’ll go somewhere and talk. Mabilis ang mga kilos niya, mula sa pagswitch-on ng corner lights pagpasok ng kuwarto hanggang sa oag-aayos ng mga dadalhing gamit sa isang backpack. Ramdam niyang nakamasid si Lara na sumandal sa gilid ng mesa at inilapag doon ang wine bago itinuloy ang pagkain.
“I’ll just wash up,” paalam niya bago pumunta sa kalapit na restroom. He was getting more tense by the second, as he became too aware of Lara's eyes on him, watching his every move.
Ilang butil lang yata ang alikabok na kumapit sa kamay niya pero para siyang magsasagawa ng brain surgery kung maghugas ng kamay.
He took deep breaths as he dried his hands, then went back to his desk to get his bag.
“Saan mo gustong pumunta? Do you want more midnight snacks? Coffee? Tea?” tanong niya kay Lara na noon ay nakalapit na sa bintana ng desk at nakamasid sa tanawin sa kabas – ang pool area at garden ng katabi nilang mid-rise residential complex.
“Bakit hindi na lang tayo dito mag-usap, Kino?” tumingin ito sa kanya sabay alok ng hawak na tin can.
Napakurap siya, ilang sandaling nakamasid dito bago kinakabahang lumapit. “Okay,” he breathed as he took the container and fork from her. Kumuha siya ng malaking piraso at isinubo iyon, pagkatapos ay inabot ang bote ng wine.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...