Hello, my dears! Please kailangan nating magkita. Kahit ilang oras lang sana.Puwedeng brunch, or lunch time lang, or just coffee/tea. Dinner? Kahit two or three hours lang, please.
Ako ang bahala sa lahat, pumunta lang kayo. Pati transpo. I just really need to talk to all of you.
Pili kayo between Ortigas or Makati area para fair ang travel time. Let me know. Reply here or text me. Thanks. I love you all. Sana love nyo pa rin ako after we talk.
Saktong twenty-four hours na simula nang i-post niya sa group chat nila ang message na iyon pero wala pa ring reply mula sa mga kaibigan. Seenzoned siya ng lahat, at kanina pa siya nakatitig sa screen ng cellphone na parang may magic na magaganap para sumagot ang mga ito.
Nag-text na rin siya at tumawag sa mga kaibigan pero walang reply at puro ring lang. Ganoon ha kayo ka-busy?
Miyerkules na ng hapon. Kanina ay nagpa-reserve na siya ng junior suite sa tig-isang hotel sa Ortigas at Makati, kung saan man ang mapagkakasunduang lugar ng mga kaibigan. Sa bawat lumipas na oras na hindi sumasagot ang mga ito ay kinakabahan siya.Paano kung nauna na si JL na i-message ang mga ito? Her ex knew her friends' names dahil may digital copy ito ng invitation sa kasal ni Janine two months ago. Ilang araw na simula ang gulong ginawa ni JL sa charity ball at nag-aalala siyang gagawa ito ng paraan para makaganti.
“Lara Belle,” malanding tawag sa kanya ng kung sino na sinundan ng tatlong katok sa pinto. Pag-angat ng tingin ay nakita niyang makahulugan ang ngiti ni Martha May na nakayakap sa braso ni Kino. “Tingnan mo ‘tong nadampot kong pakalat-kalat sa labas,” inihimas pa nito ang isang kamay sa dibdib ng binata na alanganin ang ngiti at namumutla na.
Natawa siya, sandaling nakalimutan ang dilemma. “Bitawan mo na, teh! Ako na'ng bahala dyan,” tumayo siya at sinimulang iligpit ang mga gamit.
“Ikaw na'ng bahala? Okay, you know there’s a box of condoms in every drawer. Enjoy!” Martha May mouthed a kiss before she gently pushed Kino towards her desk. Ito na rin ang nagsara ng pinto.
Parang noon lang nakahinga si Kino na ngayon ay namumula naman. “Hi,” mahinang hati nito, parang ipinako sa kinatatayuan.Halata ang kaba nito habang inililibot ang tingin sa malawak na opisina na first time nitong napuntahan.
The sleek, minimalist interior betrayed the fact that its owner was involved in a business that was still frowned upon by society. Ang malaking desk ni Martha ang nasa isang side, nasa likod ang bay window na may view ng garden at pool area ng hotel.
May corner bookshelf at mini-gallery ng mga boudoir shots ni Martha May sa kanan, at ang maliit na hallway na papunta sa restroom sa kaliwa. Sa tapat ng desk niya ay ang malaking L-shaped couch, at coffee table na may mga basket ng samu't saring candies at chocolates.On her right was the mini-pantry, on her left was another bookshelf. L-shaped ang mesa niya na may malaking desk top computer monitor na naka-sleep mode ang screen at laptop na nakasara na.
“Nice… office,” he breathed as he finally met her eyes again. Sandaling parang nahiya pa ito bago siya nilapitan at hinagkan sa pisngi.“You okay?” tanong ni Kino paglayo.
Bumuntung-hininga siya. “Wala pang nagre-reply,” inipon niya ang ilang resibo at hinila pabukas ang drawer para kumuha ng paper clip. Ang isa sa unang makikita doon ay ang makulay na kahon ng condoms na halatang nabawasan na. Kinagat niya ang dila para pigilang matawa dahil nakatitig doon si Kino.
“Wow, totoo nga,” natatawa na ring komento nito.
“Kuha ka -- extra strength, ultra-thin, one size fits all ‘yan. Salted caramel flavor,” she grinned as she continued tidying up her table.Sa mabilis na paggalaw ng kamay ay nasagi niya ang mouse, dahilan para mabuhay uli ang screen at lumitaw doon ang eksena sa pinapanood niya kanina: A beautiful couple having passionate, wild sex on top of a huge office desk, with most of their clothes still on.
Buti na lang at naka-plug in pa ang headphones kaya hindi dinig ang sound.
“Well, uh, that’s… interesting,” napapangiwing sabi ni Kino, dahilan para tuluyan na siyang matawa.
“And crazy! Good luck sa mga joints nila! Tingnan mo, parang ang tigas nu'ng table. At hindi man lang sila nag-alis ng shoes!” naiiling na kumuha siya ng ilang foil ng condom, hinagip ang kamay ni Kino at inilagay iyon doon. “Souvenir. Ikaw pa lang ang nakapasok dito na hindi empleyado ng hotel o ng SteelXVelvet,” isinara niya ang drawer at ini-lock iyon. Pagkatapos ay ang computer naman ang hinarap. Close window. Exit. Turn Off, Shutdown.
“I’ve never had a girl give me condoms before,” naiiling na inilagay ni Kino sa bulsa ng jacket ang mga foil packets. “Let’s go?” hinagip nito ang kamay niya at sabay na silang lumabas.
Hawak pa rin niya ang cellphone na kahit naka-vibrate mode naman ay sinisilip pa rin niya ang screen.
“Midweek pa lang, baka busy pa sila. Don’t worry, at least, nai-ready mo na ang posibleng venue.” Pinisil ni Kino ang kamay niya bago iyon itinaas at hinagkan.
Napatingin siya dito. Kalalabas pa lang nila ng hallway at nasa lobby na ng hotel. Medyo nakakapanibago na may lalaking ganito siya hawakan at tingnan ngayon, na sa kabila ng paraan ng pagkakilala nila, sa kabila ng mga ipinagawa niya dito at sa mga ipinagtapat niya tungkol sa sarili ay nanatili ito sa buhay niya.
Maiintindihan niya kung iiwas ito at lalayo. Hindi lahat ay gugustuhing ma-involve sa isang may mga itinatago. Walang basta makakaintindi sa isang pinili ang magsinungaling, ano man ang intensiyon.Hindi sasama ang loob niya kung sakaling sabihin ni Kino isang araw na na-realize nitong hindi pala nito kaya na patuloy siyang intindihin at suportahan.
Alam niyang hindi siya masamang tao – pero sa mundong puno ng stress at mailap ang peace of mind, naiintindihan niya ang kagustuhan ng iba na pakawalan na lang ang ibang tao.
“What?” Kino gently pulled her arm. “Talk to me, Lara.”
“Bakit nandito ka pa rin, Kino?” she quietly asked. “I mean, with me?”
Umangat ang isang kilay nito. “Dahil gusto ko, at dahil gusto kita. Maybe more, but I’m not going to tell you what that means yet, kasi gusto ko pa ring maghintay hanggang sa sigurado ako na hindi na ako rebound guy mo lang,” huminga ito ng malalim. “I know, we’ve kissed, and if I had my way, that shouldn’t have happened because that goes against what I just said but do you know how difficult it is to resist you?”
“Pero ako naman ang nag-umpisa,” kinagat niya ang labi. “So, don’t feel bad,”
“Why did you kiss me?” may paghahamong tanong nito.
“Do you know how difficult it is to resist you?” hindi na niya napigilan ang ngiti, at alam niyang hindi iyon umabot sa mga mata.Agad iyong napansin ni Kino na marahang hinila siya paiwas sa daanan. “Lara, bakit mo talaga ako tinitingnan na parang aalis ka at hindi na uli magpapakita?”
Napakurap siya. “Ganoon ba ang itsura ko?”
“I’ve known you for over two months and it’s quite clear that even if you feel so bad about lying, you’ll never be good at it. Ang transparent mo, madali kang ma-konsensya, hirap kang itago ang nararamdaan mo. You asked me why I’m still here, Lara, like you don’t deserve to have anyone stay in your life. Like nobody would want to be with you. But I do.”
Hindi na niya napigilan ang pamamasa ng mga mata. “Bakit nga kasi, Kino?” nabasag na ang boses niya.
“Sssshhh,” he leaned in to dab the pad of his thumb around her eyes.
Pinalis niya ang kamay nito at siya na ang nagpunas ng luha. Nakita niyang ipinasok ni Kino ang kamay sa bulsa ng jacket at nagtagal doon. Takang minasdan niya dito.
“Why? Kasi binigyan mo ‘ko ng condoms. Pito pa. What were ypu really thinking, Lara Belle?” he grinned, then pulled her closer to kiss the top of her head. “Kung gusto mo talagang malaman, I will tell you ever dinner. Palalakihin natin ‘yang ego mo hanggang sa hindi mo na pagdudahan ang sarili mo.”
“You’re as crazy as that couple who had sex on top of an office table,” tinampal niya ito sa dibdib.
“Doon mo talaga ako ikinumpara? Are you trying to tell !me someth –”
“Wait!” lumayo siya dito at tiningnan ang screen ng cellphone na biglang nag-vibrate.May text mula kay Lizette:
We got your message, and we’ve been talking about it…
Parang ayaw niyang ituloy ang pagbabasa. They’ve been talking about it? About her? May sariling usapan ang mga ito na hindi siya kasali? What’s going on?
“Lara, what is it?” nag-aalalang tanong ni Kino.
Noon niya naramdamang pumapatak na pala uli ang luha niya. Itinuloy niya ang pagbabasa ng message:
Fine, Lara. Mag-usap tayong lahat. You sound desoerate. Ortigas area, 2 pm. Just tell us where and we will be there.
Nanginginig ang kamay niya nang mag-reply ng ‘Okay, this Saturday at 2 pm, Ortigas. M City Hotel, Suite 1004. See you. Thanks.’ Bago inilagay sa bag ang cellphone.
Huminga siya ng malalim at pilit isinantabi ang pag-aalala at takot, pero hindi rin niya napigilan ang pagkawala ng luha nang muling hilahin ni Kino at yakapin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
Художественная прозаNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...