Napapitlag siya nang maramdaman ang magaang na pagdantay ng kamay ni ‘JL’ sa likod niya pagpasok at paglampas nila sa guard sa side entrance ng hotel. Mukhang nagulat din ito at agad iyong binawi.
“Sorry, I-I didn’t know…” namula ito.
“Okay lang, nakalimutan ko rin na medyo backless ‘to,” inilapit niya ang mukha dito nang sumagot, in case may kakilala silang pagala-gala sa hotel. Pagkakuha ng dala nitong bagong dry clran na coat sa sasakyan ay iginiya siya mg binata sa side entrance dahil malapit daw iyon sa restrooms na hindi gaanong dinadayo ng mga bisita.
And yep, he had a formal coat with him.
Puwede na sa kasalan ang suot nito pero dahil daw isa itong 'kagalang-galang na chief-of-staff sa Senado' ay kailangang mas presentable ito.
“I don’t even like the senator your ex works for, or most senators for that matter,” napangiwi ito nang banggitin niya kung kaninong senador nagtatrabaho ang tunay na JL. Involved kasi ang naturang politiko sa pagkamkam ng multi-billion peso benefits sa universal health care provider ng bansa.
“I know, hindi ko rin siya gusto.” sang-ayon niya. “Salamat talaga. I owe you big time.”
“Ssshh, stop saying that. You don't owe me anything. Hindi ko pa nagagawa ang ganito, ako dapat ang magpasalamat dahil biglang nagkaroon ng twist ang boring na Sabado ko.”
His stunning light brown eyes sparkled when he said that. Mukhang excited talaga si ‘JL’ sa gagawin nila. Nag-aalala pa itong baka hindi daw appropriate sa okasyon ang itsura nito. Was he kidding? He is gorgeous, in a slightly geeky way. Malayo sa itsura ng ex niyang clean-cut na feeling smart.
No, hjndi na niya dapat iniisip ang walanghiyang iyon! Inilabas niya mula sa clutch ang cellphone habang nilalakad nila ang tahimik na hallway papunta sa restrooms. Hinanap niya ang number ni JL Aquino para burahin.
“Ano ‘yan?” tanong ng kasama niya, inilapit pa ang bibig sa gilid ng mukha niya.
Saglit siyang napapikit nang maramdaman ang tila pagkiliti sa kanyang tiyan dahil doon.. ‘JL’ spoke in this low, whisper-y, seductive voice that sent shivers up her spine. Ang bango pa nito!
“May binubura lang ako sa buhay ko,” mahinang sagot niya bago inalis ang number ng ex boyfriend sa phonebook niya. Pumunta din siya sa Messaging app at binura ang thread nila doon. Goodbye, asshole!
“Pati sa email at social media accouts, alisin mo rin,” bulong muli ni ‘JL’.
Napatingin siya dito, napangiti siya nang makitang igjnagalaw-galaw pa nito ang mga kilay. His lips were curved in a conspiratorial smile. “Definitely!” sagot niya bago nag-delete, nag-unfriend at nag-unfollow.
“Pictures nyo? Baka nasa Gallery mo pa,” hinawakan ni ‘JL’ ang braso niya. Nasa tapat na pala sila ng pinto ng mga restroom.
Binuksan niya ang Gallery. May isang album doon ng stolen shots niya kay JL Aquino, na agad niyang binura. May isa pang album ng mga picture nila na magkasama. Pito lang ang laman niyon. Tiningnan niya ang katabi na nakamasid sa kanya. “Gusto mong makita ang itsura niya bago ko burahin?” ibinigay niya dito ang cellphone.
Tahimik na nag-scroll ito sa pictures nila. “Ah, ‘yan pala itsura nya….” Naningkit ang mga mata nito. “Hindi kayo bagay,” he said with a smirk.
“Sabi din nga ni Frances, ‘yung landlady ko,” kinuha niya ulit ang cellphone at agad binura ang huling patunay ng naging kaugnayan niya kay JL Aquino. Good riddance, jerk.
“Congratulations!” parang tuwang-tuwa na sabi ni ‘JL’ bago maingat na iginiya siya sa pinto ng restroom. “Take your time. Hihintayin kita dito.”
Ilang segundong tiningnan niya ang lalaki na inayos ang nakasampay na jacket sa braso nito, bago sumaludo at pumasok na rin sa katapat na restroom. Nangingiting itinulak niya ang pinto at humakbang sa ladies' room na mukhang siya lang ang laman. Good.
Dumerecho agad siya sa harap ng full-length mirror, inaasahang masisindak sa itsura. Pero bukod sa medyo namamaga at namumulang mga mata at nagulong clip sa maikling buhok ay wala nang ibang mali sa itsura niya.
She actually still looked quite… radiant. Parang may ningning pa sa mga mata niya at medyo namumula siya. Ramdam pa niya ang bigat sa dibdib,ang sakit at galit pero parang alam niya na hindi magtatagal ay mawawala din iyon.
After several minutes, mukhang fresh at mabango na uli siya. Halatang galing pa rin siya sapag-iyak pero madali nang gawan ng palusot iyon mamaya. Ilang saglit na sinipat pa niya ang itsura sa salamin, bago hinila pabukas ang pinto at naabutang naghihintay sa labas si ‘JL’.Napangiti agad ito at appreciative na hinagod siya ng tingin bago inabot ang kamay niya.
“Hindi pala nare-retouch ang itsura ng ginago ng ex. Pag may nagtanong kung bakit parang umiyak ako, sasabihin ko na lang na inaatake ako ng dysmenorrhea.” Sabi niya habang maglalakad na papunta sa courtyard.
“Shit, may ganu'n ang kapatid ko. Nakakaawa. Do you really have bad oeriod pains?” concerned na tanong ni ‘JL’.
Tumango siya. “Yes, and alam ‘yun ng friends ko. Pero tapos na ang monthly dilemma ko, last week pa,” humigpit ang hawak niya sa braso nito. “Buwisit na JL ‘yun! Kailangan ko tuloy umarteng literal na may pinagdadaanan!”
Mahinang natawa ang katabi niya. “Pero may pinagdadaanan ka naman talaga, di ba?” tinapik nito ang kamay niya, bago bumulong. “I did a bit of theater in college. I’ll act like the perfect, caring boyfriend. Okay?”
Nakagat niya ang dila. Bakit ganoon? Parang may kumiliti sa batok niya?“Thanks, gorgeous,” bago pa niya napigilan ang sarili ay nahagkan na niya ang balikat ni ‘JL’. Nagulat din siya sa ginawa, alanganing ngiti ang isinagot sa katabi na amused na nakatingin sa kanya.
Ibinuka niya ang bibig para sana mag-sorry, pero inilapit nito ang mukha at hinagkan siya sa pisngj, sa sentido, sa buhok. “I’m in love with you, you’re in love with me for the next four hours, okay?”
“Okay,” she breathed nervously. Bakit parang totoo?
“Lara Belle! Oh, my God! Finally!”
Nagtama ang mga mata nila ng kasama, na mukhang naaliw sa pagtawag sa buong pangalan niya. “Showtime,” she mouthed before she faced her friends. All four of them, kabilang na si Andrei na gaya nina Myrtle, Alyssa at Lizette ay may kasamang plus one.
Lahat ay nakatitig kay JL nang ipakilala niya, at obvious ang paghanga ng mga ito. Si Andrei ay hindi maitago ang gigil at pinisil talaga sa braso si ‘JL’ bago siya tiningnan ng makahulugan.
“Nice one, bebe!” nakangiting sabi nito na sinang-ayunan ng lahat bago sila sumunod sa coordinator na pumunta na sa designated seats nila dahil parating na raw anv bride at mag-uumpisa na ang kasalan within several minutes.
Walang entourage, at na kay Janine, ang magandang bride lang ang atensyon ng lahat. Ang ganda ng ngiti nito habang naglalakad sa aisle na nang makita siya na halos yakap ni 'JL' ay namilog ang mga mata at lalong lumaki ang ngiti.
She wondered if her friends would have the same response if she brought the real JL instead. Parang hindi, medyo snob at elitista ang ex niya habang natural at down-to-earth si Mr. Sanvictores.
Hindi rin ito na-bore sa kasal, at nakatingin pa sa bagong mag-asawa na parang matagal nang kakilala ang mga ito. Halos hindi rin ito lumayo sa kanya o bumitaw sa kamay niya sa kabuuan ng ceremony, at game din na sumali sa photo ops kasama ang bagong kasal pagkatapos.
“Finally, nakilala ka rin namin!” nakangting sabi ng bride kay ‘JL’. “Alam mo bang si Lara ang sumulat ng wedding vows namin? Grabe, ang galing ng babaeng ‘yan!”
Pabalik na sila sa upuan ay ramdam pa rin niya ang humahangang tingin ng kasama. Wala itong sinasabi pero nag-iinit ang pisngi niya sa tingin nito.
“Hindi alam ng ex mo ang pinakawalan niya. I know it’s for the couple, and it's their story – but those words could only be written by someone who was so in love…” bulong nito pag-upo nila.
Malungkot na ngumiti siya. “That’s right. Was. Mamahalin ko pa ba ‘yung taong mababa pala ang tingin sa akin?” bumuntung-hininga siya. “Salamat, ha. Kahit papa'no, okay na ang pakiramdam ko. I know it's just for a few hours but you kind of saved me from feeling less worthy.” She reached up to kiss his right cheek. “Thank you.”
“Hey, guys! Mamaya na ‘yan! It's our turn at the buffet table! Tara na!” excited na yaya ng mga kaibigan niya. May twenty minutes na break para mag-ayos at magpalit ng mas komportableng damit para sa post-wedding party ang bagong kasal, habang by batch namang pinapupunta sa buffet table ang mga bisita para kumuha ng pagkain.
“Shucks, ang dami! Appetizers lang ang kukunin ko, tapos dessert. Then… lechon!” natatakam na sabi niya habang nilalagyan ng sandwich rolls, potato wedges, buttered vegetables at pasta salad ang plato.
“Alright, ako'ng bahala sa lechon mo. Get some desserts for me? Wait, not some, everything!” he grinned as he lined up for the seafood dishes.
“Kuya? What are you doing here!”
Sabay pa silang gulat na napatingin sa babaeng naka-chef's uniform na nasa harap ng malaking pot ng seafood chowder.
Nanlalaki ang mga mata nito, palipat-lipat ang tingin sa kanila.
Agad na nakabawi si ‘JL’, na ngumiti sa kanya. “Lara, this is my little sister Yella.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...