“I wasn't expecting you'd come but I'm so glad you did, Kino,” hindi inaalis ni Charmaine ang tingin sa katabi niya. “And I… well, honestly I'm kinda surprised you brought soneone.”“May nakalagay sa invitation that I could bring someone.” Nakangiti pa ring sagot ni Kino.
Parang napilitan lang na tumango ang babae. “Right, sure. I just thought ypu'd bring your sister.”
Napaubo siya, naalala kung gaano katindi ang galit dito ni Yella. Sumulyap sa kanya si Kino na makahulugang nginitian niya.
“But it's nice to meet you, Cara,” Charmaine finally looked at her. Nakangiti ito pero nanunuri ang tingin.
“It's Lara,” pagtatama ni Kino na tinapik niya sa likod.
“That's okay,baka hindi lang niya narinig ng ayos kasi medyo maingay dito.” Gumanti siya ng ngiti kay Charmaine at Marlon. “Good to meet ypu, too. You guys look good together, gaano katagal na kayo? You kinda look alike kasi, and you know what they say about couples na magkamukha na…”
Si Kino naman ang napaubo, kaya hinimas niya ang dibdib nito habang nakangiti pa rin kina Charmaine na naniningkit na ang mga mata.
“Magkakakilala na kami since high school, kaming tatlo, but we've been a couple officially for… over a year,” sagot ng babae.
“A year and seven months,” pagtatama ni Marlon na umakbay kay Charmaine.
Naramdaman niyang parang nanigas ang likod ni Kino. Mukhang noon lang nito nalaman ang impormasyong iyon. So, this Charmaine bitch really started things with Marlon while she was still with Kino?
Naiintindihan na niya ngayon ang galit ni Yella.
Tiningnan niya si Kino, na parang hindi alam ang sasabihin. Tinapik niya ito sa dibdib at nagyaya nang kumain. Relieved na bumuntung-hininga ito at iginiya siya sa buffet table.
“You know, I planned every tiny detail of this party, including the food! Let me make a few recommendations…” tumabi si Charmaine kay Kino habang nakakapit pa din kay Marlon. Inumpisahan nitong idetalye kung ano ang mga nasa mesa, bago napunta sa pag-reminisce sa high school days ng mga ito ang usapan.
Obvious na ipinapamukha sa kanya ni Charmaine kung gaano katagal na ang history nito with Kino, at nahalata din iyon ng lalaki. At times, he would pull her close and kiss her hair or her temple, or whisper to ask if she’s okay. Pag nakikita iyon ni Charmaine ay hinihila uli nito ang atensyon ni Kino, gaya noong napunta sa trabaho ang usapan.
She was silently feasting on cold cuts and cheese when Charmaine suddenly asked about her job. Napakurap siya at sandaling nalito. Ramdam niyang nakatitig si Kino sa kanya.
“I’m a content creator for a US-based media company, and I also supervise a team of captioners for PWDs.” Sagot niya.
“Ah, online?” hindi impressed na tanong ni Charmaine.
Tumango siya. “Very flexible work hours and a generous, supportive boss. Kaya may oras ako to do other things like work on my post grad degree.”
“Really? Saan?” nakataas ang isang kilay ni Charmaine.
“Ackerton, MBA,” nakangiting sagot niya na nagpatahimik sa babae. Hindi madaling makapasok sa post graduate programs ng Ackerton University – Manila. Hindi nga rin niya alam kung paano siya natanggap.
Kung saan-saan na napunta ang usapan pagkatapos, hanggang sa mapagod na siya sa pagkain nang nakatayo at sinabi kay Kino na may nakita siyang bakanteng couch sa sulok. Nagpaalam ito kina Charmaine at Marlon at sumunod sa kanya.
“I'm sorry, I'm so sorry, sorry, sorry. F*ck,” paulit-ulit na mahinang sabi ni Kino nang pabagsak itong naupo sa tabi niya sa couch sa isang sulok ng bar. Halos kalalapag pa lang niya sa mesa ng plato ng bite-size desserts at malaking goblet ng tubig.
For the past half hour or so, at kahit habang kumakain sila ng samu't saring finger foods ay halos hindi sila hiniwalayan ni Charmaine, na parang hirap paniwalaan na may girlfriend na kasama si Kino. She was obviously shocked when he introduced her, parang namutla pa ito.
“Sorry para saan? I owe you, Kino. It’s okay,” sumubo siya ng isang chocolate coated strawberry.
“No!” mahinang protesta nito. “Damn it, don't say that, Lara. You don't owe me anything. Hindi kita isinama dito para – shit,” he buried his face in the crook between her shoulder and neck in frustration.
She gasped, then swallowed. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.
Mula sa unang pagkikita nila ni Kino ay wala halos namagitang pagkailang sa kanila. Madali silang nagtiwala at naging komportable sa isa't isa.
Maliban sa kasinungalingang kailangan nilang panindigan sa harap ng mga kaibigan, parang wala na halos silang itinago. Walang pag-aalinlangan.
They touched when they felt like it, got closer than necessary when they neded to… hell, she even kissed him!
Pero iba ito, dahil napalitan na ang sitwasyon. Si Kino naman amg kailangan niyang panooring harapin ang katotohanan tungkol sa babaeng minahal nito, kasabay ang pagguho ng pag-asang may another chance pa.
“Kino,” tinapik niya ang gilid ng ulo mito. “’Yung totoo, umasa ka ba na baka may second chance kayo ni Charmaine? Or at the very least, naisip mong baka single ulit siya kaya pumunta ka dito?”
Nag-angat ito ng ulo, bago lumayo at dumerecho ng upo. “No, not that one,” sinalubong nito ang tingin niya. “I’m over her, Lara. I know I’ve been over her for a long time now. At mas malinaw na sa ‘kin ngayon na gusto ko lang siyang makita para masiguro kung totoong wala na ba, kung may mag-iiba. I had to know for sure,”
“Parang closure gano'n?” kumuha siya ng isang chocolate truffle at isinubo iyon kay Kino.
“Hmm, mmm….” Tumango ito habang ngumunguya, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Nagulat lang ako kanina kasi biglang siya agad ang nakita ko, at ang tagal na nu'ng huli. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko at para makasiguro, ako na ang lumapit sa kanila ni Marlon…” napailing ito.
“And? Ano'ng nangyari?” sumubo siya ng caramel cheesecake. Dalawang chocolate coated strawberries na lang ang nasa plato na kinuha niya at ibinigay kay Kino ang isa.
“And nothing. There’s the usual hesitation when you meet someone again after a long time and that’s it. Parang nagulat din sila na dumating ako, especially Charmaine,” he sighed, seemed to think for several seconds as he chewed on the dessert.
“Nagkumustahan, kuwentuhan ng konti, until I noticed this pathetic little mind game that she’s playing, even while Marlon was there…”
“Paanong mind game?”
“Nararamdaman at nakikita mo naman kung paano ka tingnan ng isang tao, di ba? Charmaine looked at me the way she did when we were still together, and instead of being flattered, I was insulted. Disgusted even. Halatang in-assume nya na pumunta ako dito dahil may nararamdaman pa ako sa kanya, kaya nu'ng lumapit ka,” he winced. “I’m sorry, alam kong immature at selfish pero kanina, gusto ko lang na talunin siya sa laro niya,”
“But it worked, di ba?” tumatangong sabi niya. “Gulat na gulat siya na may girlfriend ka na pala for months now. Napansin ko rin iyon, Kino, pati na ‘yung pagsubok niyang inisin ako.” Napailing siya.
“I can’t believe I fell for that kind of person.” Napabuga ito ng hangin. “-Tangina, we had good times. We had fun. I loved her,” parang idiniin nito ang past tense ng sinabi. “I wanted to marry her, imagine that.”
“Yeah,” uminom siya ng tubig. “I know exactly how you feel,” ngumiti siya dito.
“Buti nagising tayo,” ipinaikot nito ang isang hraso sa kanya at marahang hinila siya paharap dito, habang nakasandig ang gilid ng mga katawan nila sa couch. “We had to play these stupid games but we know better now,”
Kalahating ruler lang yata ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa, habang halos yakap siya ni Kino. Nag-uumpisa uling bumilis ang tibok ng puso niya, at may kakaibang init na dala ang tingin nito. “A-are we… still playing games, Kino?”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...