“Here, tingnan mo. Galing ‘yan sa impaktang ex ni Kuya,” inilagay ni Yella sa mesa ang isang eleganteng invitation card.
The card was an invitation to a party, from a certain Charmaine Vizcarra. Celebration para sa pagbabalik ng babae sa bansa matapos ang halos dalawang taon na pag-aaral sa UK bilang Chevening scholar.Nagtapos ito with Latin honors at nakatakdang mag-umpisa ng trabaho sa isang ahensya ng gobyerno.
Sa Sabado ang party, sa isang upscale club sa Makati na nasa isang mamahaling high rise condominium building. The card says that the invited could bring a guest.
Nakaangat ang isang kilay na tiningnan niya si Yella, na halos hindi niya nakilala nang lapitan siya kanina sa isang corner table ng V Café.Malayo ang itsura nito sa simple at polished na would-be chef, dahil mukha itong emo rocker na anime character. Tapos na daw as of last weekend ang OJT nito sa Alabang kaya nadagdagan ang free time pag walang klase
“Ganito ang normal na itsura ko,” she said with a smirk as she sat down opposite her ten minutes ago.
Pina-order muna niya ito, sinabing treat niya na mukhang na-appreciate ng babae. Medyo suplada at parang bored pa rin ang tono nito sa pakikipag-usap, pero wala na ang sarcasm at angst gaya noong una niya itong makilala two weeks ago.
“That card arrived at Kuya's office two days ago. Tumawag sa bahay ang secretary nila at ako ang sumagot. I volunteered to pick it up. I'm sure may digital version iyan na ipinadala sa email ni Kuya, na kahapon ng umaga lang dumating from a two-week work trip to Tokyo and LA.” Paliwanag nito, na ewan kung bakit nagbigay sa kanya ng relief.
Kino was busy, at malamang ay umalis ito nang sumunod na araw matapos ang kasalan. Maybe, just maybe, he didn’t really forget about her.
“Jetlagged pa siya pero sigurado akong pupunta siya sa party ng gagang ‘yan. Alam mo kung bakit?” gigil na itinusok ni Yella ang tinidor sa kasisilbi pa lang na choco-walnut torte.
“Bakit?” tanong naman niya.
“Dahil tanga siya!” asar na sagot ni Yella. “Ewan ko ba sa isang iyon, ang hilig magmahal ng mga babaeng ginagamit lang siya. ‘Yung first girlfriend niya, ginamit lang siya para pagselosin ang ex ni girl at balikan siya. ‘Yung sumunod doon, ginamit siya para matakpan ang pagiging lesbian na hindi agad maamin. ‘Yung sumunod, akala namin matino na at nag-propose pa si Kuya, ha! Pero ginamit lang pala siyang panakip-butas habang hinihintay na ma-annul ang kasal ng talagang gusto niya. And then, this Charmaine,” uminom muna ng milk tea ang babae bago nagpatuloy.
“Magkakilala na sila ni Charmaine since high school. Niligawan pa niya ‘yun pero binasted at pinagtawanan lang niya dahil payat at hikain pa si Kuya noon. When they met again almost three years ago, todo dikit na ang gaga sa kapatid ko! Pero ang arte niyan, masama pa ugali! ”
Nakatitig lang siya kay Yella, namamangha pero naiintindihan na kung bakit protective ito sa kaoatid. “Anyway, for several months bago ‘yung proposal ni Kuya kay Charmaine, she was busy attending to her Chevening application and pre-deoarture seminars. Nu'ng mag-propose si Kuya, she said No, dahil nakasabay pala niya sa application ang isang high school friend ni Kuya na gusto pala ng Charmaine na iyon and she chose that man over my brother,”
“Shit,” hindi napigilang sabi niya. Kino seemed like a happy, content person at peace with himself. Sino ang mag-aakalang ganoon na ang pinagdaanan nito? “Naiintindihan na kita ngayon.”
Napailing si Yella. “I had time to think about why you did what you did at the wedding and I realized, hindi ka kasing-sama ng mga babaeng nabanggit ko. They’re all deliberate, unapologetic. Lalo na si Charmaine na demonyita talaga, I’m sure may planong lumandi uli iyan sa Kuya ko kaya nag-imbita. Malamang nagsawa uli du’n sa ipinalit niya kay Kuya,” bumuntung-hininga ito. “At ikaw? Clueless ka lang. At inamin mo ding mali ka. Hindi lahat kayang gawin iyon.”
She stared at the younger woman. “Well, thanks, I guess.” Itinuro niya ang invitation card. “Ano talaga ang dahilan at nandito tayo?”
Nangislap ang mga mata ni Yella. “Gusto mong bumawi at ibalik ang pabor na ginawa ni Kuya, di ba? Now’s the time to do it. Or rather this Saturday,” makahulugang ngumiti ito.“Make sure my brother won’t even think about getting back with that bitch because you know, he is sooo taken… by you.”
Saturday
“Naks, guapo, ah! Ang bango pa! Aalis ka?”
Gulat na napatingin sa nakabukas na pinto ng kuwarto niya si Kino. Nakasandal sa door frame si Yella at curious na nakamasid sa kanya.Hindi niya namalayan ang pagdating nito, at walang nabanggit ang kasambahay nilang si Ate Gigi na kanina lang ay inihatid sa kuwarto niya ang ibinilin niyang supplies nang mag-grocery ito.
“Kadarating mo lang?” medyo kinabahang tanong niya habang isinusuot ang kaba-brush lang na sapatos.
“Yup, just in time para sa baking session namin ni Ate Gi,” matamang minasdan siya ng kapatid. “I know where you’re going,”
Napahinga siya ng malalim. “Yeah?”
“Hindi naman porke inimbita ka, kailangan mo nang um-attend. Hindi ito alan nina Mama at Ate Nica, tama?”
Shit. Buti na lang at nasa Tagaytay this weekend ang mga magulang niya, kasama ang pamilya ng Ate Nica nila. Hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag sa ina ang pag-alis ngayon. Madali pa naman itong ma-highblood pag nababanggit ang pangalan ng ex niya.
Yes, he’s going to see his ex-girlfriend Charmaine… sort of. He was invited to a party in her honor. A-attend lang naman siya para hindi nito isiping may sama ng loob pa din siya dito at hindi maka-move on. Plus, curious din siya kung bakit talaga siya nito in-invite.
A year ago, through a video call from England, she made it clear that they’re over and she’s happy with his long-time friend Marlon.
“Hindi nila alam, unless…” napatingin siya sa invitation card sa ibabaw ng desk niya malapit sa pinto.
“Walang nakakita niyan. Ako ang nakakuha last Tuesday at inilagay ko agad dito,” sabi ni Yella bago naniningkit ang mga matang minasdan siya. “Mag-isa ka lang talaga na pupunta doon, kuya? With all those other people who knew your history with that… witch?”
Kinuha niya ang susi ng sasakyan at cellphone, bago ini-off ang ilaw sa banyo at lumapit na sa pinto. “Gusto mong sumama?” tanong niya sa kapatid na agad nagsalubong ang mga kilay.
“Ew, no! Gusto mong ma-witness ng lahat kung paano ko balatan ng buhay ang ex mo?”
Natawa siya. “Ikaw pala ang hindi maka-move on, eh.”
“Alam kong pupunta ka doon dahil gusto mong malaman kung bakit ka niya in-invite, at malamang umaasa ka na baka gusto nyang makipagbalikan, Kuya.”
“That’s not true,” depensa agad niya. He really hasn’t had time to think about his real motivations yet for going, parang lutang at windang pa siya sa jet lag. But he wanted to be there.
“Really? Mukha kang excited. Suot mo pa ‘yang favorite shirt and shoes mo. At ang bango mo…”
“Should I go there looking like I haven’t showered in days? Unshaven? Mukhang hindi pa naka-move on?”
“Ah, so pupunta ka doon para ipamukha sa impakta na naka-move on ka na?”
Frustrated na bumuntung-hininga siya. “I don’t know… maybe? Yella, it’s just a party –”
“Kailangan mo ng date. Nakalagay sa invitation na puwede kang magsama,” nauna nang bumaba sa hagdan ang kapatid niya.
“Fine,” nahilot niya ang sentido. “Sige na, magbihis ka na kung gusto mong sumama.”
“Engot! Hindi ako! Kailangan ‘yung date mo, sisiguraduhing hindi mo maiisipang balikan ‘yung ex mo in a non-violent way.”
“Just behave then. Don’t bring any small knife or something…” napailing siya.
Natawa si Yella. “Kung sasama ako sa iyo. balintawak ang dadalhin ko, Kuya,” tinalon nito ang dalawang huling steps ng hagdan pababa sa sala. “Advance akong kag-isip, kaya may nakuha na akong date para sa iyo. You’re welcome!” she grinned.
Tinitigan niya ang kapatid, bago itinuloy ang pagbaba sa hagdan. Pero pagtapak sa huling step ay muntik na siyang madulas, kaya napakapit ng mahigpit sa baluster.
Not that he hasn’t thought abput her since they met, but he chose to keep his distance for awhile to give her time to nurse her broken heart.He didn’t want to be the rebound guy, even if he struggled to stop himself from adding her on Facebook or Instagram to ask for her number.
Napakurap siya, hindi makapaniwala sa nakikitang nakatayo sa gitna ng sala.Lara Resurreccion seemed shy and awkward as she looked at him with a tentative smile, but that didn’t disguise the fact that she was so damn beautiful, even more than the last time he saw her.
“H-hi…” napalunok siya, titig na titig sa babae habang palapit dito.
“Hi, Kino.” Mahinang hati nito. “I’m Lara, your girlfriend for tonight.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie (Completed)
General FictionNang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya...