Bye, JL

118 12 1
                                    


“Sorry, she had a lot of questions,” isa-isang inilagay ni ‘JL’ sa mesa ang mga plato mula sa dala nitong tray na agad ibinalik sa kasunod na server at nagpasalamat. “Hindi ko nga alam na ito pala ‘yung event na sinasabi niya kaya baka hanggang seven-thirty daw siya,”

Tumango siya. “Is everything okay? Ayos lang din sa akin na umalis ng seven-thirty. I have period cramps, remember?” nakangiting sabi niya at agad kumuha ng lechon.

“Si Yella ang pumili nyang lechon mo. And paki-try mo daw ito, siya ang may gawa niyan. Spicy, creamy tuna pasta. Kailangan nya ng feedback,” sinimulan na rin nitong kumain. “And yeah, everything's okay. Nagulat lang din siya.”

“She knows our situation, then?”

“Yes. Don’t worry, she’s cool. Gusto ka nyang makilala later.” Itinuro nito ang pasta. “Kain pa!”

Ilang segundong minasdan niya si ‘JL’, na nakatingin din sa kanya. Ang hirap pa din paniwalaan na ang lalaking lampas isang oras pa lang niyang kilala ang kasama niya ngayon at ipinakilala bilang boyfriend sa mga kaibigan.

What a beautiful lie…  malungkot na iniiwas niya ang tingin.

But a lie is a lie, and eventually, maybe after a few weeks or a couple of months, kailangan niyang i-announce ang ‘hreak-up' nila.

And no, hindi puwedeng ito ang may kasalanan.

“Hey, bawal bumitaw sa staring match nang hindi nakangiti,” he held her chin to turn her face back to look at him.

She pursed her lips, pretended to think for a few seclnds, before she smiled. Madali namang ngumiti para dito, kaya nilandian na niya. Ngiting parang may gusto siyang gawin dito mamaya.

“Hinahamon mo ba ako?” sumubo ng lechon si ‘JL’ at maingat iyong nginuya, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Natawa siya, nag-init agad ang pisngi. Ibinalik na niya ang atensyon sa pagkain bago napansin na kinukunan sila ng video ni Myrtle. “Hoy, tigilan mo ‘yan!” saway niya dito, agad kinabahan.

“Ang cute nyo eh. Parang may sariling mundo.” Nakangising sabi ng kaibigan niya, na ibinaba na ang cellphone.

Naiiling na binalikan na lang niya ang lechon kahit kinakabahan at gustong pakiusapan ang kaibigan na huwag i-post sa social media ang video. Then again, kahit addict sa Facsbook ay naka-private o restricted naman ang settings ng account nito. Sana lang, kung sakali, ay walang nakakakilala sa parehong JL.

Sumulyap siya sa katabi, na nahuli niyang nakamasid sa kanya. Hindi ito nag-iwas ng tingin, at dinampian pa ng napkin ang gilid ng labi niya.

Napalunok siya, hindi maiwasang magkumpara. She can’t recall being treated that way, ever. Ang ironic na sa isang pekeng boyfriend pa niya naranasan ang ganoon.

“Ang ingay pero parang naririnig ko pa rin na may iniisip ka,” bulong nito habang pumipiraso mula sa stuffed squid.

Umangat ang isang kilay niya. “Ano ang naririnig mong iniisip ko?” ngayon lang niya nakilala ang lalaking ito, pero komportable na siya agad at parang kilala na siya.

“I don’t know exactly, but you’re worried,” he replied.

She just stared at him, she wanted to say something but didn’t know how to begin or where. Bigla ay parang gusto na niyang umalis sa lugar na iyon, lumayo kasama si ‘JL’. Maybe she'll cry some more, or talk until she’s hoarse.

Dapat ay ang mga kaibjgan ang kausap niya, ang pinagtatapatan ng mga hinaing, ng tunay na nangyari ngayong araw. Pero alam niyang kahit nanatili sa buhay niya ang mga ito ay hindi na kagaya ng dati ang lahat.

Naramdaman niyang hinawakan ni ‘JL’ ang kamay niyang nakahawak sa gilid ng mesa, na medyo mahigpit yata. “Let go,” he mouthed, and she did. She also knew he wasr just talking about her hand.

Mabuti na lang at tutok sa bagong kasal ang program, at bukod sa messages ng mga magulang at sponsors, at trivia game ay wala nang ibang participation ang guests. It was still fun, though, and if only she didn’t have a lot in mind, she would’ve enjoyed it more.

Pero gusto na lang talaga niyang umuwi, lalo na nang maubos na niya ang mga pagkaing kinuha. Hinintay lang niyang mag-ikot sa mga mesa ang mga bagong kasal para magpaalam.

Her excuse was her nonexistent period cramps, and she was apparently convincing dahil parang namumutla daw siya at malamig ang mga kamay nang hawakan ng mga kaibigan. Niyakap niya nito, at humalik siya sa ibang mga kasama sa mesa bago hinayaan si ‘JL’ na alalayan siya palabas, kung saan hinarang muna siya ng wedding coordinator para ibjgay ang souvenir niya at gift bag bilang ‘friend of the bride'.

“I’ll just book a taxi service. Puwede bang magpahatid diyan sa mall at doon na ako magpapasundo?” tanong niya kay ‘JL’ habang papunta sila sa side exit, kung saan nakita nilang naghihintay si Yella, na may malaking backpack at eco bag na bitbit.

“Puwede ka naming ihatid. Saan ka ba sa QC? Sa K-1st kami,” tinapik nito ang likod niya.

“Sa Diliman area, sa Vista Heights. Out of the way.” Ngumiti siya nang makalapit kay Yella, na tinanguan lang siya.

“Malapit din pala. Okay lang ‘yun,” kinuha ni ‘JL’ ang backpack ng kapatid at ipinkilala sila ulit sa isa't isa.

“Masarap ‘yung spicy tuna pasta mo. Na-balance ng spiciness ‘yung creaminess niya kaya hindi nakaka-umay. I love the combination of spinach and mushrooms, at ‘yung tamis niya sakto lang.”

Lumingon sa kanya si Yella na nauunang maglakad papunta sa compact SUV ni ‘JL’. “Thanks, I appreciate that,” huminto ito nang nasa harap na sila ng sasakyan. “Pero hindi ibig sabihin niyon ay okay na sa akin ang panggagamit mo sa kapatid ko,” iniabot nito kay ‘JL’ ang eco bag. “His actuai nickname is Kino, by the way. Hindi JL, ang boring kaya ng JL!”

“Yella!” saway dito ng lalaki, ni Kino.

Napangiti siya kahit kinakabahan. Bagay dito ang Kino.

“What? Totoo namang ginamit ka lang niya ngayon. Huwag na nga tayong maglokohan, kuya! I'm sure she knows what she just did.” Defiant na sagot ni Yella.

Napabuntung-hininga lang si Kino, bago inilagay sa backseat ang mga gamit ng kapatid.

“Tama ka  ginamit ko ang kapatid mo. Sinamantala ko ang kabaitan niya. No excuses. It was wrong. I lied to my friends just to feel better about myself. Nagpanggap ako na okay pa rin ang lahat kahit hindi pala, at idinamay ko pa si J… si… Kino,” sinalubong niya ang naghahamong tingin ni Yella, bago tumingin kay Kino. “I’m sorry that was how we met. I really am grateful for what you did for me. Hindi ko naramdaman na umaarte ka, at kahit ilang oras lang iyon, nabawasan ang bigat at sakit na nararamdaman ko. Salamat.”

He smiled, and she knew there’s no way she’d simply forget that smile. “I was willing and I had fun. Maliit na bagay –”

“You can't just get away with it. Ano, ganu'n lang?” naniningkit ang mga matang tanong ni Yella. “Alam mo ha kung ano na ang mga pinagdaanan ng kapatid ko, kung ilang beses na siyang nagamit at niloko ng mga babaeng gaya mo?”

“Yella, stop it!” medyo tumas na ang boses ni Kino nang haeakan sa braso ang kapatid.

“No! Ano ka ba, kuya? Masyado kang mabait! Kaya madalas kang naloloko!” inalis ni Yella ang kamay ng kapatid sa braso.

“Hindi siya kagaya ng mga babaeng sinasabi mo, okay?” napu-frustrate na depensa ni Kino, bago nagpapaunawang tiningnan siya. “Tara na, ihahatid ka namin.”

Alanganing ngumiti siya. “Salamat, pero diyan sa mall nyo na lang ako ihatid. May pambayad pa naman ako ng taxi service. Baka bumili din muna ako ng damit para palitan ito,” iminuwestra niya ang suot. Tumingin siya kay Yella, na matamang nakatingin sa kanila. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Your brother is a kind, wonderful man. He didn't deserve what I did today,” napayuko siya. “At kung may magagawa ako para makabawi –“

“Wala akong hinihinging kapalit,” kinuha ni Kino ang kamay niya at marahang iginiya siya sa sasakyan. Asar na tinalikuran sila ni Yella at pumuwesto na sa front passenger seat.

Ipinagbukas siya ni Kino ng pinto, at inuna niyang ilagay sa upuan ang mga dala bago muling hinarap ang lalaki. “Thank you,” umpisa niya at tiningnan ito, bago hinawakan ng parehong kamay ang mukha nito para ilapit sa kanya. His eyes natrowed a bit, his lips twitched, but he didn’t say a word.

Her heart pounded against her chest as she tiptoed so she can kiss him on the lips. Just a quick peck, just a couple seconds of his soft, warm lips against hers before she pulled away and let go. Para siyang gininaw, bahagyang nanginig nang maupo na sa loob ng sasakyan.

Tahimik sila sa maikling biyahe papunta sa mall, at ramdam niya ang mga sulyap ni Kino kahit nakatingin siya sa labas ng bintana. Nang huminto sila sa harap ng isang coffeeshop ay inabot niya ang balikat nito. “Dito na lang, salamat. Ingat kayo,”  babawiin sana agad niya ang kamay pero hinawakan iyon ng binata at hinagkan.

“Ingat ka. Text when you get –“ napatingin ito sa kanya kasabay ng oagbawi niya ng kamay at pagtulak pabukas ng pinto.

They don't have each other's numbers.

“Kuya, ket's go!” malakas na sabi ni Yella.

Bumaba na siya ng sasakyan, na parang sandaling nag-alinlangan pa bago tuuyang umalis.

Bagsak ang mga balikat na naglakad siya papunta sa entrance ng mall. Nine months was over. Three or so hours with Kino Sanvictores was gone.

She's alone again, and lonelier than she'd ever been.

Beautiful Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon