A Necessary Encounter

111 12 1
                                    

“Akala ko, hindi ka na bibitawan ni Frances,”

Muntik nang masamid sa iniinom na malamig na fruit wine si Lara. Kino’s hot breath grazed the side of her face, as his fingers lightly slid down her arm. Nasapo niya ang dibdib at sandaling napapikit, bago ibinalik sa bar ang walang lamang baso.

“Hello, stalker,” she smirked. Nasa isang charity ball sila kung saan imbitado siya ni Kino bilang plus one nito. Naroon din si Frances bilang isa sa mga reoresentative ng ahensyang pinagtatrabahuhan nito.

Kinailangan siyang iwan sandali ni Kino upang makipag-meet sandali sa ilang organizers ng event, kaya sa loob ng isang oras matapos ipakilala ni Kino sa mga kaibigang naroon din ay si Frances na ang kasama niya.

“Busted,” he grinned. Kanina pa kasi niya napapansing sinusundan siya ni Kino ng tingin kahit may mga kausap ito. Tiyak ding napansin na nito ang pagkabalisa niya.

Nasa event din na iyon si JL Aquino at ang boss nito na si Senator Margarita Nicolas, pati na si Claude na una niyang napansin. Hindi niya sigurado kung nakita siya ng mga ito, pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala.

Napansin din ni Frances ang mga ito kaya hindi halos siya hiniwalayan ng kaibigan. “They’re here, Kino.” Mahinang sabi niya sabay hawak sa braso nito. “T-that JL and his boss and… Claude,”

“Claude!” nagtatakang ulit ni Kino, bago siya inakbayan at iginiya sa isang tabi. “You mean, ‘yung classmate ko dati? Yes, nakita ko nga siya kanina.”

“Nakilala ko na siya dati, Kino. Through JL, I think they’re friends, too.” Pagtatapat niya.

Napakurap ito. “Oh, yeah?”

“This year ko lang siya nakilala, siguro mga six or eight months ago lang. And you told them at Charmaine's party na six months nang… t-tayo,” she bit her lower lip.

“Ooohh, shit. I'm…” nag-aalalang hinila siya ni Kino palapit pa dito. “I’m sorry, I'm so sorry, Lara. Masyado akong nagpadala sa inis ko noong sumagot ako on your behalf, ang naisip ko lang –”

“Ssshh, okay lang,” inilapat niya ang isang daliri sa labi nito. “Hindi pa naman ako sigurado kung nakita nila ako. Baka puwedeng…” napabuntung-hininga siya. “No, ayoko nang tumakbo o magtago. Haharapin ko ito.”

“Ako’ng bahala. I’ll talk to him if he approaches.”

Umiling siya. “No! Laban ko ‘to, Kino. Choice ko kung bakit ganito ang nangyari at aayusin ko ito.”

“So, that’s the guy! Hey, dude, I know you! You make these online games and shit!”

Napasinghap siya. Malakas ang boses ni JL, halos pasjgaw. Pagtingin niya ay palapit pa lang ito at nakangisi sa kanila, halatang nasobrahan sa wine.

Agad pumaikot ang braso ni Kino sa kanya, at halos iharang ang sarili. Mahigpit na hinawakan niya ito sa braso. “Kino, I got this. Kaya ko ‘to…”

“Yeah!” Malakas pa ding sabi ni JL. “She doesn’t need your protection, Game Dude! Matapang ‘yan, eh. Sa sobrang tapang, kinaya niyang makipagkaibigan sa mga puta –”

“Fuck you!” she hissed, and tried to break free from Kino.

“What? Totoo naman, di ba? Sa sobrang tapang mo, iniwan mo ang matinong trabaho para maging kagaya ng mga kaibigan mo –”

“Hindi masamang babae ang mga kaibigan ko! Hindi kagaya ninyo ng boss mo na walang konsensya at magnanakaw!” napalakas na din ang boses niya.

Agad tumalim ang mga mata ni JL. “Take that back, you bitch! Huwag mong ipasa sa ‘kin ang mga kaputahan mo. You cheated on me with this guy while you were still with me? Ano, magaling ba, Lara? Nagawa nyo na ba ‘yung mga nasa porn site nyo, ha?”

Bago pa siya nakasagot ay may tumama na sa gilid ng mukha ni JL, isamg pulamg sapatos na nang tingnan niya ay galing kay Frances na ngayon ay gigil na pasugod dito, pero agad ding napigilan ng isang lalaki na pilit itong inilayo.

Malakas na napamura si JL sa sakit, at agad na gaganti sana kay Frances pero naunahan niya ito ng suntok. Parang bato sa tigas ang mukha nito na namumula na ngayon.

Akmang hahagipin nito ang braso niya pero naunahan ito ng uppercut ni Kino, dahilan para mapaupo na sa sahig si JL.

Agad niyang niyakap si Kino at pilit inilayo. “Tama na, please. He’s not worth it."

Marahas ang paghinga nito, namumula na rin sa galit. Hindi na ito nagpumiglas nang ilayo niya kay JL na noon ay nilapitan na ng mga guwardya. Naiwan din doon si Frances na nagbibigay ng statement sa head ng hotel security, katabi ang guwapong lalaking nakahawak pa rin dito. Lumapit din ang senadora at ilang kasama nito na malakas na nagtanong kung ano ang nangyari.

“Hindi mo man lang itinama ang sinabi niya na pinagbintangan ka ng kung anu-ano. You’re no cheater, Lara. You’re definitely not a whore,” mahinang sabi ni Kino nang mapaupo sila sa isang bench sa hallway papunta sa mga restroom.

“I’m not a saint either, Kino. Naaalala mo naman siguro kung paano tayo nagkakilala?” malungkot na sinalubong niya ang tingin nito.

He pursed his lips. “Fine. Pero ginagawa mo ang lahat para ayusin ito. Hindi ka masamang tao, Lara. Hindi tama na hayaan mong ganoon ang maging tingin sa iyo ni –”

“Ni JL?” she cut him off, then sighed. “Si JL, as in ‘yung taong wala nang halaga sa akin ngayon? Si JL na malinaw na ngayon kung ano talaga ang tingin sa akin? Wala naman akong pakialam kung ano ang opinyon niya, ang pinaniniwalaan niya. Nag-alala lang ako na baka pangunahan niya ako sa mga kaibigan ko. It was bad enough that I have yet to come clean, but the possibiity of them hearing these things about me from other people? Hindi ko papayagan ‘yun, Kino.”

Marahang tumango ito, at hinawakan ang kamay niya. “Alright, Lara. Naiintindihan ko. But will you let me do sonething for you? Please?”

Bahagyang ngumiti siya. “Okay, ano ‘yon?”

“I’d like to help you plan this get-together with your friends. At sasama din ako pag kinausap mo sila, puwede ba ‘yun?”

Beautiful Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon