A Beautiful Lie

112 14 0
                                    

“I can't believe my sister put you up to this,” napasandal sa upuan si Kino habang tinatapik ng daliri ang manibela. Nakahinto sila sa isang intersection at noon lang ito nagsalita simula nang umalis sila sa bahay nito several minutes ago.

She was beginning to feel bad about agreeing to conspire with Yella, even if she agree that Kino needed to he saved from a potentially impulsive decision.

Ayon kay Yella ay hindi na muling nakipag-date man lang ang kapatid nito simula nang hiwalayan ng dating karelasyon, at natatakot itong haka sa pagdalo sa party ay muling maloko.

“I swear pag binalikan ni Kuya ang impaktang iyon, hindi lang ako ang makakaaway niya. She’s evil, self-absorbed and manipulative. Galit din sa kanya ang mama at ate namin. Sobrang ginago niya ang Kuya ko at hindi niya deserve ang second chance. Please just keep him distracted, Lara. I saw how my brother looked at you, treated you during the wedding. Hindi iyon arte, he was clearly, at the very least, attracted. First time ‘yun simula nang maghiwalay sila nu'ng demonyita.”

“Hindi naman niya ako pinilit o tinakot. Pumayag ako,” sagot niya sabay tingin sa katabi.

Clean-shaven si Kino ngayon, pero medyo mahaba pa rin ang maalong buhok. Medyo maputla ito dahil siguro sa jet lag, pero may kinang sa mga mata.

Dahil kaya iyon sa excitement sa pupuntahan, o dahil sa kanya?

Ay, wow, ganda mo, Lara! Assuming?

“Pumayag ka dahil…?” sumulyap sa kanya si Kino, bago maingat na nagpalit ng lane.

“Dahil naniniwala ako sa cause na ipinaglalaban niya,” prangkang sagot niya.

“What cause is that?” amused na tanong ng katabi.

“Protecting your heart, saving you from yourself?” napailing siya. “Hindi ka required na pumunta sa party, Kino. Please, huwag mong sabihin na ayaw mo lang i-assume niya na umiiwas ka at hindi pa nakaka-move on kasi dapat wala ka nang pakialam sa opinyon nya tungkol sa iyo. "

Buntung-hininga lang ang sagot ni Kino.

“Gusto mo siyang makita, tama?” tanong niya. Hindi ito kumibo. “That’s a ‘Yes’, then. Why?”

Napailing ito. “Honestly? Hindi ko alam. But the first thought I had when I got the invitation was, I want to be there.”

Tumango siya. “And I’ll be there with you.”

“Lara, hindi mo kailangang gawin ito. I don’t want to use you the way – shit…” he bit his lower lip then shot her an apologetic look.

“The way I used you?” hindi niya inaalis ang tingin dito. “I get that, Kino. Totoo namang ginamit kita, okay lang na ipaalala mo iyon. Okay lang din sa akin na gawin ito, some sort of payback. I’m willing and ready,” hinawakan niya ang braso nito.

Tiningnan nito ang kamay niya, bago sinalubong ang mga mata niya. May pag-aalinlangan at lungkot pa rin doon.

“Hindi mo naman kailangang i-announce du'n na girlfriend mo ako. We can always go there as friends. No pressure to behave otherwise,” tinapik niya ang braso nito bago binawi ang kamay. “Smile, Kino. Party ang pupuntahan natin, hindi lamay.”

Natawa ito, at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Ang trabaho na nito ang napag-usapan nila, at ang mga pinuntahan nito recently. He is, apparently, a real nerd.

Head game designer ito sa isang mobile game developer at post production company, at madalas na nagta-travel sa ibang bansa for conferences, short training courses at client meetings.

Nakakatuwa ang enthusiasm at passion nito sa trabaho, inspiring in a way. Hanggang sa makarating sila sa venue bago mag-alas ocho ay animated ang usapan nila.

Pero parang kinabahan na ito nang nasa elevator na sila. Natahimik na si Kino at panay ang tingin sa relo. Nang marating nila ang top floor ay hinawakan muna niya ang braso nito para pigilang pumasok sa bar. He looked at her with question in his piercing eyes.

“Ayusin natin ang hair mo. It's al! over your face,” bago pa ito nakasagot ay nailabas na niya mula sa sling hag ang maliit na tube ng aloe gel, She spread a few on her palm and fingers then ran it over his soft hair, combing it away from his face.

The end result was a Kino that looked more chiseled, his eyes more intense without the hair framing his face.

He blinked. “That smells good. Ano ‘yun?”

“Aloe gel. All-around remedy ng mga kikay na girl scout,” she grinned as she held an arm and made him face a huge mirror on one side of the lobby. Walang pumapansin sa kanila, mukhang wala pang ibang kakilala si Kino doon.

“Uh, so… mukha akong hagong ligo?” alanganing tanong nito. “Different, though. Thank you,” hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinila siya papunta sa entrance. “Let’s go!”

Ibinigay nito ang pangalan sa guard, na agad nakita iyon sa guest list. They were ushered inside without hassle. Nakakailang hakbang pa lang sila mula sa pinto ay napahinto na si Kino, at alam na niya agad kung bakit.

Charmaine. Madaling malaman kung sino ang babae dahil halos nagliliwanag ito sa gitna ng malawak na resto bar.

She wore a white and gold dress, her creamy skin almost luminous. Pati ang dyed dark blonde hair nito ay parang kumikinang.

The woman had the aura and confidence of soneone who obviously have achieved so much.

“Ngayon mo lang talaga siya ulit nakita?” tanong niya sa katabi.

Tumingin sa kanya si Kino. “Yeah, after more than a year.”

“And…? Ano'ng pakiramdam?” untag niya.

He shrugged. “Wala.”

She arched one brow. “Really?”

“Really,” he smiled.

“Paano kung – oh, wait, wait lang,” inilabas niya ang cellphone na nagba-vibrate at umiilaw.

“Sagutin mo muna. I'll check out the food tables, okay?” pinisil nito ang braso niya.

Tumango siya at pumunta muna sa isang sulok para tanggapin ang tawag ni Martha May na masayang ibinalita na in-approve ni Preston na siya na rin ang magbibigay ng titles sa mga videos, with additional pay. Nakangiti siya nang ibalik sa bag ang cellphone at hinanap na si Kino.

He wasn't at the food table, or at the bar. Nasaan na iyon? Naglakad pa siya, panay ang excuse sa mga taong hindi niya kilala, hanggang sa wakas ay makita si Kino na kausap ang isang lalaki at si… Charmaine.

Wala itong hawak na plato ng pagkain.

Nangunot ang noo niya. Ilang segundong nag-isip pa bago napagdesisyunang lapitan si Kino, na agad niyang napansin ang relieved na pagngiti.

“Sorry, that was my boss who called and – “ mahinang napasinghap siya nang hagipin ni Kino sa baywang, dahilan para mapahawak naman siya sa dibdib nito.

“Sorry, babe,” he said huskily, sending shivers through her. His eyes fixed on hers, his hot breath fanned the side of her face and for a moment, everything else seemed to disappear.

Then, Kino ran his hand up and down her sides as he faced the two people who looked at them curiously. “That’s Charmaine and Marlon, and guys, this is my Lara.”


Beautiful Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon